Me Vs. the Campus Queen
+4
DaRlY
Mikasachi
Shitori
Strayed
8 posters
Page 2 of 2 • 1, 2
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Me Vs. the Campus Queen
Fri Jan 31, 2014 6:42 pm
First topic message reminder :
Okay.. Talagang campus queen talaga noh? Wala lang.. Most anime have this kind of genre or themes pero wala akong pinag gayahan. At least this is my own version of campus queens. Title palang parang maangas yung bida noh? haha Anyways, I hope you like it. Pa-part-part lang yung update ko huh.. nagrereview pa ako para sa exams eh ahaha..
Prologue
Chapter 1: The Campus Queen
Chapter 2: The Rise of.. Me??
Chapter 3: Chrome Axel Estolano
Okay.. Talagang campus queen talaga noh? Wala lang.. Most anime have this kind of genre or themes pero wala akong pinag gayahan. At least this is my own version of campus queens. Title palang parang maangas yung bida noh? haha Anyways, I hope you like it. Pa-part-part lang yung update ko huh.. nagrereview pa ako para sa exams eh ahaha..
Me Vs. The Campus Queen
Prologue
- Spoiler:
- Sa dami-daming mga araw ang nagdaan sa aking buhay, kailanma'y hindi ko magawang isipin na makipag-usap sa mga babaeng nakapaligid sakin. Simula nung nagkaroon ako ng parang pagkadismaya sa mga babae nung ko ay nasa elementary pa, hindi ko na sinubukang makipagusap sa kanila. Hanggang ngayong nasa college na ako ganoon parin ang pakikitungo ko sa kanila. Kapag minsan ay hindi ko rin maiwasan na makipag-usap sa kanila. Pero limitado lang ang mga sinasabi ko sa kanila. Katulad ng "oo" o kaya ay "ganun ba?". Minsan nga eh sa tren kapag masyadong masikip, hindi ko maiwasan na hindi dumikit sa kanila. Hindi ko gusto yung pakiramdam na napapaligiran ka nila. Haha. Asar kapag ganun. Tanging nanay at ate ko lang ang mga babaeng nakakausap ko ng diretsuhan. Kapag iba, ay talagang wala. Pero it doesn't mean na to the maximum point yung pagka-hate ko sa kanila.
Chapter 1: The Campus Queen
- Spoiler:
- "Brad! Hoy! Natulala kana jan!" sabi ni Jayson, classmate ko.
May pagkamakalokohan pero mabait siya at mapagkakatiwalaan. Minsan pag may problema ako, siya yung tumutulong sakin. Love problems ba? LoL! Hindi ah.
"A-ah?"
"Anung iniisip mo?"
"Wala Jayson. Tara bumalik na nga tayo sa room."
"Chrome...."
"Tara na."
"Chrome!"
"Anu ba yun?" may pagkairita kong sinabi sa kanya.
Tsaka ko lang napansin ang paligid namin. Nasa courtyard kami ng campus. Napansin ko na medyo nagkakagulo yung mga tao sa gitna ng courtyard. May fountain dun pero hindi ko alam kung ano yung pinagkakaguluhan nila dun.
"Tara tignan natin!" sabi ko na nga ba eh.
"Aba, aba, aba! Tara bayaan mo na sila."
Ay lintek naman talaga itong si Jayson. Minsan sarap din batukan eh. Tumayo na ako at sinundan siya. Umiwas ako dun sa mga babaeng nakapaligid dun. Pagkapunta namin sa medyo gitna, napansin namin yung dalawang tao na nakatayo dun. So ano nanaman ito?
"Ano ba Jayson. Sasapakin na kita eh. Bayaan mo kung nagfi-film sila jan. Wala kang kinalaman jan at mas lalong wala ako pakialam."
"Tse! Para kang chix ah.. Batukan kaya kita. Haha!"
Binatukan ko siya ng mahina. Pagkatapos ay narinig ko yung mga sinasabi nung dalawang tao sa gitna. Isang lalaki at isang babae. Is it a confession? I guess so.
"Alice. I love you! Please go out with me!"
"...."
"Ikaw lang ang babae na nakapagpatibok ng puso ko ng ganito."
"Tigilan mo na nga yang ka-kornihan mo jan."
Wait lang.. Tama ba yung sinabi nung isa yun. Hah! Kawawa naman yung mokong na nanliligaw sa kanya. Oo, maganda nga siya pero ngayon ko lang siya nakita. Or wala lang talaga ako pakialam sa existence niya.
"Please go out with me. I'm serious!"
"Eh seryoso din naman ako ah. I don't give a damn, really. So can you please stop that? It's irritating."
"Ugh~"
Ayun! Bigo ang kumag. Pero wala akong paki talaga.
"Tara na nga Jayson. Wala naman tayong gagawin dito. Tsaka medyo maarte din yung babaeng yan eh. Kala mo napaka... eh basta. Tara na."
Hindi ko napansin na malakas pala yung boses ko. Bigla kasing nagtinginan yung mga estudyante sa akin. Lalong-lalo na yung.. anu ba yun? Ah, Alice.
"Ah.. eh... wala po." Lintek! Nakaka-nerbyos yung mga titig nila! Oh my God!
"Huh? Tama ba yung narinig ko? Isa akong maarte tska.. ano?"
Biglang tumigil yung mundo ko. Here it comes. Takte ayaw ko talaga ng ganitong mga sitwasyon.
"Hoy! Kinakausap kita!"
Biglang lumapit si Alice. Awsheet!!
"Ah.. Alice, ah pasensya sa kaibigan ko. Siguro naawa lang siya dun sa lalake eh. Ah, alis na kami. Tara na Chrome." nagpapalusot na si Jayson. Salamat pre.
"Tara.." sabi ko ng mahina. Talagang hiyang-hiya na ako. Sobrang pinagtitinginan na talaga ako eh. Ang dami pang mga babae sa paligid.
"At san kayo pupunta?" tanong ni Alice.
"Eh? Babalik sa classroom. Tara na Chrome."
Nagsimula na kaming maglakad pero bigla kaming hinarangan ni Alice. Ayyy!!
"Wag ka ngang makialam kung sino ka man. Kausap ko yang kasama mo diba?"
"...."
Oh hindi!! Nanahimik na si Jayson. Lintek talaga!
"A...alis na kami." Napilitan na akong magsalita dito.
"Diba tinatanong kita kung anung sabi mo kanina?"
"...." I don't intend to reply to her anymore kaya naglakad na ako paalis pero...
"Sandali lang..ah---"
Nung hahawakan sana ako ni Alice sa braso para pigilan ako, bigla siyang natapilok nung lumapit siya sakin. Syempre hindi ako papayag na sa akin ka matumba... unggoy ka..
"..Uh!"
Pero epic fail ako sa pag-ilag. May kanto pala sa pwesto at sa kamalasan ay natumba ako paatras... at ako ang naging landing ng katawan ni Alice.
"Uhh.. uhh.."
This is the worst scenario! Ako yung nasa ilalim tapos si Alice nakapatong sakin. Para kaming nakahigang magkayakap. Tapos..
*flash*
*flash*
*flash*
Mga flash ng kamera na sa amin nakatutok! Holy madafa....!
"Ah! Tigilan niyo yan!"
Napatayo na si Alice at tinignan ako ng masama bago umalis ng pulang-pula ang mukha sa kahihiyan. Ako natameme lang. No reaction. Sarap manapak ah!
"Ayos yun ah!"
"Galing, galing!"
"Mukhang isang malaking balita ito haha!"
Mga side comments na naririnig ko. Lagot na! Anung kamalasan itong napasukan ko!
Chapter 2: The Rise of.. Me??
- Spoiler:
- Dahil sa nangyari nung nakaraang araw, halos naging kilala ako sa buong campus. Astig ba? Hindi eh. Pag meron akong nakasalubong na estudyante, nagngingitian sila tapos biglang magbubulungan pero rinig ko naman. Ano kaya yun?!
"Ah! Hindi ko ginusto yun!"
Hindi ko napilitan na hindi sumigaw dahil sa mga mali nilang mga sinasabi tungkol sa akin. Trip ko daw yung Alice na yun? So what kung campus queen siya. It doesn't mean na may title siyang ganun eh mabibighani at mahuhulog ako sa kanya. I don't care!
"Pakibalik yung pagiging low profile ko!"
"Hey! Chrome! Wag kang masiraan ng ulo." sabi ni Jayson.
Nasa cafeteria nga pala kami at kumakain ng tanghalian. It's been a week since that incident. Medyo parang iba yung tingin na sakin ni Jayson pero ewan ko ba.
"Brad. Paano naman kasi eh masyadong naging kilala yung name ko dito sa campus. Nakakahiya. Sobra. I want to stay being low profile. Dahil dun sa lintek na unggoy na yun, heto ang bilis ng pagbabago sa paligid ko."
"Kaya nga eh. Idol!"
"Tignan mo nga! Pati ikaw! Sapakin kita jan eh."
"Haha. Sino ba namang hindi matutuwa sa iyo. Ah! Heto nga pala."
Biglang kinuha ni Jayson yung cellphone niya at ipinakita sa akin yung picture namin ni Alice sa courtyard.
"Alam mo bang kalat na kalat itong picture na ito. Ang galing pa nang pagkakakuha. Akala mo talagang mag-on kayo oh! Sobrang sweet!"
"Ahhhhhhhhh!! Burahin mo yan!"
Habang nagkakalokohan kaming dalawa, hindi namin namalayan na nawala yung ingay sa cafeteria. Napalitan ng bulungan. Tumahimik ako. Napansin kong nakatingin sila sa aming direksyon. Sa akin. Holy crap! Ano nanaman kaya ito?!
"Hindi naman siguro tamang sumigaw ka dito sa cafeteria no?" sabi ng isang babae sa likod ko.
Nung nilingon ko para malaman kung sino yun, ay malas nga naman talaga. Si Alice the monkey.
"Alam mo ba dahil sa ginawa mo, mas lalong lumala yung sitwasyon ko?"
"...."
"...Chrome?" napatunganga na si Jayson.
Heh? Ang tapang mo ah? Paki ko sa sinasabi mong sitwasyon?
"Halos magkagulo yung mga lalake sa classroom ko. Pati ibang section at year, pinuntahan ako sa room. Ayun ay para lang itanong kung anong relasyon ko sa iyo. Alam mo bang nakakapikon yun?"
"....S-shu-"
"Huh? May sinasabi kaba?"
Ang tigas mo ding babae ka. Ayaw kong makipag-usap sa iyo pero mukhang mapipilitan ako ah. Sinabi ko na iniwasan kong makipag-usap sa mga babae dahil sa may nangyari sa akin nung nasa elementary ako. Oo. Halos parang ganito yung sitwasyon na yun.
"Oh? Tameme ulit?"
Nakakahiya na ito. Nakatingin na sa amin lahat ng estudyante sa cafeteria. Pati yung mga ale na nagtitinda ng pagkain namin. This is a really worst situation for me.
"Will you just freaking shut up!"
"A-ah?" nagulat si Alice sa kanyang narinig.
Lalong nagkagulo sa cafeteria. Mas lumala yung bulungan ng mga ugok. Rinig ko pa. Bulungan pa ba yun?
"Narinig mo ba yun?"
"Ang lupit ni idol."
"Ngayon ko lang narinig magsalita si Chrome ng ganun."
"Medyo kilala siya sa pagiging cold daw sa mga babae eh."
Mga bulungan niyo rinig ko mga dude! Pakihinaan naman at ako'y hiyang-hiya na dito.
"H-how dare you shout to me like that?!" napasigaw na rin si Alice.
Hindi ko sinasadya sorry. Kasalanan mo yan. Kaya ayaw kong makipag- ah?
"You i..idiot!" at tumakbo siya palabas ng cafeteria.
Heto na! Mas lumala na ang sitwasyon. Kung anu-anong mag side comments na ang aking naririnig ko sa paligid. Packing sheet of paper!
"Chrome... ang lupit mo!" tuwang-tuwa si Jayson sa akin. "Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang lalake na ganun ang pakikitungo sa kanya? Dude! You're great! Ako hindi ko kayang gawin yun. Baka gustuhin ko pa ngang sigawan ni Campus Queen eh."
"Hay... Lumala na ang sitwasyon ko..."
"Hindi ah! Mas sisikat ka na talaga niyan! Haha.."
"Eh ayaw ko nga ng ganun diba?"
"Gusto mo palit tayo ng sitwasyon?"
"Tara ba?"
"Kaya mo yan."
"Ahh!! Ano na ba talagang nangyayari sa akin!"
Lalong lumala ang sitwasyon ko. Hindi ko na kayang ibalik pa sa dati itong lagay ko. Eh! Bahala na si Batman!
Chapter 3: Chrome Axel Estolano
- Spoiler:
- Alasingko na ng hapon. Kakatapos lang ng huli namin subject at heto ako ngayon, nag-aayus ng gamit ko. Nauna ng umuwi si
Jayson kasi meron siyang part-time job. Ako wala eh kaya parelax-relax lang. Dito sa St. Therese University, puro mayayaman
ang mga estudyante dito. Si Jayson mayroon siyang scholarship kaya libre ang pagpasok niya dito. Ako? Hindi naman sa
pagmamayabang pero mayaman ang mga magulang ko. Magulang ko ha? Ni minsan hindi ko tinuring kayamanan ang mga kayamanan
nila. Ang tatay ko ay CEO ng isang kumpanya. Hindi ko na sasabihin kung ano dahil medyo nahihiya ako. Haha ang kapal naman
ng face ko.
"I'm going na.." sabi ko sa sarili ko. Yung mga classmates ko nagtinginan sakin nung tumayo na ako sa upuan ko.
Oo. Ganun parin ang sitwasyon ko. Mas lalo ngang lumala eh. Yung mga classmates kong babae pag nalingon ako sa kanila bigla
silang umiiwas ng tingin sakin. Ayos sakin yung ganung reaksyon pero habang tumatagal eh pakiramdam ko parang napakasama
kong tao. Yung mga lalake naman, eh parang umiiwas din sakin. Ano ba ginawa ko sa kanila? Minsan nga narinig ko yung mga
bulungan nila na dapat daw malasin sana ako. Huh? Selos ba sila? Dapak! Eh hindi ko naman kasalanan yun eh.
Naglakad na ako palabas ng room. Iniwan ko na sila dun.
"Mr. Estolano!" sigaw ng isang professor. Nung nilingon ko kung sino, si Ms. Rivera lang pala. Siya ang prof namin sa
English. Magaling siyang magturo at... medyo mainit sa daw siya sa mata sabi ng mga classmate ko. Hindi ko alam kung anung
ibig sabihin nila pero I don't care a bit about it. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.
"Mr. Estolano! Stop!" pag-pigil niya sakin. Tse!
"...." wala akong magawa kundi ang tumigil na.
Maya maya ay nasa harapan ko na si Ma'am. Kahit professor namin na mga babae, hindi ko magawang kausapin sila ng maayos.
"May mga naririnig akong mga balita tungkol sa iyo. Alam kong isa kang estudyante na hindi kumikibo man lang pag kinakausap
ng mga babae. Pero hindi ko maisip na magkakaroon ng mga balita tungkol sa iyo. Yung iba hindi magaganda. Kaya bilang
Adviser niyo, pwede mo naman sabihin sakin ang mga problema mo." mahaba niyang paliwanag.
"...."
"I will not able to help you if you insist on keeping silent..."
"....W-wala.."
"Wala?"
Hirap ng buhay ah. Talagang insisting ang mga nilalang na tinatawag na babae. Ano ba problema nila?
"Wala naman pong problema.."
"Oh?"
"Baseless rumors lang po iyong mga iyon. Alis na po ako." at pinagpatuloy ko na ulit ang aking paglalakad.
"Sandali lang.." hindi na ako hinabol ni Ma'am pero sa tingin ko wala na rin siyang balak na habulin pa ako.
Sa bahay.
Pumasok na ako sa kwarto ko at binagsak ko ang bag ko gilid ng aking higaan. Humiga ako sa kama ng naka-uniform pa rin.
Huminga ako ng malalim at hindi nagtagal ay nakatulog ako ng hindi ko napapansin.
"U-uh?.." minulat ko ang aking mga mata. 6:30PM na pala. Matagal-tagal din pala akong nakatulog. Hindi ako tumayo sa kama
dahil tinatamad pa ako. Ng lumipas ang ilang minuto ay biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Bukas yan."
Bumukas ang pinto ang pumasok si Ate Marjorie.
"Ate?"
"Kanina pa ako kumakatok dito. Sabi kasi ni yaya nakauwi kana kaya sinubukan kong i-check ka sa room mo. Natutulog ka lang
pala."
"Ah. Sorry. Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan." napakamot ako sa ulo.
Ang ate kong si Marjorie ay senior ko sa university. Second year ako, third year siya. Parehas business management ang
kinuha naming kurso. Si ate gusto niyang ipagpatuloy yung nasimulan ni daddy. Ako, wala akong trip. Si mommy, painter siya.
Marunong akong gumuhit kaya sa tingin ko namana ko yung skill ni mom. Sa itsura, maganda si ate. Ang dami ngang nanliligaw
sa kanya sa school eh. Ka-level niya sa looks si unggoy pero pag-dating sa ugali, mas maabit si ate. Sweet pati siya.
Wait.. Parang exaggerated masyado yung mga pinagsasabi ko ah? Eh sa totoo naman lahat yun ah?
"Kamusta naman ang school?" tanong niya sa akin. Once in a week tinatanong niya sa akin yung question na yan. Alam niya
kasi yung sitwasyon ko.
"Ayus lang. Hindi ko pa rin magawang kausapin sila ng maayos. Phobea na ata ito."
"Hehe. Kung ako sa iyo, kahit paminsan-minsan susubukan kong makipagusap sa kanila."
"Ate?"
"Oo. Para masanay ka. Kaw kasi eh. Hindi mo sinusunod yung mga payo ko sa iyo."
Madami ng payo sakin yung aking ate. hindi ko lang talaga sinusunod. Hindi ko kaya eh.. (baka ayaw ko lang? haha)
"Nakahanda naba yung hapunan ate?" pagpapalit ko ng topic.
"Ah! Oo nga pala. Nalimutan kong sabihin sa iyo. Sa labas muna tayo kakain. Si dad at mom, mamaya pa sila dadating sabi
nila sa akin. Sinabi ko kay yaya na sa labas tayo maghahapunan."
"Huh? Baka may luto ng ulam. Sayang naman."
"Hindi. Ayos lang yun. Papainitan nalang bukas ng para may lunch tayo. Di ba?" sabay tawa si ate ng mahina.
"Uh.. okay? Eh saan naman tayo kakain niyan? Ayaw ko sa mga fastfood restaurant huh?"
"Hindi naman tayo dun eh. Hehe. May ni-recommend sa akin si Tisha."
Si Tisha. Yung bestfriend ni ate. Uhm.. Ayaw ko sa kanya. Kasi kapag bumibisita siya dito, palagi nalang niya ako ginugulo.
Katulad ng tanong ng tanong kahit alam niya na hindi ko siya sasagutin.
"At ano naman kaya yung ni-recommend niya sa iyo?"
"Chili Kainan!"
"...."
Parang may nararamdaman akong kamalasan ngayong araw na ito ah?
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Mon Oct 20, 2014 11:48 am
Nakalabas din ng bahay! Being a hikikomori once in a while ay masakit din sa ulo. Hehe... Zenonia 4 pa! Kakaadik eh..
Ito na yung chapter 14! Andito na. That kind of twist. Pero may twist ba talaga? Malay ko ba. Sabi ko nga na this story will have two different endings. Bahala kayo kung sino trip niyo. Bale na sketch ko si Alice. Cute! Ahh! Bakit ang cute ni Alice? Si Clarisse nag-iisip pa ako ng design sa kanya.
Chapter 14: Past And Present
Napansin niyo? So far, ito yung pinakamahabang chapter. Wala eh. Masyado akong na-immerse sa pagta-type. Dire-diretso yung pumapasok sa isip ko eh. Galit ba kayo kay Jasmine? Ako galit eh. Pero biglang nagbago yung tingin ko sa kanya dahil sa chapter na ito.
Okay. Tama na yung AN. See you later!
Ito na yung chapter 14! Andito na. That kind of twist. Pero may twist ba talaga? Malay ko ba. Sabi ko nga na this story will have two different endings. Bahala kayo kung sino trip niyo. Bale na sketch ko si Alice. Cute! Ahh! Bakit ang cute ni Alice? Si Clarisse nag-iisip pa ako ng design sa kanya.
Chapter 14: Past And Present
- Spoiler:
- Alam niyo ba yung pakiramdam na gusto mong umalis sa isang lugar pero hindi ka makaalis dahil sa natatakot kang baka may mangyari na hindi mo alam? Ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na nga pala kasama si Clarisse. Pumunta na silang mga contestant dun sa backstage. Magre-ready siguro. Nandito ako ngayon sa labas ng gym. Kung tatanungin niyo kung anong ginagawa ko, ang sagot ko ay wala. At kasama ko nga pala si Jasmine. Malay ko ba. Biglang sumama sa amin eh. Gusto ko siyang itaboy. Gustong-gusto ko talaga. Pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka kung ano nanaman ang simulan ng isang ito. Nung tanungin ko siya kanina kung bakit siya nandito, ang sagot niya eh sinama lang siya ng mga kaklase niya. Hindi niya alam na dito ako nag-aaral. Ang liit nga naman talaga ng mundo oh.
"Ah, Chrome?"
"...."
"Hey?"
"...."
"Hindi mo ba talaga ako papansinin?" biglang parang nag-iba yung tinig ng boses niya. OH MY God!
"...Ano ba yon?" napilitan na akong sumagot. Ayaw ko talaga siyang kausapin. Bakit ba? Sino bang matinong tao dyan na papansin dun sa isang taong sumira ng buhay niya? Kung meron man, ewan ko sa iyo. Talon ka na sa balon.
"Sus! Pacold-cold attitude ka pa." sabi niya na may kasamang tawa sa huli.
"Ano ba kailangan mo sa akin?" naiirita nanaman ako.
"Wala. Bakit masama ba na sumama ako?"
"...."
"Ano? Dahil ba sa nangyari sa atin nung elementary kaya ka ganyan sa akin?"
Oo! Dahil dun! Alam mo pala eh bakit mo pa ako kinakausap?! Tss!
"...Ikaw na ang nagsabi niyan. Tsaka wala kang mapapala pag kasama mo ako."
"I don't care. Yung mga kasama ko kasi humiwalay sa akin. Di ko alam kung nasan na sila."
"Pwede mo naman sila i-text diba?" palusot pa itong isang ito. Halata sa mukha niya na gusto niya lang akong iritahin.
"I know. Pero I don't need to do it anymore. Kasama naman kita."
Nagbuntong-hininga ako. Please lang Chrome. Kalma lang. Huwag kang gagawa ng scene dito. Masama. Halos bagsak na nga yung reputation mo sa mga estudyante dito, papabagsakin mo pa lalo. At kasama pa si Jasmine. Package of unluckiness. Tss. San ka pa!
*whistle*
"Cute nung isang iyon oh."
"Teka si Chrome ba yung kasama?"
"Oo nga no?"
"Tss! Siya nanaman."
Grabe naman yan! Tahimik ko na nga, nakabuntot pa rin yung kamalasan. Buset! Dahil lang talaga ito dun sa unggoy na yun! Wait. Speakingof that monkey, ano kayang ginagawa nun ngayon? Baka kasali sa padamihang kumain ng saging? Bwahahaha! Teka! Hindi ito ang panahon para magjoke!
"Hmm?~" biglang nag-react si Jasmine. Syempre, kalokohan nanaman iyan.
"A-ano?"
"Bakit parang galit na galit yung ibang estudyante sa iyo?"
Nung tiningnan ko siya, nakita ko na nakangiti siya. Makalokohang ngiti. Sinasabi ko na nga ba eh! Hindi nanaman maganda ito!
"W-wala ka na dun."
"Dahil ba ito dun sa kasama mo kanina? Yung si Clarisse?"
"H-hindi. Tsaka tigilan mo ako. Hindi nakakatuwa yung ngiti mo sa akin."
"B-bakit? Pangit ba yung ngiti ko?" bigla siyang nag-pout.
Anak ng tinapa. At nag-pout ka pa sa akin ha? Sapak gusto mo?
Hindi. Hindi ka pangit. Alam ko yun. Kaya nga napikon nanaman yung mga ibang estudyante sa akin diba? Sino ba namang hindi magagalit sa akin dahil sa chicks nanaman yung kasama ko? Nagmukha na akong babaero sa paningin nila! Pero hindi namnan talaga ako ganun!
"Ehem~ Bali malapit na po magstart ang St. There's Campus Queen Contest. Yung pong mga tao sa labas ng gym, kung pwede po eh huwag po nating harangan yung pintuan. Pasok nalang po kayo dito sa loob."
Bigla naming narinig yung announcement. Kung sa totoo lang eh madaming tao dito sa tapat ng gym. Syempre hindi makapasok yung mga gustong manuod nung contest. Yung iba kitang-kita ko sa mga mukha nila yung excitement. Yung iba, ewan. Parang nakaready yung mga camera. Karamihan mga lalake.
"So iyon pala ang iniintay mo dito?"
"....Hindi inaantay. Mas maganda na yung 'pinilit' na salita."
"Hindi mo gusto manuod? Parang excited yung kasama mo kanina nung nakita ko kayong nag-uusap tungkol dito sa contest na ito. Mali ba ako?"
"Pwede ba huwag mo na akong tanungin pa. Hindi ko alam. At wala akong pake sa contest na ito."
"Sus! Cold attitude your face!" sabay dila niya sa akin.
I-ikaw! Gusto mo talaga tadjakan kita sa mukha with feelings?!
"S-shut up!"
Pumasok si Jasmine sa loob. Hindi na niya ako inantay. Kasi alam niya na papasok din ako. Ayaw ko talagang pumasok dito pero baka kung anong gawin sa akin ni ate pag nagsumbong si Clarisse na iniwan ko nanaman siya.
Nung pumasok ako, dumiretso ako dun sa may gilid. Maganda naman view dito. Hindi ko na hinanap si Jasmine. Mas maganda pang hiwalayan ko na siya habang maaga para wala ng gulo or ano mang kamalasang dala niya.
Biglang may nagtakip ng mata ko. Sisikuhin ko sana pero napakasama ko naman siguro. Baka dumagdag pa yung bad rumors tungkol sa akin.
"..Pwede pakitanggal yung kamay mo?" sabi ko na lang. Pero hindi niya pa rin tinanggal. Hindi naman ganito si Jayson. Mahilig mangbatok yung isang iyon. Si ate? Pwede.
Hinawakan ko yung kamay na nakatakip sa mga mata ko. Maliit lang yung kamay niya. Girl. Baka nga si ate talaga. Hays. Tapos hinawakan ko din yung ulo niya. Mahaba buhok. Girl talaga. Si ate na nga talaga ito.
"Ate...?" sabi ko.
"...."
Hindi sumagot. Meaning, hindi si ate. Si Clarisse siguro? Pero malabo. Nasa backstage siya ngayon. Si Jasmine? NAPAKALABO! Hindi rin ako papayag na gantuhin niya ako. Pwede ko rin sigurong sikuhin siya. Kung siya yung nagtatakip talaga ng mata ko.
"S-suko na ako..."
"...."
Hindi pa rin niya tinanggal yung kamay niya.
"Yaaaaaayyy!!!!" nagsisigawan na yung mga tao. Baka magsisimula na. Naiirita na din ako kasi ayaw pa ring tanggalin nitong isang ito yung kamay niya.
Napansin kong biglang dumilim. Pinatay na siguro yung ilaw. Yung stage nalang ata may ilaw. At itong nasa likod ko, ayaw paring sumuko. Sige. Yan pala gusto mo ah? Sinubukan kong pwersahin ng kaunti. Hmm. Hindi niya kaya. Haha! Kasi napansin kong kaya kong tanggalin ng pwersahan.
Inisa-isa kong tanggalin yung daliri niya. Syempre hindi niya mapiit yung pagtanggal ko ng kamay niya sa mukha ko. Yan, konti na lang. Malapit na!
"Ahn~" biglang napaungol yung nasa likod ko.
Hindi ko sinasadya na mapaatras. Naipit tuloy siya. Kung sino ka man, sorry. Pero, biglang umilaw yung bumbilya sa ulo ko. Hindi literal. Inipit ko siya dahan-dahan.
"A-ah..."
"Matigas ka din eh. Sabi ko tanggalin mo yung kamay mo. Tapos ayaw mo pang sumagot. Ayan."
"S-sorry. Sorry na."
Tinigil ko yung pag-ipit ko sa kanya. Kilala ko kaagad kung sino eh. Yung narinig ko yung boses niya nakilala ko agad. Kaya nga inipit ko diba?
"Pwede ba tigilan mo ako Jasmine. Hindi nakakatuwa eh."
"H-haaa. Sorry na."
"...."
Tinutok ko na yung tingin ko sa stage. Nagulat ako. Nagulat talaga ako! Paano ba naman yung MC eh, si ate.
"Ready na ba kayo?~" sigaw ni ate.
"YEEAAHH!!!" sigaw nung mga tao. Grabe. Ang dami na palang tao dito sa loob.
Yung suot ni ate, school uniform kaya ayos lang. Pero ang daming nagte-take agad ng picture niya. Sikat na sikat talaga si ate. Sa kabilang banda, ako sikat din, in a bad way though.
Naglakad ako papunta sa may harapan pero hindi sa bandang gitna. Kitang-kita ako dun ni ate. Pero wala din pala, kasi biglang nagwink si ate sa akin nung nakita niya ako.
"Ahhhh!"
"Dito ate!"
"Pwede pakiss!!"
Daming sigawan. Siguro kala nung mga kalapit ko sa kanila kumindat si ate. Bayaan mo na. Minsan lang naman mag-assume daw eh.
Hindi ko nalang pinansin kasi baka mapasama pa ako.
"Ohh~" sabi nung nasa likod ko. Malamang si Jasmine.
"Anong ohh, ohh ka dyan?" tanong ko. May pagkamatigas yung pagkasabi ko para naman mahalata niya na naiirita ako sa kanya. Kanina pa kaya sa akin ito sunod ng sunod. Parang buntot ko eh.
"Sobrang pretty naman nun ah. Mayroon ka na ngang Clarisse, meron ka pang isa? Haha! Lakas mo rin pala sa babae. Pinabibilib mo ako bawat minuto ah."
"Pwede ba manahimik ka na lang. Ate ko yan. My real blood-related sister. Ano ako? Going for the incest route? Tss. Isip-isip din pag may time." sabi ko in a cold tone.
"M-malay ko bang ate mo yan. Tsaka pwede ba, tigilan mo yang pagiging cold mo sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa iyo ah?"
"W-wala? Wala?!"
"Ahhh.."
Nagulat siya kasi bigla akong nagtaas ng boses. Nagulat nga din ako sa ginawa ko eh. Promise. Paano ba naman eh wala daw siyang ginagawa sa akin. Wala ba? Sigurado ba siya. Baka nakakalimutan niya yung ginawa niya that time. Hindi nakakatuwa. Baka hindi niya alam dahil sa kanya kaya ako ganito ngayon? She's the main reason! This idiot!
"Sigh. Pwede ba manahimik nalang tayo at manuod. Hindi rin nakakatulong yung pag-uusap natin. Hindi. Mas maganda manahimik ka na lang."
"....."
Buti nanahimik. Nakakairita na kasi eh. Marunong din naman palang sumunod itong isang ito.
"...*hic*......"
"...." nanahimik na ako. Pero bakit parang may narinig ako.
".....Sorry... Kung nakaabala ako sa iyo ngayon...."
Hindi ko masyado narinig yung sinabi niya kasi gawa nung mga sigawan habang pinapakilala ni ate yung mga contestant. Madami dami din. At sa tingin ko nasa bandang huli si Clarisse kasi kilala ko itong si ate. Mahilig magplano ng kung anu-ano eh.
Nung tumingin ako sa likod, nakita kong wala na si Jasmine. Buti naman at umalis na. Wala na ding gagambala pa sa aki-
"Brad!"
"O-oh.. Jayson. Kamusta na?"
Si Jayson. Biglang sumulpot. Kala ko wala ng gagambala sa akin pero dumating bigla itong asungot na ito. Buhay nga naman aba.
"Ayos lang. Oh~ Daming chicks ah?! Buti nalang dala ko yung camera ko. Hehehe." sabay turo niya dun sa camera niya na bagong bili niya.
"Napunta ka dito? Tapos na ba yung sa atin?"
"Oo. Tapos na. Buti ka nga wala kang trabaho loko ka!" at may kasamang hampas sa likod. Grabe! Sakit nun ah?! "Hmm.. May kasama ka bang babae kanina?"
"Babae? Meron. Si Clarisse."
"Hindi. Hindi si Clarisse."
"Hmm. Bakit mo naman natanong?"
"Kasi...." natahimik siya sandali. "Kasi sa totoo lang medyo matagal na rin ako dito sa loob. Nung nakita kita, may kasama kang babae kanina. Parang kalandian mo pa nga eh."
Tsk! Nakita niya ata yung pagtakip sa mga mata ko ni Jasmine.
"Ahh.. Yun ba.. Wala yun. Huwag mo ng isipin yun."
"P-pero... kasi nung iniwanan ka niya ngayon-ngayon lang, nung dumaan siya sa harapan ko, umiiyak eh. Ano nanaman bang ginawa mo? Tapos hindi pa taga dito yung isang iyon."
"H-hun?" umiiyak? Si Jasmine? Hahaha! Don't make me laugh brad. "Sigurado ka ba?" tanong ko ulit sa kanya. Medyo natuwa ako dun eh. Haha! Talagang natuwa ako.
"Grabe naman pare yang ngiti mo. Parang natuwa ka pa talaga na napaiyak mo yung girl na yun." napakamot sa ulo si Jayson. Halatang nalilito siya. Hindi ko rin naman siya masisisi eh.
"P-pasensya na." binalik ko yung pagiging seryoso ko. Pero... bakit parang nakukusensya ako dun? "Sigurado ka ba talaga?"
"Oo nga brad. Sa harap ko nga dumaan diba."
"..Okay." nakukunsensya talaga ako! Bakit ganun?!
"Chrome." biglang naging seryoso yung tono ng boses ni Jayson. Lagot. Minsan lang magalit itong isang ito. At alam ko ang ugali nito pag galit. Mas malala pa sa akin.
"O-oh?..." napalunok tuloy ako. Huwag mo naman akong tingnan ng ganyan brad. Parang gusto mo akong sakalin eh.
"Kung ako sa iyo puntahan mo muna yung isang iyon. Kasalanan mo eh."
"H-hun? Bakit naman ako may kasalanan? Eh hindi mo nga alam yung nangyari kanina (at nung nakaraan)..."
"Basta. Hindi iiyak ng ganun yun kung hindi mo kasalanan. Chrome. Kilala mo ako."
"...." sa bagay. Tama naman siya. Wala naman talagang ginagawa sa akin ng kung anu-ano si Jasmine. Ako ata yung napasobra. "S-sige. Pasensya na brad."
"...." matagal akong tiningnan ni Jayson. Bigla siyang ngumiti sa bandang huli. "Sige. Ako ng bahala sa mga snap shots para hindi mo ma-miss yung mga nag-gagandahang mga dilag!"
Nabalik nanaman siya sa normal niyang sarili. Iba talaga itong si Jayson oh. Naglakad na ako palabas ng gym. Tumingin ako kay Jayson at "...Salamat brad."
Kumaway lang siya sa akin. Pinagpatuloy ko na yung paglalakad ko. Baka malayo na yung nalakad nung isang iyon. Tss! Paano ako magso-sorry dun kung hindi ko alam kung nasan siya ngayon.
Naglakad-lakad ako paikot. Hindi pa nagtatagal yung paghahanap ko nakita ko na siya. Nakaupo siya sa bench na malapit sa main gate. Nakayuko. Halatang malungkot nga. Buti na lang at hindi pa siya umuuwi. Hindi ko pa naman alam ang personal address at number niya. Well I don't need to know it. Not interested. Nung medyo nakalapit na ako sa kanya siguro napansin niyang may tao, bigla niyang tinaas yung ulo niya at nakita niya ako.
Nakita ko yung mukha niya, malungkot. Tapos may bahid pa ng mga luha sa pisngi. Umiyak nga talaga. Pero diba dapat kong ikatuwa ito? P-pero bakit parang gusto kong sapakin ung sarili ko? Ano ba ito?! Ang gulo naman brad!
Lumapit ako. Hindi siya kumibo. Nung nakatayo na ako sa harapan niya, iniwasan niya ako ng tingin. Nahihiya siguro. Or galit? Hindi ko alam.
"Pwede ba akong umupo?"
"...." hindi siya sumagot. Pero nag-nod siya.
Umupo ako. Hindi malapit sa kanya. Mga dalawang tao siguro yung layo ko.
"...Sigh. Bakit ka ba umiyak?"
"....Eh ang sama-sama mo eh.." sumagot siya ng mahina. Ako pa ang masama ah?
"M-masama? Bakit ako pa yung masama? Bakit ba siguro ako ganito?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin sandali. Tapos yumuko ulit.
"...Dahil sa akin."
"...." huminga ako ng maluwag. Buti alam niya. Magsasalita pa sana ako pero bigla siyang nagsalita ulit.
"S-sorry!"
"E-eh?"
"I'm sorry Chrome!" umiyak ulit siya. This time, todo iyak na talaga. Huwag na natin pang lagyan ng uhog effect. Kakasira ng moment eh.
"Alam mo bang gustong-gusto kong magsorry sa iyo? Simula pa lang nung una! P-pero... nagpakatanga ako. Pinatagal ko. Pinabayaan ko. Wala akong magawa. Napakatanga ko eh! Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yung mga ganung bagay. Alam kong mali yung ginawa ko pero nasabi ko parin. Siniraan kita Chrome. Siniraan kita! A-alam kong nasaktan kita ng sobra."
"...." it's better to shut up. Moment niya ngayon. At totally na-shock ako sa kanya ha?
"Maraming pagkakataon kitang nakasama pero ni isang beses, hindi kita nalapitan. Hindi ko masabi sa iyo na sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko sa iyo. Because of my selfishness! Pag nalaman nila na siniraan kita, ako yung masisiraan. Dahil lang sa napakawalang kwentang bagay na iyon, hindi ko magawang magsorry sa iyo. Alam mo bang hindi ako masyado makatulog ng mga nagdaang gabi nung mga panahong iyon? Iniisip ko, ano na kaya ang nangyayari kay Chrome? Gusto ko ng magsorry. Papatawarin niya ba ako? Magiging mabait pa ba siya sa akin like nung magkasama pa kami?"
"....H-hindi ko alam..." bigla ko lang nasabi. Hindi ko alam na nagsisisi pala siya. Pero wala akong magagawa. Sobrang nasiraan ako eh.
"Pero nung nagtagal, dumating yung graduation. Wala pa rin akong ginawa. Last day na magkasama tayo. Wala. Hindi ko pa rin nasabi sa iyo. C-Chrome. Alam kong hindi mo ako mapapatawad sa mga nagawa ko sa iyo. P-pero.. *hic*.. gustong-gusto ko na talagang mag-sorry. Sobrang hindi ko na kaya yung nararamdaman ko eh."
Natulala ako sa kanya. Hindi dahil sa sobrang sincere ng kanyang pagso-sorry. Kundi dahil sa nakikita kong emosyon niya. Nalilito. Nasasaktan. Nagagalit. Natatakot. Halo-halo eh. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong expression. Nagigiba na yung mga defenses ko. Siguro dahil dun sa mga salitang sinabi niya. Am I.. Am I waiting for those particular words? Those words that would somewhat impossible to hear from her anymore. Pero nandito siya. Kasama ko. Nagso-sorry. Wala akong masabi. Hindi pala sa walang masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Tuloy-tuloy pa rin siya sa pag-iyak niya. May nakatingin na nga sa amin na mga tao eh. Pero hindi nila kami pinapakialaman. Siguro kala nila LQ.
Huminga ulit ako ng malalim. Bahala na kung ano mang lumabas sa bibig ko. Wala na akong pake!
"Jasmine. Galit ako sa iyo. Galit na galit. Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin sa iyo. Ipasako? Ipatapon sa Pasig River. Sakalin? Ipalapa kay Burnok, my dog? Kung anu-ano pumasok sa isip ko nung mga araw na iyon. Hindi nagtagal, nawalan ako ng tiwala sa inyong mga babae. Lumayo ako. Except from my mom and my sister. Hindi ako nahirapan sa nagawa ko."
"...." tahimik na umiiyak si Jasmine. Pero nakikinig siya sa tingin ko.
"Oo. Sobrang nahirapan ako ng mga araw na iyon. Ikaw ba namang iwasan ng mga kaklase mo? Tawagin ka pang maniac? Kung sa tutuusin nga eh, ayaw ko na talagang pumasok noon. Kaso malapit na rin yung graduation eh. Kaya pinilit ko na lang. Nagtiis ako."
"S-sorry talaga."
"Sa toto lang.. hindi ko alam talaga eh. Kung magagalit ako sa iyo ngayon. Kung ito na yung time para bawian kita. If this will be finally it, what they call revenge? Kung magagawa ko yung mga bagay na iyon. Pero sa kaloob-looban ko. Mali eh. Why do I need to do it? If kung matagal na yung nangyari? Bakit pa ako babawi? Wala namang nangyayaring masama sa akin ngayon. Tsaka it was all from the past. Today is the present. If something like revenge is done, magkakaroon ng chain reaction. Baka mamaya biglang may tumaga sa likod ko dahil sa ginawa ko sa iyo."
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ko!! This is not me! This.. is.. not.. ME! Wait. Wrong...
"Sasabihin ko ulit Jasmine. Galit ako sa iyo. I totally loathed you. Simula nung dati pa."
"...uhh.."
"Pero, you said that you were sorry. You said it sincerely. Why do I need to feel angry? If it's from the past? You made me build this wall around me. And you're also the one who made me destroy it."
This feeling. I feel refresh. Yes. From the bottom of my heart. Parang narelease ko yung nabuong galit ko sa kaloob-looban ko. Finally.
"Jasmine... Even though I hate to do this. Since you did such a feat, like saying sorry to me even though you know I hate you from what you did. Still. We are only human. And being human means making mistakes. And for that... I forgive you."
"...uuuuhhhh..." lalong naiyak si Jasmine. Pwede ko na bang lagyan ng sipon effect?
"H-huwag ka ng umiyak uy! Ang daming taong nakatingin sa atin!"
"S-sorry talaga ha?"
"O-oo na. Tigil na please. Nahihiya na ako eh."
Nilapitan ko na siya. Tapos kinuha ko yung panyo sa bulsa ko. Inangat ko yung mukha niya tapos pinunasan ko yung mga pisngi niya tsaka yung mga mata niya. Wala namang sipon eh. Ayos lang.
Habang pinupunasan ko yung mukha niya, bigla siyang napatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa pero bigla ko na lang siyang nginitian. Yung genuine smile ko. Hindi peke.
"/////" parang biglang namula yung mukha niya.
Pagkatapos kong punasan yung luha niya, tumayo na ako. Binigay ko sa kanya yung panyo baka kasi kailangan pa niya.
"S-sige. Babalik na ako dun sa gym. Baka magalit sa akin si ate. At baka kung ano pa gawin sa akin nun pag nalaman niyang hindi na ako sumulpot dun."
Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at iniwan ko na siya. Teka, nagmamadali ba ako? Bakit parang tumatakbo ata ako?
Si Jasmine....
Sa mga labi niya ay ang ngiti ng isang babaeng masaya. In love ba? Malay.
Napansin niyo? So far, ito yung pinakamahabang chapter. Wala eh. Masyado akong na-immerse sa pagta-type. Dire-diretso yung pumapasok sa isip ko eh. Galit ba kayo kay Jasmine? Ako galit eh. Pero biglang nagbago yung tingin ko sa kanya dahil sa chapter na ito.
Okay. Tama na yung AN. See you later!
- maek0witzkiDango Lover
- Posts : 700
Points : 92171
Coins : 16005
Join date : 2013-01-04
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Mon Oct 20, 2014 6:18 pm
aaaaaaaaaaa! bitin XD
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Wed Oct 22, 2014 1:39 pm
Hahaha! Ito na! Mabilis ba update? Lol! Wala magawa. Daming free time. So mas maganda kung tatapusin ko na itong story ni Chrome.
Chapter 15: Decision
AN: Nung wala akong magawa, bali binasa ko ulit sa simula ito. At napansin kong sobrang dami kong mistakes. Like dun sa prologue. Dapat hindi repetitive yung ginagamit kong mga words (naaalala ko yung lesson ko sa english regarding sa pag-gawa ng mga articles at stories). Ako na nga yung author, ako pa yung editor. Haha! To be frank, pagkatapos ko kasi siyang i-type, hindi ko na tsine-check pa eh. Pasa agad! Dun sa mga nakakita ng mga mistakes, misspelled words, grammatical error, etc. Sensya na ah. Tao lang din ako haha.
Well enough of that. Regarding this chapter, nasasa-inyo na kung sinong girl ang trip niyo. Pasensya dun sa iba kung like niyo si Jasmine. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para magka-route siya eh. Baka gumawa nalang ako ng extra chapter kung saan siya yung magiging partner ni Chrome.
Nonsense:
Patay na si Burnok.. Pero andyan yung si Pulgas
Haha.. Yan! See you in the next chapter!
Chapter 15: Decision
- Spoiler:
- "Did I miss something brad?" tanong ko kay Jayson.
"Nah. Pang sixth girl pa lang. Bali 12 silang napili nung mga nag organize nito. Yung registration pa lang pala, bale simula na agad nung contest. Kasi dun palang nagkatanggalan agad eh. Haha! So how was the problem on your side?"
"Uhm.. Fine. Ayos na. Pakiramdam ko I can do many!"
"Oh~ Bakit parang masaya ka ata?"
"Hindi ah." totally. I am just putting a front. Hindi madaling kalimutan yung mga nakaraan. Pero mawawala din yun. So today, I need to have fun I think. Pampalimot ba?
"Ang gaganda nung mga contestant brad. Hindi ako aware sa mga beauties ng school natin. Haha!" sabi ni Jayson na may halong tawa.
"Paano mo mapapansin eh lagi ako kasama mo? Ayaw mo ngang mangligaw eh. Problema mo na yan. Tsaka huwag mo ako asahan sa mga ganyang usapan. Pass na pass ako dyan."
"Hehe. Kung sa bagay tama ka. So... Gusto mo after this pakitaan kita ng mga 'da moves' ko?" yung pagtingin sa akin nitong mokong nito talagang parang walang balak akong patakasin mamaya pagkatapos nitong last event na ito.
"D-don't mind me brad. Ikaw na lang." pagtanggi ko.
"Oh~ Hindi pwede. Ikaw naman nagsabi eh. No worries. Hindi kita isasama sa gagawin ko. Manonood ka lang. Haha!"
"Mokong ka talaga. Oh ayan na yung next contestant."
Umakyat sa stage yung pang-pitong contestant. Yung six na nagpakita na sa amin, oo. Tama nga si Jayson. Magaganda at cute. Ewan ko ba. Bakit ngayon ko nga lang ba sila napansin? Nah! Yung 7th contestant ayos din. Pero kung ikukumpara ko sila kay Clarisse or dun sa unggoy, hindi ko alam. Parang under parin sila sa level nung dalawa eh. Hindi na rin ako magtataka kung sino mananalo dito. Favoritism ba? Malamang! Madaming fans yung dalawang yun eh. Ako rin may fans. Haha. Yung mga gustong isako ako. Pero hindi ko alam kung kasali si unggoy ha? Sa tingin ko naman hindi niya trip itong mga ganitong bagay. Halata naman sa attitude niya.
Sunod-sunod sila ipinakilala hanggang sa turn na ni Clarisse. Don't worry. Naka-uniform silang lahat. Wala pa silang sinusuot na mga damit na pang-laban sa contest. Next pa yun. Surprise ba.
"H-hello to all. I know that most of you know me but I will still introduce myself. I'm Clarisse Anne Tongohan."
Habang nagsasalita siya, napansin kong palingon-lingon siya. Madilim ang paligid kaya mahihirapan ka dyan. Pero nagulat ako nung nagkatinginan kaming dalawa. Nangiti siya. Biruin mo yun, nakita mo pa rin ako dito sa gilid?
"Ooohhhhhhh~~~!!!!!!"
"N-nakita mo ba yun brad?!!"
"Ate Clarrise! Ang cute mo!!!"
"Yaaaayyyy!"
Ibang klase din itong isang ito. Ngumiti lang siya, nagsigawan na yung mga tao. Wala eh. Alam ko nararamdaman nila pero I don't need to show it do I?
"I'm hoping for a good and wonderful contest. That is all and thank you." pagkatapos niyang sabihin nun ay nagbow siya.
"Yaaaaaaaaaaayyyyyyyyy!!!"
Sigawan ulit sila. Kabingi. Yung kalapit kong mga babae parang mga nasisiraan ng bait. Grabe kung makatili eh. Pati si Jayson hindi alam ang gagawin. Haha! Kitang-kita ko sa mukha niya na naguguluhan din siya pero nangingiti dahil wala rin siyang magawa.
"Pare don't worry."
"Bakit naman?"
"If you buy me lunch, I will give you a copy of that."
"Copy? Copy ng ano?"
"Yung ngiti ni Clarisse kanina. Saktong-sakto. Dahil sa atin siya nakatingin--- let me rephrase that. Dahil sa iyo siya nakatingin, nakuhaan ko siya ng magandang shot! Remember nasa likod mo lang ako. Haha!"
"...."
"Oh? Bakit ka natahimik? You want it? YOU WANT IT? You DO WANT it?"
"Shadap! Wala ako paki. Manuod na tayo. Aakyat na yung last contestant. Sino kaya iyon?" naku-curious din ako kung sino yung last.
"Anddddddddd here's our last contestant. Some said that she is already the queen. But is it really her? Or someone else. Dear students, the last one to enter. Miss Alice Sidney Consolacion!"
"!" b-biruin mo yun? Kasali pa la itong isang ito. Nahalata ko nung nagsasalita pa lang si ate tungkol sa last contestant. Pero siya pala talaga.
"Whhhhoooooooooo!"
"Ahhhhhhhhh!"
Tilian at sigawan. Ano ba ito? Palakasan sa pagsigaw? Sakit sa tenga. Si Jayson napasigaw na din. Siguro hindi nakatiis at sumali na rin sa pagsigaw. Ayaw kong sumigaw. Baka mapaos pa ako.
"Good day to all of you. I'm Alice Sidney Consolacion." sabi ni Alice. Yung ngiti niya parang nagsasabing siya yung mananalo eh. Sa tingin ko lang.
Daming nagte-take ng picture niya. Flash dito, flash dun, flash sa likod ko. Tsk. Jayson talaga. Habang nagsasalita si Alice, tumingin ulit ako kay Clarisse. Ah... Nakatingin din siya sa akin. Para hindi naman awkward yung dating, nag wave ako sa kanya. Ngumiti ulit siya. Cute talaga ng ngiti nitong isang ito. Oo na. Umaamin na ako na cute yung ngiti niya. Pake niyo ba? Wala namang meaning yung paghanga ko ah?
"Thank you." huling sabi ni Alice.
Kumpleto na sila. Daming paring nagsisigawan kahit tapos na yung speech.
"Ayan. Nakita niyo na sila. Before we start our competition, here's a special number from the HRM Department. Go for it guys!"
Kaya pala may mga instrumento sa stage. Nagtaka kasi ako hindi nila tinanggal after nung battle of the bands kanina. May gagamit pa pala.
Hindi nagtagal nakaset na yung mga tutugtog. Tapos nagsimula na sila. Hindi ko alam yung title ng kinakanta nila. Nakita ko si Jayson na sumasabay dun sa kanta.
"Brad, anong title nung kanta nila? Hindi ako pamilyar eh."
"Ah. Tongue Tied ng Faber Drive."
"Okay. Kaya pala hindi ko alam. Hindi pamilyar yung name nung banda sa akin eh."
"Oo nga pala. Mahilig ka nga pala sa mga ganyang bagay. Kamusta na yung gitara mo sa bahay?"
"Electric o yung acoustic?"
"Oo na. Ikaw na may electric at acoustic."
"Nagtatanong ka tapos ikaw pa mapipikon. Haha. Wala. Hind ko masyado nagagamit. Punta ka ulit sa bahay ng magamit natin. Matagal ka na ring hindi tumatambay dun."
"Haha! Sige ba? Kaso galit sa akin yung aso niyo eh. Ano nga pala pangalan nun?"
"Ahhh. Si Pulgas ba? Galit kasi sa mga mokong yun."
"Minsan talaga natutuwa ako sa naming sense mo. Grabe eh. Para kang ungas."
I need a little more luck than a little bit
Cause everytime I get stuck the words won't fit
Cause everytime that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by
Maraming ring sumasabay dun sa kanta. Sabi ni Jayson matagal na daw yang kantang yan eh. Pasensya na. Hindi na ako masyadong updated sa music. Maganda naman yung kanta. Gets ko rin yung message. Kaso hindi bagay sa akin. Wala naman akong romantic sense. Ewan ko. Baka hindi ko lang talaga ramdam eh.
"....Hey.."
Nagulat ako ng may kumapit sa manggas nung uniform ko. Pagtingin ko sa likod, nakita ko si Jasmine. Teka. Kala ko umuwi na siya nung iniwan ko siya. Nandito pa pala itong isang ito.
"Oh?" sabi ko. I'm trying my best to sound normal. Sabi ko nga hindi ganoong kadali ang magbago di ba?
"A-ano. P-pwede bang dito muna ako. Gusto ko ring tapusin itong event niyo. H-hindi naman siguro masama no?" the way she said those words were like saying 'Pleeeeeease~~~'.
"U-uh.. Pwede naman."
Jayson nudged me. Tumingin ako sa kanya. Lintek na ngiti yan brad. Kung pwede lang na sapakin kita ng wala kang bawi, kanina ko pa ginawa yun promise.
"Well. Who is this beautiful lady Chrome? Mind telling me her name?" sabay wink ni Jayson sa akin. Brrrr.. Kinilabutan ako dun ah.
"Sigh. This is Jasmine. My former classmate."
"H-hello." bati ni Jasmine kay Jayson. Hey. Bakit parang nag-iba ata ang aura mo? Kanina lively ka masyado. Ngayon, parang s-sobrang feminine nung dating mo. Ikaw ba talaga yan Jasmine?
"Hi. Im Jayson. Best pal ni Chrome. By the way, what's your relationship with this retard?"
"Retard ka dyan! Tsaka huwag mo nga siyang tanungin ng ganyang bagay."
"W-we're just friends, I think."
"Bakit may 'I think' pa?"
"...." tumingin sa akin si Jasmine. Alam ko kung bakit. Baka siguro iniisip niya na hindi ko siya tinuturing kaibigan. Yeah. Hindi naman talaga. Yun sana gusto kong sabihin kaso lang baka umiyak ulit itong isang ito.
"Y-yeah.." sabi ko with an awkward smile.
Biglang nagkaroon ng sigla yung mukha niya. Sabi ko na ba eh. Sigh. Mga babae nga naman talaga. Bakit ba sobrang sensitive niyo sa mga ganoong bagay. Kala mo masisira mundo niyo kapag dinedeny kayo ah?
Nag-usap yung dalawa. Hindi na ako nakialam kasi normal chat lang naman. Hindi ko napansin na iba na pala yung kanta. Sa bagay kapag focus ka nga naman sa isang bagay, hindi mo napapansin yung mga nasa paligid mo.
"Thanks for the performance guys." sabi ni ate pagkatapos nung play. Sigurado start na. Bakit parang nae-excite din ako? Nah.
"It's time for the competition that you've been waiting for. Are you guys ready?"
"Yeah!!!"
"Ready na ready na kami."
"Camera check!"
"Yaaaaaaaaaaaaa!!"
Kani-kanilang sigaw. Napangiti na lang ako. I think that this will be the first time again after that day na na-excite ako ng ganito. I don't care. Ang mahalaga hindi halata sa itsura ko. Ayaw ko pa ring mawala yung cold attitude look ko sa mga ibang estudyante. Ayos na iyon para sa akin.
Nagstart na yung competition. Isa-isang lumabas yung mga contestant suot ang kani-kanilang mga damit. Ayos. Halos gumiba na itong gym sa mga sigaw nung mga guys. Alam kong laway na laway na kayo pero huwag naman kayong ganyan. Parang naglalabas kayo ng mga testosterone sa paligid. Mahiya kayo. Itong si Jayson busy sa pagte-take ng mga picture. Nakakadami na siya.
I-pass forward na natin. Oo. Lahat ng mga suot nila bagay na bagay sa kanila. Nevertheless turn na ni Clarisse. Nung lumabas na siya, nagulat ako ng sobra. Paano ba naman eh yung suot niya eh...
"Whoooooo!!!!!"
"Pwede ba kitang maging personal maid ko?!!"
"Vice pres!!!!"
Naka-maid outfit siya. At yun pang mismong ginagamit niya kapag nagwo-work siya sa amin. Napalunok tuloy ako. Paano kung biglang umamin siya na personal maid ko siya in spur-of-the-moment? Sigurong libingan ang patutunguhan ko nito. If I could help it, ayaw kong malaman nila iyon. Syempre gusto ko pang mabuhay!
Habang nagpapaikot-ikot siya sa stage na parang model, nagkatinginan ulit kami nung medyo nakalapit na siya sa pwesto namin sa gilid. W-wait. Bakit parang nagbla-blush ka dyan? Hoy! Gumalaw ka! Huwag kang matulala dyan! Nakakahalata na yung mga kalapit ko!
"Ah.."
Siguro naman napansin niya yung sitwasyon. Bigla kasi siyang natigil sa paglalakad kaya nagulat yung mga estudyante. At syempre, kung saan nakatingin si Clarisse, dun din sila tumingin. Which is me by the way.
"A-anong problema niyo?" tanong ko. Tina-try kong gawing mas cold pa yung tono ng boses ko pero parang bale wala eh.
"Si Chrome nanaman."
"Tss. Bakit ba lagi siya?"
Naririnig ko yung mga bulungan nung mga kalapit ko. Tumingin ako kay Jayson. Nagbuntong-hininga siya. Si Jasmine nagulat din. Kasi hindi niya aakalain yung mangyayari.
"Our next and last contestant. Miss Alice."
Buti na lang. Kahit papaano na-save ako dun. Kasi turn na ni Alice. Isa pa tong malakas kumuha ng attention. Nung lumabas siya, nashock ako. Yung suot niya, yung damit ni Alice. As in Alice in Wonderland. Si Jayson ang bilis ng reaction. Kuha agad ng picture eh.
"Wow! Si Alice talaga!"
"Kyaaaaaaa!"
Nag-cheer sa kanya yung mga estudyante. Habang nakatingin ako sa stage biglang may kumalbit sa akin. Female student. May hawak siyang box na butas ang taas. Parang bunutan ito ah.
"Kuya, bunot na kayo. Ikaw din."
Pinabunot niya kaming dalawa ni Jayson. Bumunot ako ng isa. Pati din si Jayson napabunot na din.
"Para saan ito?" tanong ko dun sa girl.
"Ah. Surprise iyan. I-keep niyo lang. Mamaya niyo malalaman kung para saan iyan."
Nag-giggle yung girl tapos tumungo siya dun sa ibang boys. Hmm. Para saan kaya ito? Nung tinanggal ko siya sa pagkakatupi nakita kong may number na nakasulat. Number 26?
"Anong nakuha mo?" tanong sa akin ni Jayson.
"26. Ikaw?"
"54. Para saan kaya ito? Curious tuloy ako."
Tuloy-tuloy yung contest. May talent, acting, at singing competition na siyang ikinainit nung laban. Daming sigawan eh. Promise. Baka mabingi na ako. Si Jasmine at Jayson nakikisigaw din kung minsan pag maganda yung nangyayari. Kung iisipin ko, parang ako lang yung abnormal eh. Nah. Hindi ko naman kailangang gawin yung mga bagay na iyon to show my excitement. May kanya-kanya tayong trip. Walang pakialamanan ba.
Natapos yung mga competition nila. Time for the moment of truth. Sino kaya yung mananalo. Kung tungkol sa scoring, hindi ko alam yung mga category.
"Here it is guys! The moment you've been waiting for!" sabi ni ate. Daming sigawan. Parang gusto ko na ring sumigaw pero baka masira yung image ko eh. Tss. Bahala na! Makisigaw na din!
"Base on the overall score, she got 91 out of 100. That was quite high!"
Sabihin mo na yung pangalan nung winner ate. Pati ako sobrang naku-curious na eh.
"This year's Campus Queen is none other than....."
Gulp. Grabe bakit ba ako kinakabahan? Eh hindi naman ako kasali dun. Is it for Clarisse? Kinakabahan ba ako para sa kanya? I don't know. Wala naman kaming relation para kabahan ako ng ganito para sa kanya. Tumingin ako sa mga contestant. Bawat isa sa kanila kitang-kita mo yung bahid ng pagkakaba sa mga mukha nila. Pero bakit si Alice lang yung normal. Confident ba siyang siya yung mananalo? Pwede rin.
"......Miss Clarisse Anne Tongohan! Congratulations!"
"Wooooooooooooo!!"
Sigawan na! Ayan na! Pero bilib ako kay Clarisse ha? Biruin mo yun natalo niya si Alice? Ang galing niya. Nung tumingin ako sa kanya, nakita kong nakatingin siya sa akin. Is it me or is it just my imagination? Tingin ng tingin sa akin lagi si Clarisse. I know na gusto niya ako pero iba yung mga tingin niya ngayon eh.
Pumunta si Clarisse sa harapan kalapit ni ate. Tapos nakipag-shake hands siya. Tuwang-tuwa si ate. Hoy ate, baka naman dinaya mo yung scoring ha? Oh well. Hindi naman magagawi ni ate yun.
"Thank you po sa support at cheer niyo para sa akin. I'm really happy."
Pagkatapos nun, lumapit sa kanya yung ibang contestant at niyakap siya. Nakita ko si Alice. Nakangiti siya. Yung ngiting masaya para kay Clarisse. Biruin mo nga naman aba. Kala ko magwawala siya sa stage dahil sa natalo siya. Nagkamali pala ako sa inisip ko.
"Before the end of this event, did you guys have your number?" tanong ni ate. Ah. Ito na yung gusto kong malaman.
"Yeah!" sigaw nung mga lalake.
Umayos ulit sa pagkakahilera yung mga contestants. Tapos lumabas yung girl na kumalbit sa akin kanina dun sa stage. May hawak din siyang bunotan. Tapos isa-isa niyang pinabunot yung mga contestants. Sa tingin ko alam ko na kung para saan itong number na ito ah.
"Okay girls. Now come here in front one by one and call for the number you've got! And guys, if you have the number, you sure are lucky! You will have your photo together with the girl who called you here with you! And it will be posted in the front page of our site and also in the Bulletin Board!"
"Wooooooooooo!"
"Ayos ito! Ayos na ayos!"
"Yeah!"
Nagsigawan nanaman yung mga lalake. Dahil lang dun nagsisigawan na kayo. Hehe. Wala na pala akong dapat ipagalala pa. Sobrang dami namin dito. Baka mabunot pa ako ng isa sa kanila. Haha. Pero IF ever na mabunot ako ng isa, hindi ko alam. Bahala na.
Isa-isang tinawag nung mga contestant yung nabunot nila. At dumating yung time ni Clarisse.
"N-number...." bigla siyang tumingin sa akin. Sorry pero parang malabo yung hinihiling mo. ".....54.."
".....Nakakashock yun ah." sabi ni Jayson.
Lastly, turn na ni Alice.
"Number....."
Teka. Bakit parang nagkaroon ng masamang aura sa paligid? Nung napuna ko, yung mga guys parang magpapatayan yung dating eh. Mga brad. Numero lang yan. Si Alice lang yan.
"...Number 26."
Sabi ko sa inyo number------- Teka....
"Brad... anong number sabi niya?" tanong ko kay Jayson. Baka mali yung pagkakarinig ko.
"26. Ikaw yung nabunot niya."
Sa tingin ko tumigil yung mundo ko eh. Bakit sa dami-daming numero, ako pa yung nakuha mo? I will be killed you know?!
Tumingin sa akin si Jayson. Parang alam ko na sasabihin niya. Kaibigan ko talaga siya.
"Palit ba tayo?"
Gusto ko makipagpalit. Gustong-gusto ko.. Pero, tama ba ito? Fair ba ito?
Sinagot ko si Jayson. This is my honest answer....
AN: Nung wala akong magawa, bali binasa ko ulit sa simula ito. At napansin kong sobrang dami kong mistakes. Like dun sa prologue. Dapat hindi repetitive yung ginagamit kong mga words (naaalala ko yung lesson ko sa english regarding sa pag-gawa ng mga articles at stories). Ako na nga yung author, ako pa yung editor. Haha! To be frank, pagkatapos ko kasi siyang i-type, hindi ko na tsine-check pa eh. Pasa agad! Dun sa mga nakakita ng mga mistakes, misspelled words, grammatical error, etc. Sensya na ah. Tao lang din ako haha.
Well enough of that. Regarding this chapter, nasasa-inyo na kung sinong girl ang trip niyo. Pasensya dun sa iba kung like niyo si Jasmine. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para magka-route siya eh. Baka gumawa nalang ako ng extra chapter kung saan siya yung magiging partner ni Chrome.
Nonsense:
Patay na si Burnok.. Pero andyan yung si Pulgas
Haha.. Yan! See you in the next chapter!
- maek0witzkiDango Lover
- Posts : 700
Points : 92171
Coins : 16005
Join date : 2013-01-04
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Thu Oct 23, 2014 5:11 pm
WHY!? BAKIT MO PINUTOL!? Aaaaaaaaaah! Hindi nananaman ako makakatulog ng maayos nito :3
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Sat Dec 06, 2014 4:03 pm
Wazzup guys! It's been a month! Haha! Sensya na natagalan nanaman ako mag-update. Daming ginagawa eh (nakahiga lang magdamag). Ito na yung latest chapter.. Salamat sa patience niyo. At dun sa mga nag-aantay ng update, sorry talaga hehehe.
Chapter 16a: Anxious But Sure
Yeah, yeahl.. Alam kong bitin. Sige lang.. Dadagdagan ko ulit yung motivation ko. Muntik na talagang mag-waver eh hehe. Go Alice! Labyu!!!!
Chapter 16a: Anxious But Sure
- Spoiler:
- Sus! Anong ba yung pinagsasabi ko. Parang hindi naman kami pwedeng mag-take ng picture ni Clarisse pagkatapos nito. And it's not a big deal. Pero biruin mo nga naman. Ako pa yung nabunot ni Alice. Hindi naman ito manga or anime na kung saan sobrang obvious na yung bida yung mabubunot. Lol. Nasobrahan ata ako sa kape.
"Anong plano mo?" tinanong ulit ako ni Jayson.
"...."
Lumapit ako dun sa isang guy. Disente naman yung itsura niya nung tiningnan ko siya. Nagulat nga siya nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya.
"Pwede patingin nung number mo?" tanong ko sa kanya.
"U-uh.. s-sige.." sa tingin ko parang natatakot siya sa akin. Eh wala naman akong gagawin sa iyo.
Nung kinuha ko yung inabot niyang papel, tumungo ako.
"Pwede na ito. Gusto mo palit tayo?"
"Palit? Eh wala naman yang number na yan eh?" nagtatakang sinabi niya sa akin.
"Ano? Ayaw mo ba?" winagayway ko yung papel ko sa harap niya. Na-curious siguro.
"Sige. Kahit wala naman ding------"
Nung nakita niya yung number ng inabot ko sa kanya yung akin, nanglaki yung mata niya. Talagang nanglaki. Tumingin pa nga ulit siya sa akin. Siguro kino-confirm niya kung sigurado ako. Tumungo nalang ako. Biglang parang lumiwanag yung mukha niya. Sa bagay yan nga naman yung number na nabunot ni Alice.
Binibigay na yung mga prizes para dun sa mga contestants. Ang nakuha ni Clarisse ay isang boquet ng flowers tapos simpleng korona. Haha. Parang beauty pageant ito ah. Sa bagay close naman.
"Sa mga number po na nabanggit ng mga contestants, yung pong may mga hawak nun punta na po kayo sa stage." sabi ng MC, which is my sister.
Ramdam ko yung excitement nung mga nabunot. Si Jayson parang wala lang. Normal lang. Paano ba naman eh parati niyang nakakasama si Clarisse pag lunch kasi sa amin siya sumasama.
"Sige brad. Akyat na ako. Heto yung camera. Kunan mo na rin ako. Haha."
"Okay. Mag pose ka ng malupit!"
"Sige ba?!" tuwang-tuwa niyang sabi. May kalokohan nanaman sigurong pumasok sa kokote nito.
Nag-akyatan na yung mga swerteng kumag. Ha! It's a good thing na nakipagpalit ako. Ayaw kong sumikat nanaman ako.
-----
Sigh.. Heto na. To be frank, against ako sa ganitong sitwasyon. Pero wala naman din akong magagawa. It's part of the event. No need to fuss over it. Pero bakit ba parang kinakabahan ako? Is this the first time? No. Hindi ko alam kung kailan nangyari pero parang nabawasan yung pagiging masungit ko? Kung yung dating ako yung nakatayo ngayon siguro baka tiningnan ko ng masama yung makakasama ko sa picture. Pero bakit ngayon parang napalitan ata ng kaba. A-ano ba ito? Nalilito na ako. Am I.. am I conscious of something?
"Alice....."
"///////" h-huh? B-bakit bigla siyang pumasok sa isip ko?!
Bakit si Chrome? W-wait? Huwag mong sabihin na kung bakit ako kinakabahan ngayon eh dahil sa ayaw ko makita ako ni Chrome na may kasamang iba sa picture?! Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!! No way! No way! No freaking way! Hindi maari ito. H-he's not even my type. To top it all, we hate each other... nga ba?
Ewan ko ba kung bakit pero bigla kong hinanap yung particular person na yun sa mga audience. Medyo madilim kaya mahihirapan ako. Not before long nakita ko siya. Sa gilid. Who would have thought na makikita ko siya agad? Ng pinagmasdan ko siya, nahihiya man akong aminin na talagang hinanap ko pa yun, nakita kong may kausap siyang guy. Napansin kong binigay nung guy yung papel niya kay Chrome. Tapos binigay ni Chrome yung kanya pagkatapos niyang tumungo. Nagpapalit ba sila? Pero wala na rin akong pake... Wala ba talaga? Ahhh! Nakakapikon na! Bakit ba ako nako-conscious sa kanya? H-hindi naman talaga ako i---i...in love sa kanya? Hindi naman ah?!
"Sa mga number po na nabanggit ng mga contestants, yung pong may mga hawak nun punta na po kayo sa stage." sabi nung MC.
Itigil na nga itong iniisip kong ito. Maloloka ako kaiisip ng wala namang katotohanan eh. Matapos na itong event na ito para makauwi na ako sa bahay at makaligo. I feel like taking a bath to remove this inappropriate thoughts inside my head. Pero hindi naman ah... Ack! Bakit ko kinokontra sarili ko?!
Umaakyat na yung mga guys na nabunot namin. Sino kaya yung nabunot ko? Nang tumingin ako sa pwesto ni Chrome, nandun pa rin siya. May kausap na girl. Sigh. Wala na akong pakialam. Dalian nyo na para matapos na ito.
Ng nakaakyat na yung mga guys, isa-isa nila kaming pinuntahan. Nakita ko yung friend ni Chrome. So nabunot din pala siya. At nang lumapit na sa akin yung guy na nabunot ko....... sobrang laki ng gulat ko. Rather, naramdaman kong parang sumakit yung tiyan ko. Bakit parang gusto kong tumakbo paalis dito?
"H-hi..." bati sa akin nung guy. Siya yung kapalitan ni Chrome ng papel.
"H-hmm.." tumango na lang ako.
Nagsimula na yung pagte-take ng pictures. Ngumiti na lang din ako for the sake of this event. Kahit na napipikon at nalulungkot ako for no particular reason....? I feel rejected. Hindi naman kami close pero ang sama pa rin eh. Bakit siya nakipagpalit? May kasalanan ba ako sa kanya? Galit ba siya sa akin? Or... talagang ayaw niya lang sa akin? S-sandali?! Bakit ako nag-iisip ng ganito?!
-----
Sa wakas makakauwi na ako. Kanina ko pa gustong umuwi. Buti na lang at tinamad si Jayson sa kanyang planong mangchicks. Nawalan siguro ng gana or talagang pinagbigyan lang ako. Hindi ko alam ang sagot. Si Jasmine, umuwi na after niyang kunin, ng sapilitan, yung number ko. Talaga naman aba. Marami ng nag-uuwiang mga estudyante at bisita. Yung mga na-assign sa pag-aayos at pag-lilinis ng school yung mga nakikita ko na lang na kumikilos.
Ng papunta na ako sa parking lot, biglang may humila ng mahina sa long sleeve ko. Ng lumingon ako, nakita ko si Clarisse. Parang hinihingal siya.
"A-ano..." sabi niya ng mahina.
"...."
"Hehehe. Hindi ko aakalain na mananalo ako dun ah."
"Oo nga eh. Congratulations nga pala. Sensya na kung umuwi na ako ng hindi man lang nagpapaalam sa iyo."
"Ayos lang. Sige mauna na ako. Hinihintay na ako ni daddy."
"Oh? Nandito pala daddy mo?"
"Yup. Kasama si mommy. Nalaman ko lang nung tinext nila ako kanina nung nagpre-prepare kami sa backstage. Sige." at umalis na siya.
Tinuloy ko na yung paglalakad ko. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng sasakyan ng may napansin akong kakaiba. Para bang may nagmamasid sa akin. Lumingon ako sa paligid. Guni-guni ko lang siguro. Makaalis na nga.
-----
"P-phew... Muntik na ako dun ah." huminga ako ng malalim. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinabahan talaga ako. Baka kasi pag nakita niya ako, baka kung anong isipin niya tungkol sa akin.
"Alice. Aalis na tayo." tawag sa akin ni mom.
"Okay mom."
Nakita ko kasi si Chrome. Hindi ko alam kung bakit pero biglang parang gusto ko siyang kausapin at tanungin tungkol kanina. Kaya siguro nag-tago ako sa isang gilid nung bigla siyang lumingon-lingon. Nako-conscious na talaga ako sa kanya.
"....."
"Alice. Ano pa ba inaantay mo?"
"M-mom. Pwede sandali lang." at pinuntahan ko si Chrome.
"T-teka. Alice!"
Nang makalapit na ako sa sasakyan ni Chrome, napatigil ako. Siguro dahil sa naramdaman niyang may tao sa likod niya, nagtanong siya.
"Anong problema?"
Base sa tinig ng boses niya, hindi naman cold. Siguro dahil hindi niya kilala kung sino nasa likod niya dahil sa hindi naman niya ako nililingon, nagtanong lang siya. Pakiramdam ko parang naka-glue yung bibig ko. Kasi hindi ko mabuksan. Alam ko yung sasabihin ko pero...
Tumingin na si Chrome sa akin. Yung expression niya, nakakatuwa kasi parang nagulat ng kung ano.
"...."
"U-uh...."
"Kung may nagawa man ako na ikinagalit, kung ano man yun, sorry."
"H-huh?" nagulat ako dun sa sinabi niya. So alam ba niya na nakita ko siya kanina?
"A-ano.. Hindi."
"Hmm?" tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.
Parang biglang nag-init yung mukha ko. Yung pagtingin niya kasi sa akin, nakakapanibago. Hindi katulad dati na cold. Ngayon parang normal lang. Nung nag-tilt siya ng ulo..... grabe ang cute nun ah?!!!
"Kung wala kang sasabihin, pwede ba umuwi na ako?" sabi niya. Normal lang yung pagkakasabi niya. Talagang nakakapanibago. Pero kailangan kong tanungin yung tungkol kanina.
"C-Chrome...."
"...Ano iyon?"
"B-ba.." pilitin mong itanong Alice. Kaya mo ito. "Ikaw ba yung nakabunot nung number ko?"
-----
Sa totoo lang nagulat ako nung pinuntahan ako ni Alice. Siguro galit ito sa akin for no particular reason. Nag sorry agad ako kahit na hindi ko alam kung ano man iyon. But the next words she said was very unexpected.
"Ikaw ba yung nakabunot nung number ko?"
I have no idea who told her about that. In any case, ako lang naman at si Jayson, and also that guy, ang nakakaalam tungkol dun. Pero paano niya nalaman. Imbes nalang kung.... nakita niya ako... It's not bad to ask but I need to confirm it first. I totally can't lie about this one. In the beginning I'm not the type that lie about things.
"Paano mo naman nasabi iyan?" yan. A good question if I may say so myself. Still, kinakabahan parin ako eh.
"K-kasi.. Nakita kita kanina."
"!"
Sabi ko na nga ba eh! Biruin mo yun. Wait. Coincidence ba na nakita niya ako kanina? Pero that is not the question. Bakit parang iba yung aura niya ngayon. It's kinda creepy. Or should I say a girl of her age would do if she's uncertain of something.
Hindi ko alam na ito ang magiging simula ng pagpasok ng isang hindi ko inaasahang pangyayari.
Yeah, yeahl.. Alam kong bitin. Sige lang.. Dadagdagan ko ulit yung motivation ko. Muntik na talagang mag-waver eh hehe. Go Alice! Labyu!!!!
- maek0witzkiDango Lover
- Posts : 700
Points : 92171
Coins : 16005
Join date : 2013-01-04
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Sat Dec 06, 2014 10:44 pm
Napakatagal ng update. Sakto! ngayon lang ulit ako nakapag Online XD
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Fri Jan 02, 2015 6:23 pm
Hello!!! Tagal ng update ko.. Phew.. Wala eh!
Chapter 17a: Confirmation
Lapit.. Malapit na malapit na.. akong sumakay... haha! Tatapusin ko na rin yung kay Alice.. See you later!
Chapter 17a: Confirmation
- Spoiler:
- "Ano... eh?" paano ko kaya ito malulusutan? Oo nga naman. Bakit nga ba ako nakipagpalit? Dahil ba sa ayaw kong makasama siya sa picture?
"Hey. Sabihin mo sa akin...." yung boses ni Alice, nakakapanibago. Masyadong frail ata ngayon. Ang samang isipin na ginawa ko yun. Pero bakit ganito yung pakikitungo niya? Is she... with me? Nah! Impossible ata yun ah. "Bakit ka nakipagpalit? May ginawa ba ako sa iyo? Kung isasagot mo eh dahil dun sa mga past encounters natin, wala na akong magagawa. Kasalanan ko naman din. Pero sa totoo lang ayaw kong may taong galit or ikinamumuhi ako. Ang sakit sa pakiramdam eh."
"...." lagot na! Lintek. Ako nanaman ang may kasalanan. Teka. Ako naman talaga eh. "H-hindi ako galit sa iyo."
"....Di nga?"
"Hindi nga."
"Bakit ka nakipagpalit? Ayaw mo ba sa akin?"
"H-hindi naman sa ayaw. A-ano eh..."
"Ano?"
"Ayaw ko lang talagang maka-attract ng attention. Alam mo naman siguro na kilala tayong dalawa sa buong campus bilang magka-away ata. Baka kasi kung anong isipin pa nila."
For the first time, ngayon ko lang nakitang ganyang ang expression ni Alice. May ginawa ba akong masama? Wala naman ah? But in another's point of view, oo meron. Anong palusot ang gagawin ko dito? Sigh. Malas talaga ng araw na ito.
"Okay. Okay. I'm sorry. Hindi ko alam na yung ginawa kong yung ay masakit sa iyo. I feel guilty na. Seryoso. So....." hindi ko alam kung epektibo ito pero I might as well try it. "Kung may gusto ka, kahit na ano basta kaya ko, I will try to fulfill it. Pero once lang."
"!"
From the looks of it effective naman. Kasi yung expression nung mukha niya ang bilis nagbago.
"T-then..."
"Just in case you don't know, no embarassing acts please."
"..."
Tama ba yung narinig ko? Palalampasin ko yun sa ngayon.
"Then.... be my servant for a day."
"....Ano daw?" nagulat ako dun ah.
"Be my servant. Hindi naman siguro mahirap iyon."
Dahil lang sa pakikipagpalit ko, naging utusan pa ako ng unggoy na ito? Ibig sabihin mas mababa pa pala ako sa unggoy? No. This is a request. At ako rin naman ang nagsabi na gagawin ko. Me and my big mouth. I feel stupid tuloy. Kasi kung servant niya ako, meaning mas marami siyang hihingin na favor. Oh well. Gawin na lang. Sinabi ko din namang magbabago ako.
"Okay. What do you want to be of my service, milady?"
"/////"
Anong sinabi kong mali? Bakit nagbago yung expression ng mukha mo? Hindi ko alam kung pinipilit mong huwag tumawa or what.
"H-hindi. Huwag mong simulan ngayon. Ako na magsasabi sa iyo kung kailan mo sisimulan."
And with that said umalis na siya. Pakiramdam ko sobrang ngiti niya nung tumalikod siya. I'm feeling that something bad is going to happen.
-----
A week after that particular day, andito ako ngayon sa rooftop. Wala namang okasyon. Gusto ko lang magpahangin. And for that particular request, wala pang nangyayari. Dumaan yung mga araw ng normal. Si Clarisse lalong naging popular. Minsan nga nakita kong may nagko-confess sa kanya. Nangiti na lang ako kasi yung expression ng face niya, confuse na confuse. Nung tumingin siya sa akin, hoping for a way out, nag feign ignorance ako. No way. Gagawin mo nanaman akong dahilan mo. Hindi mo na mauulit yung last time na ginawa mo yun. Haha!
"...." yung tumingin ulit ako sa kanya, nakita kong ang sama ng tingin niya sa akin. Tapos naka-pout pa. Oo. Ngayon aamin na ako. Cute talaga yung ganong expression niya. Kung dati kino-contradict ko sarili ko, ngayon umaamin na ako. Hindi naman siguro masama no? Pero hindi ko sinasabi sa kanya ng harapan at baka lumaki ulo.
Pagkatapos niyang i-reject yung guy, umalis na siya dun sa meeting place nila. Sa may gilid ng gym yun. Coincidence lang na napadaan ako dun at nakita ko siya.
"Grabe ka talaga. Bakit hindi ka lumapit sa akin kanina? Alam mo namang siguro na need ko yung help mo." sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko.
"...." kunwari tumingin ako sa kanya ng masama. Hindi ko pa rin pinapakita sa kanya yung pagbabago ko. Ayaw ko eh. Nahihiya ako.
"....Ahh.. sorry.."
"Pfft..." oh no! Hindi ko mapiit yung tawa ko.
"?"
"...." tumahimik ako. Tapos iniwas ko yung tingin ko sa kanya.
Pero nabisto ako. Kasi bigla siyang humarang sa dinadaanan ko habang naglalakad kami. Eh hindi pa naman ako nakatingin sa harapan kaya nabunggo ko siya. Mahina lang. Pero dahil siguro na hindi niya na-control yung balance niya, natumba siya....
"!"
"Ano ba yan.. Huwag mo ngang gawin yun. Masasaktan ka sa ginagawa mo eh." nasambot ko naman siya. Pero napansin ko yung mga titig sa paligid. At kung papansinin ko yung ginawa ko.. Talaga nga namang nakakahugot pansin. Ay nako!
"/////" namumula yung mukha niya.
Paano ba naman eh nakahawak ako sa bewang niya tapos yung isa kong kamay nakahawak dun sa isa niyang kamay. Ganda ng pose namin sa gitna ng daan.
Itinayo ko kaagad siya ng maayos.
"...Ehem. Ah, sorry." bakit ako nagso-sorry?
"E-eh?!" bakit ka nagulat? "H-hindi. Ako yung humarang so ako dapat yung magso-sorry."
Inayos ko yung tayo niya. Napakamot ako sa ulo ng walang sa oras.
-----
Nagulat ako dun sa nakita ko. Kasi si Chrome, hawak-hawak sa bewang si Clarisse. Tapos parang hahalikan pa niya yung dating.
"Tignan mo yun oh. Ang sweet nila."
"Oo nga eh. Tsaka narinig mo ba yung rumors tungkol kay Chrome?"
"Rumors? Nope. Ano yun?"
"Parang nagbago daw siya."
"Oh? Paano mo naman nasabi?"
"Kasi yung mga friends ko sa ibang section eh sabi nila parang nagbago yung dating niya."
"Dating? I-explain mo nga ng maayos."
"Uhm... Alam mong maraming girls na may gusto sa kanya in secret right?"
"Uh.. and you are one of them.."
"Sshh! Kasi nung isang araw, nung kinausap siya nitong friend ko from his section, he answered normally. Yung mismong normal chat. Tapos tumatawa pa nga daw siya. Grabe! I want to see him laugh!"
"Weh? Baka niloloko ka lang nun para matuwa ka? Or naka-drugs ka lang?"
"H-hindi! Sure ako dun. Kasi nakita ko rin siya nung nakaraan sa cafeteria. Maraming girls yung kumakausap sa kanya nung nakapila siya. Naiingit nga ako eh."
Hindi naman sigurong masamang mag-eavesdrop. Tsaka kalapit ko lang yung mga girls na nagkukwentuhan. Isang bench lang naman yung inuupuan namin. Ngayon ko lang din nalamang popular pala siya sa mga girls kahit na ang cold ng attitude niya. At kung totoo nga yung rumors na nag-start siyang makipag-usap sa mga girls, bakit nung nagkasalubong kami, ni hindi man lang niya ako binati? W-wait! Hindi naman sa gusto kong mauna siya pero, ako pala yung hindi pumansin sa kanya. Kasi iniwas ko kaagad yung tingin ko nung nagkasalubong yung titig naming dalawa. Kapag iniisip ko kung kailan ko gustong simulan yung request ko sa kanya, lumalakas yung tibok nung puso ko. Talaga bang in love na ako sa kanya? Never ko pa kasing naranasang ma-in love.
"Alice."
"H-huh?" natauhan ako nung marining kong may tumawag ng pangalan ko.
"Tara na. Magsisimula na yung homeroom." sabi ni Janette. Classmate ko.
Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako. Eeehhh. Nakakahiya naman.
-----
I don't know when it started. It's been three weeks since that foundation day. Pero yung nakakapanibago eh yung pagdami ng kumakausap sa akin na mga babae. Wala naman akong sinasabing kung anu-ano sa kanila. Normal chat lang naman. Pero nung nakita ng ibang classmate kong babae na nakikipagusap na ako ng normal sa ibang girls, bigla na lang silang naglapitan sa akin. Tapos nagpasabog ng mga tanong. Kung ano daw yung nakain ko. Kung bakit iba na daw yung pakikitungo ko sa kanila. Or kung may nang-black mail sa akin. Natawa ako dun sa nagtanong kung may nang-black mail. Natahimik nga sila nung nakita nilang nakangiti ako. Tapos tinanong ko kung anong meron, pero nagyukuan yung sinubukan kong tanungin. May ginawa ba akong masama?
And as usual, it's lunch. Hindi ako nakapagluto ng lunch ko kaya bumili ako sa cafeteria. Si Jayson kung anu-anong kinukwento sa akin. At syempre yun ay tungkol dun sa pagtaas ng popularity ko sa mga babae. Tss. Wala akong pakialam dun pero bakit nga ba? I know na maraming may gusto dito kay Jayson kasi parang model itong mokong na ito eh. Kahit na ayaw kong aminin iyon.
"Tigilan mo na nga ako Jayson. Baka batuhin kita ng sapatos ko eh."
"Ito naman. Nagtatanong lang. Tsaka totoo naman eh. Napansin kong kapag may free time tayo, ikaw yung madalas kausapin ngayon ng mga babae. Alam kong kakasimula mo pa lang makipagusap ng maayos sa kanila after those days na cold yung attitude mo to them." sabi ni Jayson habang tinututok sa akin yung tinidor niya.
"Sa simula lang yan. Hindi magtatagal titigil din yung mga yun."
"Baka? Haha. Bahala ka na nga. Oo nga pala. Nasan si Clarisse?"
"Clarisse?"
Hindi namin siya kasabay ngayong mag-lunch. Tumingin ako sa paligid para hanapin siya. Pero hindi ko siya makita. Baka naman nalimutan niya yung lunch niya or may ginagawa lang. Naging curious tuloy ako. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at hinanap yung number niya. Pinindot ko yung call button. Nag-ring naman cellphone niya. After siguro ng mga five rings, sinagot niya yung call ko.
"Hello. Chrome?"
"Hey, Clarisse? Hindi ka ba magla-lunch?"
"Ah! Sorry pero may ginagawa ako ngayon. Tsaka kumain na din ako."
"Oh? Ganun ba? Sige."
"Ehehe~"
"Hm? Bakit ka tumatawa?"
"Kasi tumawag si Chrome sa akin. First time pa!"
"...."
"O-oh? Natahimik ka naman?"
"S-sige na. Baka nakakaabala pa ako sa iyo. Good luck na lang sa ginagawa mo."
"Thanks. Sorry kung hindi ako nakasabay sa inyo at sa hindi pag inform sa iyo."
"No problem."
Pinindot ko yung end call. Tumingin ako kay Jayson. Tumango na lang siya. Nakuha niya na siguro yung dahilan kasi hindi na niya ako tinanong.
Meron pang mga thirty minutes until the end of lunch.
-----
Nahihiya ako. Sobrang nahihiya. Kasi hindi ko magalaw ang paa ko papunta sa kinaroroonan niya. I want to talk to him. I want him to talk to me. I want him to notice me. Pero bakit ko ba gusto na pansinin niya ako?
"Alice? Ayaw mo pang kumain?"
"A-ah? Sige lang."
Napansin siguro ako ng mga friends ko na nakatulala ulit. Pero hindi ko namang masabi ang dahilan kung bakit. Nahihiya kasi ako. Hindi naman sila mapilit kaya pinabayaan lang nila ako.
Hanggang huli, hindi ko pa rin nalapitan si Chrome nung lunch.
Uwian.
Sigh. Para bang ang laki ng problema ko dahil sa pag buntong-hininga ko ah. Ano na kayang ginagawa niya? May kasabay ba siya sa pag-uwi? Gusto kong makasabay siya.
Halo-halong emotion nararamdaman ko ngayon. Hindi ko napansin pero ang bagal ng paglalakad ko. Halata kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante sa paligid ko. Normal lang yun. Sanay naman ako.
I continued thinking things over and over until... that happened.
-----
Talaga naman itong si ate. Daming request. Napilitan tuloy akong tumulong sa kanya sa trabaho niya sa club niya. Sa akin kasi siya lumalapit kapag need niya ng manpower. Ngayon, buhat-buhat ko yung mga gamit na pinapalipat niya sa akin sa stack room.
Tapos ko na yung ginagawa ko kaya pagkapaalam ko kay ate na mauuna na ako, binilisan ko na yung paglalakad ko papunta sa parking lot. Gusto kong mag-relax ngayon kaya I want to go to some place na malilibang ako. Pa-ibang pace naman ba. Pero dahil sa nakatingin ako sa cellphone ko dahil I need to text my mom na baka late akong makauwi, bigla akong may nabangga. Hindi naman ako natumba. Pero yung nabangga ko talagang natumba. Dami sigurong iniisip at hindi niya napansin dahil nagulat siya eh.
"Ah..."
"S-sorry!" sabi ko kaagad.
Nung nakita ko kung sino yung nabunggo ko, tumaas yung balahibo ko. Kinabahan ako ng sobra. Si Alice! Natatakot ako dahil baka magsimula nanaman siya ng gulo. Sorry pero iniiwasan ko na muna yung mga ganung pagkakataon.
"E-eh?" sabi niya nung nakita niya ako.
Iniabot ko yung kamay ko sa kanya para tulungan siya sa pagtayo. Pero hindi siya kumikibo or kumikilos man lang. Nung tinignan ko yung mukha niya, napansin kong namumula iyon. May sakit ba siya? Dahil sa hindi siya kumilos, hinigit ko siya patayo. Hindi biglaan. Tapos nag sorry ulit ako.
"Sorry ha? Nagmamadali kasi ako eh."
"Fr..."
"Hmm?"
"May gagawin ka ba?" tanong niya sa akin. Pero hindi parin siya nakatingin sa mukha ko. Galit nga talaga siguro.
"Eh? W-wala naman?" pero sa totoo lang gusto ko nang maglibang. Tagal ko na ding namiss yung mga ganung gawain eh.
"...." tahimik lang siya.
"S-sige. Alis na ako." nagpaalam na ako.
Nung papaalis na ako, napansin kong bigla niyang hinawakan yung long sleeve ko. Hindi siya nakatingin sa akin ng diretsuhan. Ngayon napansin ko na. Nahihiya siya. I don't know the reason pero kung pagbabasihan ko yung expression niya at yung mga kilos niya, nahihiya nga siya.
"Pwede bang sumama muna?"
"Huh?" sumama? Sa akin?"
"Kung ayaw mo, ayos lang naman."
"Hindi naman sa ayaw. Ang iniisip ko lang eh bakit gusto mong sumama?"
"W-wala lang."
Grabeng sagot yan. Wala lang.
"Alam mo ba naman kung saan ako pupunta?"
"Hindi eh." tapos nag-isip siya. "Ayos lang. Kung saan ka pumunta. May gusto lang akong i-confirm."
I-confirm? Ano kaya iyon?
"Sigh." papayag ba ako oh hindi? Kung titignan ko yung oras, alas-singko pa lang ng hapon. Kaso baka ma-late ako ng pag-uwi. Baka hanapin siya ng magulang so mas maganda siguro kung pauwiin ko na lang siya.
"Kung iniisip mong baka hanapin ako ng magulang ko dahil sa baka ma-late ka pag-uwi, huwag mo nang isipin pa iyon. Madali lang magpaalam."
Paano niya nalaman yung iniisip ko? Hinugot niya yung cellphone niya at nagtext. Siguro nagpapaalam. Maya-maya ay naka-receive siya ng reply. Tapos tumingin siya sa akin at tumango. Pero tinanggal niya agad yung tingin niya. Bakit mo ba iniiwas ang tingin mo sa akin? Dati, kaya mo akong titigan with malice pa nga eh. Bakit ngayon, parang nag-iba?
"O-okay. Pero sigurado akong mabo-bored ka lang dun."
"Okay lang. Sabi ko nga sa iyo may gusto lang ako i-confirm."
At dahil sa pangyayaring yun, kasama ko siyang pumunta sa mall. I would not count this as a date. Probably.
But what happened that day was unexpected. Not for her but for me.
Lapit.. Malapit na malapit na.. akong sumakay... haha! Tatapusin ko na rin yung kay Alice.. See you later!
- maek0witzkiDango Lover
- Posts : 700
Points : 92171
Coins : 16005
Join date : 2013-01-04
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Mon Jan 12, 2015 6:46 pm
Update ASAP pls pls pls pls XD
Page 2 of 2 • 1, 2
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum