Me Vs. the Campus Queen
+4
DaRlY
Mikasachi
Shitori
Strayed
8 posters
Page 1 of 2 • 1, 2
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Me Vs. the Campus Queen
Fri Jan 31, 2014 6:42 pm
Okay.. Talagang campus queen talaga noh? Wala lang.. Most anime have this kind of genre or themes pero wala akong pinag gayahan. At least this is my own version of campus queens. Title palang parang maangas yung bida noh? haha Anyways, I hope you like it. Pa-part-part lang yung update ko huh.. nagrereview pa ako para sa exams eh ahaha..
Prologue
Chapter 1: The Campus Queen
Chapter 2: The Rise of.. Me??
Chapter 3: Chrome Axel Estolano
Me Vs. The Campus Queen
Prologue
- Spoiler:
- Sa dami-daming mga araw ang nagdaan sa aking buhay, kailanma'y hindi ko magawang isipin na makipag-usap sa mga babaeng nakapaligid sakin. Simula nung nagkaroon ako ng parang pagkadismaya sa mga babae nung ko ay nasa elementary pa, hindi ko na sinubukang makipagusap sa kanila. Hanggang ngayong nasa college na ako ganoon parin ang pakikitungo ko sa kanila. Kapag minsan ay hindi ko rin maiwasan na makipag-usap sa kanila. Pero limitado lang ang mga sinasabi ko sa kanila. Katulad ng "oo" o kaya ay "ganun ba?". Minsan nga eh sa tren kapag masyadong masikip, hindi ko maiwasan na hindi dumikit sa kanila. Hindi ko gusto yung pakiramdam na napapaligiran ka nila. Haha. Asar kapag ganun. Tanging nanay at ate ko lang ang mga babaeng nakakausap ko ng diretsuhan. Kapag iba, ay talagang wala. Pero it doesn't mean na to the maximum point yung pagka-hate ko sa kanila.
Chapter 1: The Campus Queen
- Spoiler:
- "Brad! Hoy! Natulala kana jan!" sabi ni Jayson, classmate ko.
May pagkamakalokohan pero mabait siya at mapagkakatiwalaan. Minsan pag may problema ako, siya yung tumutulong sakin. Love problems ba? LoL! Hindi ah.
"A-ah?"
"Anung iniisip mo?"
"Wala Jayson. Tara bumalik na nga tayo sa room."
"Chrome...."
"Tara na."
"Chrome!"
"Anu ba yun?" may pagkairita kong sinabi sa kanya.
Tsaka ko lang napansin ang paligid namin. Nasa courtyard kami ng campus. Napansin ko na medyo nagkakagulo yung mga tao sa gitna ng courtyard. May fountain dun pero hindi ko alam kung ano yung pinagkakaguluhan nila dun.
"Tara tignan natin!" sabi ko na nga ba eh.
"Aba, aba, aba! Tara bayaan mo na sila."
Ay lintek naman talaga itong si Jayson. Minsan sarap din batukan eh. Tumayo na ako at sinundan siya. Umiwas ako dun sa mga babaeng nakapaligid dun. Pagkapunta namin sa medyo gitna, napansin namin yung dalawang tao na nakatayo dun. So ano nanaman ito?
"Ano ba Jayson. Sasapakin na kita eh. Bayaan mo kung nagfi-film sila jan. Wala kang kinalaman jan at mas lalong wala ako pakialam."
"Tse! Para kang chix ah.. Batukan kaya kita. Haha!"
Binatukan ko siya ng mahina. Pagkatapos ay narinig ko yung mga sinasabi nung dalawang tao sa gitna. Isang lalaki at isang babae. Is it a confession? I guess so.
"Alice. I love you! Please go out with me!"
"...."
"Ikaw lang ang babae na nakapagpatibok ng puso ko ng ganito."
"Tigilan mo na nga yang ka-kornihan mo jan."
Wait lang.. Tama ba yung sinabi nung isa yun. Hah! Kawawa naman yung mokong na nanliligaw sa kanya. Oo, maganda nga siya pero ngayon ko lang siya nakita. Or wala lang talaga ako pakialam sa existence niya.
"Please go out with me. I'm serious!"
"Eh seryoso din naman ako ah. I don't give a damn, really. So can you please stop that? It's irritating."
"Ugh~"
Ayun! Bigo ang kumag. Pero wala akong paki talaga.
"Tara na nga Jayson. Wala naman tayong gagawin dito. Tsaka medyo maarte din yung babaeng yan eh. Kala mo napaka... eh basta. Tara na."
Hindi ko napansin na malakas pala yung boses ko. Bigla kasing nagtinginan yung mga estudyante sa akin. Lalong-lalo na yung.. anu ba yun? Ah, Alice.
"Ah.. eh... wala po." Lintek! Nakaka-nerbyos yung mga titig nila! Oh my God!
"Huh? Tama ba yung narinig ko? Isa akong maarte tska.. ano?"
Biglang tumigil yung mundo ko. Here it comes. Takte ayaw ko talaga ng ganitong mga sitwasyon.
"Hoy! Kinakausap kita!"
Biglang lumapit si Alice. Awsheet!!
"Ah.. Alice, ah pasensya sa kaibigan ko. Siguro naawa lang siya dun sa lalake eh. Ah, alis na kami. Tara na Chrome." nagpapalusot na si Jayson. Salamat pre.
"Tara.." sabi ko ng mahina. Talagang hiyang-hiya na ako. Sobrang pinagtitinginan na talaga ako eh. Ang dami pang mga babae sa paligid.
"At san kayo pupunta?" tanong ni Alice.
"Eh? Babalik sa classroom. Tara na Chrome."
Nagsimula na kaming maglakad pero bigla kaming hinarangan ni Alice. Ayyy!!
"Wag ka ngang makialam kung sino ka man. Kausap ko yang kasama mo diba?"
"...."
Oh hindi!! Nanahimik na si Jayson. Lintek talaga!
"A...alis na kami." Napilitan na akong magsalita dito.
"Diba tinatanong kita kung anung sabi mo kanina?"
"...." I don't intend to reply to her anymore kaya naglakad na ako paalis pero...
"Sandali lang..ah---"
Nung hahawakan sana ako ni Alice sa braso para pigilan ako, bigla siyang natapilok nung lumapit siya sakin. Syempre hindi ako papayag na sa akin ka matumba... unggoy ka..
"..Uh!"
Pero epic fail ako sa pag-ilag. May kanto pala sa pwesto at sa kamalasan ay natumba ako paatras... at ako ang naging landing ng katawan ni Alice.
"Uhh.. uhh.."
This is the worst scenario! Ako yung nasa ilalim tapos si Alice nakapatong sakin. Para kaming nakahigang magkayakap. Tapos..
*flash*
*flash*
*flash*
Mga flash ng kamera na sa amin nakatutok! Holy madafa....!
"Ah! Tigilan niyo yan!"
Napatayo na si Alice at tinignan ako ng masama bago umalis ng pulang-pula ang mukha sa kahihiyan. Ako natameme lang. No reaction. Sarap manapak ah!
"Ayos yun ah!"
"Galing, galing!"
"Mukhang isang malaking balita ito haha!"
Mga side comments na naririnig ko. Lagot na! Anung kamalasan itong napasukan ko!
Chapter 2: The Rise of.. Me??
- Spoiler:
- Dahil sa nangyari nung nakaraang araw, halos naging kilala ako sa buong campus. Astig ba? Hindi eh. Pag meron akong nakasalubong na estudyante, nagngingitian sila tapos biglang magbubulungan pero rinig ko naman. Ano kaya yun?!
"Ah! Hindi ko ginusto yun!"
Hindi ko napilitan na hindi sumigaw dahil sa mga mali nilang mga sinasabi tungkol sa akin. Trip ko daw yung Alice na yun? So what kung campus queen siya. It doesn't mean na may title siyang ganun eh mabibighani at mahuhulog ako sa kanya. I don't care!
"Pakibalik yung pagiging low profile ko!"
"Hey! Chrome! Wag kang masiraan ng ulo." sabi ni Jayson.
Nasa cafeteria nga pala kami at kumakain ng tanghalian. It's been a week since that incident. Medyo parang iba yung tingin na sakin ni Jayson pero ewan ko ba.
"Brad. Paano naman kasi eh masyadong naging kilala yung name ko dito sa campus. Nakakahiya. Sobra. I want to stay being low profile. Dahil dun sa lintek na unggoy na yun, heto ang bilis ng pagbabago sa paligid ko."
"Kaya nga eh. Idol!"
"Tignan mo nga! Pati ikaw! Sapakin kita jan eh."
"Haha. Sino ba namang hindi matutuwa sa iyo. Ah! Heto nga pala."
Biglang kinuha ni Jayson yung cellphone niya at ipinakita sa akin yung picture namin ni Alice sa courtyard.
"Alam mo bang kalat na kalat itong picture na ito. Ang galing pa nang pagkakakuha. Akala mo talagang mag-on kayo oh! Sobrang sweet!"
"Ahhhhhhhhh!! Burahin mo yan!"
Habang nagkakalokohan kaming dalawa, hindi namin namalayan na nawala yung ingay sa cafeteria. Napalitan ng bulungan. Tumahimik ako. Napansin kong nakatingin sila sa aming direksyon. Sa akin. Holy crap! Ano nanaman kaya ito?!
"Hindi naman siguro tamang sumigaw ka dito sa cafeteria no?" sabi ng isang babae sa likod ko.
Nung nilingon ko para malaman kung sino yun, ay malas nga naman talaga. Si Alice the monkey.
"Alam mo ba dahil sa ginawa mo, mas lalong lumala yung sitwasyon ko?"
"...."
"...Chrome?" napatunganga na si Jayson.
Heh? Ang tapang mo ah? Paki ko sa sinasabi mong sitwasyon?
"Halos magkagulo yung mga lalake sa classroom ko. Pati ibang section at year, pinuntahan ako sa room. Ayun ay para lang itanong kung anong relasyon ko sa iyo. Alam mo bang nakakapikon yun?"
"....S-shu-"
"Huh? May sinasabi kaba?"
Ang tigas mo ding babae ka. Ayaw kong makipag-usap sa iyo pero mukhang mapipilitan ako ah. Sinabi ko na iniwasan kong makipag-usap sa mga babae dahil sa may nangyari sa akin nung nasa elementary ako. Oo. Halos parang ganito yung sitwasyon na yun.
"Oh? Tameme ulit?"
Nakakahiya na ito. Nakatingin na sa amin lahat ng estudyante sa cafeteria. Pati yung mga ale na nagtitinda ng pagkain namin. This is a really worst situation for me.
"Will you just freaking shut up!"
"A-ah?" nagulat si Alice sa kanyang narinig.
Lalong nagkagulo sa cafeteria. Mas lumala yung bulungan ng mga ugok. Rinig ko pa. Bulungan pa ba yun?
"Narinig mo ba yun?"
"Ang lupit ni idol."
"Ngayon ko lang narinig magsalita si Chrome ng ganun."
"Medyo kilala siya sa pagiging cold daw sa mga babae eh."
Mga bulungan niyo rinig ko mga dude! Pakihinaan naman at ako'y hiyang-hiya na dito.
"H-how dare you shout to me like that?!" napasigaw na rin si Alice.
Hindi ko sinasadya sorry. Kasalanan mo yan. Kaya ayaw kong makipag- ah?
"You i..idiot!" at tumakbo siya palabas ng cafeteria.
Heto na! Mas lumala na ang sitwasyon. Kung anu-anong mag side comments na ang aking naririnig ko sa paligid. Packing sheet of paper!
"Chrome... ang lupit mo!" tuwang-tuwa si Jayson sa akin. "Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang lalake na ganun ang pakikitungo sa kanya? Dude! You're great! Ako hindi ko kayang gawin yun. Baka gustuhin ko pa ngang sigawan ni Campus Queen eh."
"Hay... Lumala na ang sitwasyon ko..."
"Hindi ah! Mas sisikat ka na talaga niyan! Haha.."
"Eh ayaw ko nga ng ganun diba?"
"Gusto mo palit tayo ng sitwasyon?"
"Tara ba?"
"Kaya mo yan."
"Ahh!! Ano na ba talagang nangyayari sa akin!"
Lalong lumala ang sitwasyon ko. Hindi ko na kayang ibalik pa sa dati itong lagay ko. Eh! Bahala na si Batman!
Chapter 3: Chrome Axel Estolano
- Spoiler:
- Alasingko na ng hapon. Kakatapos lang ng huli namin subject at heto ako ngayon, nag-aayus ng gamit ko. Nauna ng umuwi si
Jayson kasi meron siyang part-time job. Ako wala eh kaya parelax-relax lang. Dito sa St. Therese University, puro mayayaman
ang mga estudyante dito. Si Jayson mayroon siyang scholarship kaya libre ang pagpasok niya dito. Ako? Hindi naman sa
pagmamayabang pero mayaman ang mga magulang ko. Magulang ko ha? Ni minsan hindi ko tinuring kayamanan ang mga kayamanan
nila. Ang tatay ko ay CEO ng isang kumpanya. Hindi ko na sasabihin kung ano dahil medyo nahihiya ako. Haha ang kapal naman
ng face ko.
"I'm going na.." sabi ko sa sarili ko. Yung mga classmates ko nagtinginan sakin nung tumayo na ako sa upuan ko.
Oo. Ganun parin ang sitwasyon ko. Mas lalo ngang lumala eh. Yung mga classmates kong babae pag nalingon ako sa kanila bigla
silang umiiwas ng tingin sakin. Ayos sakin yung ganung reaksyon pero habang tumatagal eh pakiramdam ko parang napakasama
kong tao. Yung mga lalake naman, eh parang umiiwas din sakin. Ano ba ginawa ko sa kanila? Minsan nga narinig ko yung mga
bulungan nila na dapat daw malasin sana ako. Huh? Selos ba sila? Dapak! Eh hindi ko naman kasalanan yun eh.
Naglakad na ako palabas ng room. Iniwan ko na sila dun.
"Mr. Estolano!" sigaw ng isang professor. Nung nilingon ko kung sino, si Ms. Rivera lang pala. Siya ang prof namin sa
English. Magaling siyang magturo at... medyo mainit sa daw siya sa mata sabi ng mga classmate ko. Hindi ko alam kung anung
ibig sabihin nila pero I don't care a bit about it. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.
"Mr. Estolano! Stop!" pag-pigil niya sakin. Tse!
"...." wala akong magawa kundi ang tumigil na.
Maya maya ay nasa harapan ko na si Ma'am. Kahit professor namin na mga babae, hindi ko magawang kausapin sila ng maayos.
"May mga naririnig akong mga balita tungkol sa iyo. Alam kong isa kang estudyante na hindi kumikibo man lang pag kinakausap
ng mga babae. Pero hindi ko maisip na magkakaroon ng mga balita tungkol sa iyo. Yung iba hindi magaganda. Kaya bilang
Adviser niyo, pwede mo naman sabihin sakin ang mga problema mo." mahaba niyang paliwanag.
"...."
"I will not able to help you if you insist on keeping silent..."
"....W-wala.."
"Wala?"
Hirap ng buhay ah. Talagang insisting ang mga nilalang na tinatawag na babae. Ano ba problema nila?
"Wala naman pong problema.."
"Oh?"
"Baseless rumors lang po iyong mga iyon. Alis na po ako." at pinagpatuloy ko na ulit ang aking paglalakad.
"Sandali lang.." hindi na ako hinabol ni Ma'am pero sa tingin ko wala na rin siyang balak na habulin pa ako.
Sa bahay.
Pumasok na ako sa kwarto ko at binagsak ko ang bag ko gilid ng aking higaan. Humiga ako sa kama ng naka-uniform pa rin.
Huminga ako ng malalim at hindi nagtagal ay nakatulog ako ng hindi ko napapansin.
"U-uh?.." minulat ko ang aking mga mata. 6:30PM na pala. Matagal-tagal din pala akong nakatulog. Hindi ako tumayo sa kama
dahil tinatamad pa ako. Ng lumipas ang ilang minuto ay biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Bukas yan."
Bumukas ang pinto ang pumasok si Ate Marjorie.
"Ate?"
"Kanina pa ako kumakatok dito. Sabi kasi ni yaya nakauwi kana kaya sinubukan kong i-check ka sa room mo. Natutulog ka lang
pala."
"Ah. Sorry. Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan." napakamot ako sa ulo.
Ang ate kong si Marjorie ay senior ko sa university. Second year ako, third year siya. Parehas business management ang
kinuha naming kurso. Si ate gusto niyang ipagpatuloy yung nasimulan ni daddy. Ako, wala akong trip. Si mommy, painter siya.
Marunong akong gumuhit kaya sa tingin ko namana ko yung skill ni mom. Sa itsura, maganda si ate. Ang dami ngang nanliligaw
sa kanya sa school eh. Ka-level niya sa looks si unggoy pero pag-dating sa ugali, mas maabit si ate. Sweet pati siya.
Wait.. Parang exaggerated masyado yung mga pinagsasabi ko ah? Eh sa totoo naman lahat yun ah?
"Kamusta naman ang school?" tanong niya sa akin. Once in a week tinatanong niya sa akin yung question na yan. Alam niya
kasi yung sitwasyon ko.
"Ayus lang. Hindi ko pa rin magawang kausapin sila ng maayos. Phobea na ata ito."
"Hehe. Kung ako sa iyo, kahit paminsan-minsan susubukan kong makipagusap sa kanila."
"Ate?"
"Oo. Para masanay ka. Kaw kasi eh. Hindi mo sinusunod yung mga payo ko sa iyo."
Madami ng payo sakin yung aking ate. hindi ko lang talaga sinusunod. Hindi ko kaya eh.. (baka ayaw ko lang? haha)
"Nakahanda naba yung hapunan ate?" pagpapalit ko ng topic.
"Ah! Oo nga pala. Nalimutan kong sabihin sa iyo. Sa labas muna tayo kakain. Si dad at mom, mamaya pa sila dadating sabi
nila sa akin. Sinabi ko kay yaya na sa labas tayo maghahapunan."
"Huh? Baka may luto ng ulam. Sayang naman."
"Hindi. Ayos lang yun. Papainitan nalang bukas ng para may lunch tayo. Di ba?" sabay tawa si ate ng mahina.
"Uh.. okay? Eh saan naman tayo kakain niyan? Ayaw ko sa mga fastfood restaurant huh?"
"Hindi naman tayo dun eh. Hehe. May ni-recommend sa akin si Tisha."
Si Tisha. Yung bestfriend ni ate. Uhm.. Ayaw ko sa kanya. Kasi kapag bumibisita siya dito, palagi nalang niya ako ginugulo.
Katulad ng tanong ng tanong kahit alam niya na hindi ko siya sasagutin.
"At ano naman kaya yung ni-recommend niya sa iyo?"
"Chili Kainan!"
"...."
Parang may nararamdaman akong kamalasan ngayong araw na ito ah?
- ShitoriStraw Hat Pirate
- Posts : 31
Points : 81400
Coins : 19730
Join date : 2014-02-01
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Fri Feb 14, 2014 12:43 pm
edi ako campus king /dp
- MikasachiTNMAA FinesT
- Posts : 5893
Points : 99933
Coins : 9319
Join date : 2013-02-23
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Fri Feb 14, 2014 1:23 pm
Parang astig to ah. Babasahin ko to next time
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Wed Mar 05, 2014 2:09 pm
so much for the get go.. well i need to update this.. sensya na po kung medyo matagal..
tinatapos ko pa yung isa kong story eh (wala dito)
malapit na kasi.. nagmamakaawa na yung mga friends ko na tapusin ko na kaya.. yun tinutuloy ko na.. i will update this for the following week i guess =)
tinatapos ko pa yung isa kong story eh (wala dito)
malapit na kasi.. nagmamakaawa na yung mga friends ko na tapusin ko na kaya.. yun tinutuloy ko na.. i will update this for the following week i guess =)
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Chapter 4 na daw..
Thu Mar 06, 2014 10:41 am
Okay! Dahil napa-aga sa update.. wala na tayong magagawa. Haha! Sorry kung medyo natagalan pero ito yung kasunod. Comments and criticisms are welcome!
Chapter 4: Alice Sidney Consolacion
Chapter 4: Alice Sidney Consolacion
- Spoiler:
- Buti na lang at uwian na. Kanina ko pa gustong umuwi dahil sa tamad na tamad na ako dito sa loob ng campus. Nanghihina na nga ako dahil sa kalalakad ng walang katapusan. Pero joke lang iyon. Sa totoo lang eh dahil dun sa kumag na lalaking iyon kaya ako tamad na tamad. Gusto kong sapakin sa mukha yung isang iyon. Napaka nya! Sobra! Akala mo kung sino! Hindi naman sa mapanglait akong tao pero kasi siya.... Eh! Makaalis na nga dito.
Nung tumayo na ako sa upuuan ko, biglang lumapit sa akin si Dianne. Siya yung pinakaclose kong classmate. Sa madaling salita, bestfriend ko.
"Tara. Sabay na tayong umuwi." pagaanyaya niya sa akin.
"Sige ba? Pero may pupuntahan ako sandali. Ayos lang ba sa iyo?"
"Okay lang. San ba?"
"Mag-sho-shopping lang naman ako. Hehe."
"Naku! Yang pashopping-shopping mong yan. Baka abutin tayo ng magdamag niyan ah?"
Oo. Alam na alam ni Dianne yung ugali ko pagdating sa shopping. Matagal akong mamili. As in matagal talaga. Ganun talaga eh. Fashion sense ba? Pero hindi ko naman papaabutin ng ganung katagal ang pamimili ko. Hiyaan nalang ng mukha.
"Hindi ah. Tara na."
"Sige na nga.."
Umalis na kami papuntang mall. May mall na malapit sa campus kaya ayos na ayos yung mga ganitong uwian. Like always, nagtitinginan samin yung mga tao. Mga model daw. Tss! Model? Haha. Thanks pero hindi po kami model. Estudyante lang po. Si Dianne natatawa nalang dun sa mga naririnig niya. Oo. Maganda si Dianne. She's not just pretty but also smart. Siguro kung lalake lang ako, baka niligawan ko na siya. Haha! Kakilig-kilig naman kasi siya kasama. Nayakap ko tuloy siya ng wala sa oras.
"H-hey?" nagulat siya sa ginawa ko.
"I love youuu~~~"
"H-haha.." natawa siya dun sa inasal ko. Ganito talaga ako kalambing kapag tinatamaan ako ng lovey-dovey mode. This is like a sickness to me pero hindi ko ito niri-reveal sa ibang tao. Only her and my family knows about it. Mahirap pigilan eh!
"S-sorry. Tinamaan nanaman ako ng sakit ko.."
"Heh? Ayos lang iyon." at nagpatuloy na kami sa aming misyon!
Pagkatapos magshopping...
"Naku naman Alice. Kala ko ba sandali lang tayo?" naka-pout na si Dianne.
"Ehehe. Sorry. Nadala lang ako ng shopping spirit ko. Sensya na huh? Sige what do you want? Para makabawi man lang ako sa iyo."
Sa totoo lang eh magse-seven na ng gabi. Ayos lang kasi sanay na si Dianne sa ganitong uwian namin kapag nagsho-shopping kami.
Nag-isip siya sandali at pagkatapos ay tumingin siya sa akin ng may ngiti sa kanyang mga labi. Pilyong ngiti yan ah?
"Okay. But you need to promise me something first."
"Uh?" ano kaya yung gusto niya? "Sige. What do you want?"
"There's a restaurant that piqued my interest. I want to go there and try their meals."
"Ookay?~ San ba yang restaurant na yan?"
"It's not that far actually. Pero you need to eat with me okay?" sabay tawa niya ng mahina. Brr.. Nakakaramdam ako ng takot sa mga sinasabi niya ah.
Oo nga. Malapit lang. Ilang minuto lang ang biyahe pag nag-taxi.
"Here we are!" sabay turo niya dun sa isang restaurant na.... halos masubsob ako sa paglalakad nung makita ko iyong pangalang ng resto ah..
"Chili Kainan? H-hoy.. Dianne.. Anong pumasok sa kokote mo at dito mo napagtripang kumain? Ang dami namang kainan dun sa mall ah? Bat dito pa?"
"Huh? Hindi mo ba alam itong lugar na ito? Sikat ito sa mga estudyante sa school. Masarap daw yung pagkain dito kaya naintriga akong pumunta dito. Tapos yung promise mo..." tapos yumuko siya. Sus! Paawa effect ka pa diyang nalalaman.
"S-sige na nga!" tsk! Sobrang bait ko talagang kaibigan aba.
Pumasok sa kami sa resto at sinundan ko siya sa napili niyang lamesa. Medyo may kalayuan din sa pasukan. Napansin ko lang. Ang laki naman nitong restong ito ah? Mukhang big shot talaga.
"Tara order na tayo? Waiter!" pagkaupo namin, tinawag niya kaagad yung waiter.
"Ano gusto mo?" tanong niya sa akin.
"Ah.. wait lang huh?" tinignan ko yung menu.
-Chilaquiles Verdes
-Spicy Barbeque
-Japanese Mum's Chicken
-Spicy Sesame Pork Soup with Noodles
Spicy..spicy.. Bat puro spicy? Wait. Oo nga naman. Chili Kainan nga pala itong pinasukan ko. May mga ibang country foods pa na nasa menu. Big shot nnga talaga itong resto na ito. Yung presyo.. Haha ang mahal.
"Sigurado ka ba dito Dianne?"
"Yes naman. Kaya nga kita niyaya dito di ba? Tsaka bilisan na natin oh. Baka abutin pa tayo ng syam-syam dito." at nagsimula na siyang umorder.
"Hmm. I'll take this Spicy Pork Ribs niyo. Tapos for drinks, coke nalang." sabi niya sa waiter.
"Ako heto nalang. Yung Chilaquiles Verdes. For drinks, coke na rin." ako naman ang umorder.
Inulit nung waiter yung mga inorder namin tapos umalis na siya. Antay lang daw kami ng 10 minutes. 10 minutes huh? Bilis nun.
After ng mga 10 minutes nga, dumating na yung order and bills namin.
"Enjoy your dinner ma'am." sabi ng waiter.
Natapos na kaming kumain. Ang anghang nung na-order ko. Kala ko mamamatay na ako kanina. Si Dianne tawa ng tawa sa expression ng mukha ko kanina. Si itsura niya, mukhang sanay na siyang kumain ng maa-anghang na pagkain. Lugi ako dun ah.
"Punta muna akong CR. Wait mo lang ako. Tapos uwi na tayo."
"Okay~" natatawa pa rin siya kahit pilit niyang itago. Tss. Nga naman talaga oh!
Tumayo ako at dumiretsong CR. Nasa may gilid lang siya ng pwesto namin kaya mabilis kong napansin na comfort rooms yung andun. Pagkaliko ko dun, hindi ko inaasahan na may makakabunggo ako. Natumba ako kasi malakas yung pagkaka-bunggo ko sa kanya. Malas naman. Ang sakit sa pwet kaya.
"Ouch. T-that hurts a lot..." nasabi ko nalang. Yung nakabungguan ko hayun at nakatayo. Matibay at hindi tumumba itong isang ito ah.
"S-sorry.." yun lang yung sabi niya. Tipid naman sa salita. Tss. Nung itinaas ko ang ulo ko para matignan kung sino man siya, nagulat ako. Siya! As in siya nga! Biruin mo nga at nagkasalubong pa kami dito!
"H-hoy! Ikaw nanaman? Sinusundan mo ba ako huh? stalker ka ba?" kung anu-ano na nasasabi ko tuloy. Eh sa mainit yung dugo ko sa kanya eh. Wala na akong magawa.
"...." at katulad pa rin ng dati. Tahimik lang siya at hindi kumikibo. Ganito ba talaga itong isang ito?
"Oh? Tahimik ka parin jan huh?" tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa sahig. Ang sakit talaga sa pwet!
"If you don't keep your mouth shut... I'm sure you'll regret it for your whole life.." halos nanginginig na siya sa.. galit? Wait. Wala naman akong ginagawang masama. Ikaw yung nakabunggo na nga sa akin, ikaw pa yung galit.
"A-ayos ka rin ah?! Kaw pa may karapatang magalit?!" medyo natatakot na ako. Hindi lang halata pero natatakot na talaga ako. Lalo na dun sa sinabi niya na I will regret it for my whole life daw. Brr.. Someone please help me!
"Chrome..?" isang boses ng babae.
"Ah..?" nawala sa boses niya yung pagkamasama. Naging medyo kalmado. Hmm sino kaya itong... huh? Bakit andito si Marjorie?
Upperclass ko siya kala kilala ko. Tapos sikat pa siya sa school.
"Alice?"
"Ah? Paano mo nalaman name ko?" natanong ko nalang bigla.
"Eh? Sikat ka kaya sa school. Halos lahat ng estudyante dun kilala ka." nangiti siya sa pagka-confuse ko.
"O-okay?" tumingin ako saglit dun sa kumag na ano nga bang name niya? Basta siya!
"Ah.. May narinig kasi akong nagsisigawan dito nung papunta palang ako kaya napatakbo ako. Kayo lang pala. Ehm.. Pasensya
ka na pala sa kapatid ko huh? Mahiyain lang kasi siya sa tapat ng mga babae." hinigit niya sa braso yung kapatid niya.
"A-ate naman? Tsaka... uwi na tayo. Hindi ko na kaya yung presence nila dito. I think I'm going to be sick."
"Ikaw huh?" binatukan ni Marjorie sa ulo yung si kumag.
"Mag-sorry ka Chrome.."
"P-pero ate.."
So Chrome pala name niya huh? Sa tingin ko narinig ko na pero nalimutan ko eh.
"Mag-sorry ka.." medyo dumilim na yung boses niya. OMG! I think I'm feeling the same fear like earlier.
"S-so..."
"Anong sabi mo?"
"Sorry..."
Hindi ko mapilit ang sarili ko na matawa. Ang kumag? Nag-sorry? Sa akin? Bwahahaha! This is very funny! Wait Alice! Pigil-pigil muna. Baka mahalata tayo niyan.
"Ah.. Ayos lang iyon. Sige ate Majo alis na ako."
"Ate Majo?"
"Ah.. sensya na. Yan kasi ang tawag ng mga classmates ko sa iyo eh. Napagaya lang."
"Haha. Kaya pala. Sa inyo palang mga juniors nagsimula yang tawag na iyan sa akin."
"Hmm. Ayaw mo ba?"
"Hindi. Cute nga eh~ sige sige. Baka gabihin ka pa uwi kana."
"Sige." nagwave ako sa kanya tapos sa huli, tinignan ko si Chrome. Tahimik siyang nakatingin sa sahig. Tapos yung mukha niya pulang-pula sa kahihiyan. Ayos! I feel so refreshed! Kala mo matibay ka? Ate mo lang pala katapat mong kumag ka!
Pagkatapos nung encounter namin sa resto ay umuwi na kami ni Dianne. May pasok pa kami bukas ng maaga. Hayz! Ang tagal mag Sabado!
- DaRlYDeath Note Holder
- Posts : 295
Points : 97606
Coins : 565
Join date : 2013-04-26
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Thu Mar 06, 2014 3:55 pm
pens.. unahin mo yung kwento nila althea at val !! hahaha :D vote ko si althea kaysa kay colleen!!! :D
- Iron59TNMAA FinesT
- Posts : 1896
Points : 105622
Coins : 265
Join date : 2012-12-28
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Thu Mar 06, 2014 4:29 pm
kaka hilo mag basa pero nice story :genuis:
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Wed Mar 12, 2014 11:52 am
phew... nagkamali ako dun sa name nung MC ko dito ah.. Steeve din yung nalagay ko.. eh chrome yung nakasave sa notepad.. buti nalang napansin ng mga classmate ko.. haha astig!! kaya itinama ko na.. about dun sa next chapter.. i'll post it nalang! thanks sa pagbabasa nito guys kahit gipit kayo sa time! hehe.. meron pa akong pinasahan nito kaso international kaya english version =)
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Thu Mar 20, 2014 3:21 pm
Haaaaaaa... Buti pa yung mga lower class ko, mga iba kong upperclass, and my other classmates from the other campus... HAA!!! Uuwi na sila bukas!! Ako hindi pa! Extended kami hanggang April 11. So sad! Sooo sad!!!!! Oh well! Bahala na si batman... Here's an update guys! Hope you enjoy a new character. She seems to have something for Chrome.. but what is it?
Chapter 5: Ready.. set... battle start!
Comment nalang kung may kulang or may mali! I-edit nalang haha..
Chapter 5: Ready.. set... battle start!
- Spoiler:
- Sabado!
Yes! Makakatulog na naman ako ng mahimbing dito sa bahay! Huwag lang sanang tatawag at mangulit itong si Jayson. May pagkamatigas din yung isang yun eh. Bumangon muna ako sa higaan ko dahil nagugutom na ako. Nung bumaba ako, napansin kong walang tao. Meron, yung mga katulong namin nag lilinis. Pero yung ate ko tsaka sina mommy at daddy wala. Nung pinuntahan ko yung refrigerator, nakita ko na may nakasulat dun na note. Galing kay mommy.
'Nak. Alis muna kami ng daddy at ate mo. Dito ka na lang muna sa bahay. Tutal matutulog ka lang rin naman.'
Ay kung talaga nga naman oh.. Swerte ba? Oo! Pumunta na ako sa may dining room. May nakahanda na dung pagkain. Yung personal maid ko na si Clarrise nag-aabang dun sa may tabi ng upuan ko. Oo. Personal maid. Gusto ni daddy. Ako ayaw ko.
Alam niyo naman siguro kung bakit. Ang problema eh si ate kasi. Talagang approve na approve. Nag thumbs-up pa nga kay daddy eh. Napagaya din si daddy sa ginawa niya. Weird nila nung araw na iyon. Bali two weeks palang siyang nagtra-trabaho bilang maid ko. Pake ko ba. Ni hindi ko nga pinapansin iyan. Kahit ilang beses akong kausapin, wala dedma. Napapangiti na lang siya sa ginagawa ko. Sa tingin ko napipikon din yun. Pero hindi naman siya pwedeng magreklamo dahil ayun yung trabaho niya.
Baka gusto niyang masipa ng wala sa oras.
"Sir. Kain na po kayo. Bagong luto lang po itong meryenda niyo." sabay ngiti niya. Hmm. Wala ako sa pwesto para sabihin ito pero... cute siya.. Wait! Lintek ano nanaman bang pumasok sa isip ko?!
"...." deadman reply. Hah! So what kung bagong luto? Hindi ko naman tinatanong ah? Tsaka wala akong pakialam kung ano man ang ihanda niyo. Hindi ako maarte sa mga ganyang klaseng bagay.
Umupo na ako at nagsimulang kumain. Normal american breakfast yung nakahanda. Hindi na ako nagmabagal at binilisan ko na rin ang pagkain ko. Gusto ko na talagang matulog ulit.
"Sir. Sabi nga pala ni Master na dalhin niyo po yung kotse na iniwan nung tito niyo. Nakaparada po iyon sa garahe. Iniwan nung tito niyo kagabi dahil hindi siya pinagdrive ni Master. Baka maaksidente pa dahil sa sobrang kalasingan." sabi ni Clarrise.
Napatigil ako sa pagkain ko. Tapos tinignan ko yung wallclock. 8:46 AM. Mabilis lang naman yung biyahe papunta kina Tito Jovit. Malapit lang sila sa university na pinapasukan ko. Pero ang kamalasan eh.. bakit ako pa? Tsk! Pwede naman si daddy ang maghatid nun ah? Ayy. Oo nga pala. May pinuntahan nga pala sila nina mommy at ate. Pero san kaya yun?
Tumango nalang ako. Tapos tumingin ako kay Clarrise. Kung magsasalita ako ngayon, ibig sabihin first time ko siyang kakausapin. Talo ako kung ganun. Papayag ba naman ako? Pero paano ko sasabihin yung susi. Siguro napansin niya yung iniisip ko kasi biglang may kinuha siya sa bulsa ng maid uniform niya. Inabot niya sakin yung susi ng sasakyan ni tito.
"Heto po yung susi."
Kinuha ko yun sa kamay niya. Kahit na ayaw kong magdikit yung mga balat namin eh wala na din akong magagawa. Hindi ako nandidiri sa kanila huh? Kung gusto kong hawakan sila or yakapin sila kayang kaya eh. Kaso ayaw ko lang talaga.
Tumango nalang ulit ako. Buti naman at marunong makiramdam itong isang ito. Hindi na kailangan ng usap-usap. Is she a psychic? I guess not. Tumayo na ako pagkatapos kong kumain. Iniwan ko na siya dun na nag-aayus ng pinagkainan ko. Bumalik ako sa kwarto ko para maligo at magsipilyo. Nang makatapos na ako, binuksan ko yung wardrobe ko. Wala akong pakialam sa fashion-fashion na sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Si ate napakahilig sa ganun. Kahit anu masuot ko ayos na yun.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na sa garahe. Pagkapunta ko dun, ay anak ng tinapa, andun yung Clarrise na yun. At nakapang-alis pa na suot huh? Bakit parang bihis na bihis itong isang ito? May date ba? Ano nanaman ba problema nito? These past two weeks hindi naman ganyan yung mga kilos nun ah? Si ate? Siya nanaman ba ang may pakana nito? Ayun lang ang pumasok sa isip ko. Yung isang yun lang naman ang makulit eh. Tinitigan ko lang ulit si Clarrise. Hindi yung masamang tingin. Yung tingin na nagtatanong ba. Nagets niya naman ata.
"Sabi ni Ma'am Marjorie samahan ko daw kayo ngayon." nagkatitigan lang kami after niyang sabihin yun.
"...."
Pumasok na ako sa sasakyan ni tito. Bigatin talaga yung isang iyon aba. Lamborghini Gallardo LP 560-4 Noctis ba naman. Mahilig ako sa mga sasakyan kaya alam ko yung model na ito. Ah! Bakit ang yayaman niyo?! Ah. Mayaman din nga pala kami.
Nung nakaupo na ako, sumakay na rin si Clarrise. Dahil sa sports car nga naman ito, dalawa lang naman ang pwedeng sumakay dito. Letse. Mukha ko siyang chicks tuloy. Ah! Naiirita ako ng walang dahilan. Sinarado na namin yung pinto at sinimulan ko na yung makina. Binuksan nung guard yung front gate nung nakita niya na papalabas na ako. Tinignan ko si Clarrise ng patago. Takte. Bakit ang ganda nitong isang ito? Parang one level below siya ni unggoy (Alice) pero maganda talaga siya eh.
Si ate at daddy talaga oh! Ngayon ko lang talaga napansin na maganda yung personal maid ko. Lalo na at naka-casual clothes pa siya. Parang may date ba talaga?
Nung nakalabas na ako ng residence namin, nakita ko na parang masaya si Clarrise? Problema nito? Parang ngayon lang siya nakalabas ah. Ang alam ko sa schedule niya, sa hapon siya pumapasok sa trabaho sa amin pag weekdays. May pasok kasi siya. Tapos sa weekends, full day siya sa sabado tapos half day sa sunday. Hindi siya dito natutulog sa bahay. Umuuwi siya pagkatapos ng trabaho niya. Hay naku. Baka bumigay yung wall ko nito ah? Pero hindi naman ata pwede yun. Yung boundary na yun ang magliligtas sa akin.
"Sir, ano po iyon?" sabay ngiti sakin ni Clarrise. At napansin pala ako nitong mokong na ito.
"Haa...." nagbuntong hininga ako. Kausapin ko ba? Hindi? Kausapin? Hindi?
"Sir?"
"Can you just shut up for a while?" okay. Mukhang hindi ko na talaga napigilan yun ah?
"...." nanahimik naman siya. Siguro natakot. Malamang. Ang ingay eh.
Pinagpatuloy ko nalang yung pagda-drive ko. Binuksan ko yung MP3 kasi masyadong tahimik na sa sasakyan. Mga slow rock yung kanta. Hindi ko alam yung mga title. Tagal naman ng biyahe na ito. Halos 15 minutes na akong nagmamaneho ah? Kung sabagay, mga nasa 20-25 minutes yung biyahe papuntang university.
Napansin kong may kinuha si Clarrise sa bulsa ng blouse niya. Hmmm. Cellphone. At Samsung Galaxy S3 pa talaga huh? Yaman mo naman miss. Hindi ko nalang pinansin yung ginagawa niya.
Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay nina Tito Jovit. Nagbusina ako kaso parang walang tao eh. Bumusina ulit ako. Pagkatapos ng ilang ulit ay biglang lumabas yung guard sa malaking gate ng bahay nina tito.
"Oh kayo po pala sir."
"Anjan ba si tito? Itong sasakyan niya pinababalik ni daddy."
"Si Sir Jovit? Umalis po siya sir. Kani-kanina lang."
"Ah. Sige ipasok ko lang itong sasakyan niya. Aalis na rin ako eh."
Sumilip yung guard sa loob ng sasakyan tapos tumango.
"Ganda naman ng ka-date niyo sir." sabay ngiti nung loko.
"H-huh? Eh.. Kasama ko lang iyan. Hindi ka-date. Sige na ipasok ko na ito."
"Ganoon po ba? Sige."
At binuksan niya na yung pintuan. Salamat naman at makakabalik na ako sa bahay. Kanina ko pa talaga gustong matulog.
Ipinasok ko na yung sasakyan at ipinarada sa garahe. Bumaba na ako pati si Clarrise. Napansin kong nakatitig lang sa akin si Clarrise. Hindi ko pinansin. Binigay ko yung susi ng sasakyan sa guard at nagpaalam na.
"Alis na kami."
"Sige po. Ingat kayo."
Nang saraduhan na kami ng pintuan, kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan ko si ate. Sinagot niya nung panglimang ring.
"Hello~"
"Hello ate."
"Oh~ Napatawag ka?"
"May gusto lang akong itanong sa iyo te.."
"Nu yun my little bro~?"
"Little bro ka jan.. Ano nanaman ba itong pinaplano mo huh?" sabay tingin ko kay Clarrise na ngayon ay nakatingin sa akin.
"Ah~? Nagets mo agad? Ang bilis naman nun? Hehehe."
"Ano nga yun te? Tinawanan mo pa ako.. Hmp!"
"Joke lang little bro~ Ah.. Gusto ko lang na may kasama kang ibang babae na kasing edaran mo. Para masanay ka lang. Yun lang. Tsaka kausapin mo naman huh? Nabalitaan ko sobrang dinededma mo daw siya eh. Sige ka pag hindi mo ako sinunod... magagalit na talaga ako sa iyo.."
"Ah.... eh...." hala! Ayaw kong magalit si ate sa akin. Masamang pangitain iyon!! "S-sige te. Subukan ko. Sige baka busy pa kayo nina mommy."
"Okay~" at pinutol niya na yung call.. Ah! Ate talaga aba!
"Ano....." sabi ko dun sa isa. Mahina lang para hindi nakakaasar.
"Hmm?" tumingin lang siya sakin.
"Eh.. pa--"
"Pa?"
"Pasensya kanina..." aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!
"Uh? Okay lang yun. Ano tara na ba?" bigla siyang ngumiti ulit sakin. Yan nanamang ngiting yan. Kanina ko pa napapansin na puro ngiti nalang ang pinapakita sakin nitong isang ito ah? May gusto ba ito sakin? Tss! Laban kung laban! Wala na akong pakialam!
"Ano.. ah.. bakit ka nga pala nagpalit ng suot mo? Pwede naman yung maid uniform diba?" sige lang! Ano pangontra mo dyan huh?
"Kasi sabi ng ate mo pag lalabas daw tayo wag yung maid uniform yung gagamitin ko. Pangit daw kasing tignan."
Si ate nanaman? Kahit talaga san ako pumunta ha? Tsk! Problema ito. Paano ko mapipikon itong isang ito ng hindi gagamit ng dahas? Wait.. sabi nila kapag daw pinagawa mo sa babae yung mga ayaw nila kapag magkasama kayo sa labas babagsak daw yung pagtingin nila sa inyo? Matesting nga...
"Gusto mo gala muna tayo?" namimilipit ako sa mga sinasabi ko dito ah? Lintek talaga! After those many years.. heto nanaman ako at makikipagcommunicate sa mga nilalang na tinatawag na babae. Ayos aba..
"S-sige!" aba at parang natuwa pa siya dun sa alok ko ah? Sige dun tayo sa Timezone. Tutal may malapit na mall dito.
"...tignan natin kung makakatagal ka.." sabi ko ng mahina.
"May sinasabi kaba?"
"! ah! Wala! wala.." nagpanic ako dun ah. Mabubuking kaagad.
At nagsimula na kaming maglakad papuntang sakayan ng taxi. Talaga nga naman aba. Bwahahaha! Mamilipit ka sa galit sakin Clarrise mamaya! Hahahahahahahaha!
Comment nalang kung may kulang or may mali! I-edit nalang haha..
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Tue Apr 15, 2014 12:26 pm
Hey guys! It's been a while.. Sa tingin ko panahon na para magupdate! Bwahahaha! Here's chapter 6.. enjoy niyo hehehe.
Chapter 6: Backfired
comment comment comment.....
Chapter 6: Backfired
- Spoiler:
- Nasa loob na kami ngayon ng mall ni Clarrise. Para sa malupit kong plano, kailangan kong maghanda. Card, check.. Money, okay lang.. Cellphone camera, syempre needed! Kailangan kong makuhaan yung expression ng mukha niya na sobrang pikon! Haha ang sama mo talaga Chrome!
"Bakit parang sobrang ngiti ka ngayon?" pagtataka ni Clarisse.
"H-huh?!" ay lintek na yan! "H-hindi ah.."
"Bakit ka nakangiti?" tanong niya. May pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Ay potek. Sarap nitong isako. Sawa na talaga ako sa mga ngiti nito sa totoo lang.
"Wala... wala iyon." hindi dapat ako mabuking dito.
"Sige." sabi niya pero meron paring pagtataka dun sa boses niya. So what? Wala ako pakialam.
Pinagpatuloy namin yung paglalakad sa loob ng mall. Maya-maya ay narating na namin yung Time Zone. Hehe. Commence plan 2.
"Tara pasok tayo dito." nauna na ako sa kanya. Bakit ko pa kailangan siyang antayin? Anu siya?
"...." medyo hindi siya kumibo pero sumunod parin siya.
Ano ka ngayon? Ha! Dito magsisimula ang lahat! Pumunta ako sa counter para bumili ng bagong card para sa kanya. Uubusin niya iyon syempre! Ng makabili na ako, nilapitan ko siya dun sa may racing area at inabot yung bagong TZ card sa kanya.
"Tara. Ano gusto mong unahin natin?" tanong ko with matching smile. Napansin ko bigla siyang namula nung napatingin siya sa akin ng diretsuhan. Problema nito?
"Uhm.." hindi niya alam ang gagawin! Hahaha! Ano ka ngayon?! "Try natin dito." at itinuro niya yung racing area.
"Sige." pumayag naman ako. Trashtalk mode aabutan mo sa akin. Nyahaha!
Umupo kami parehas. Magkalapit kami para kita ko kung paano siya maglaro at para narin maasar ko ng todo-todo itong isang ito. Labas muna natin camera!
*click*
"Uh?" napatingin siya dun sa cellphone na hawak ko. Yung mukha niya lalong namula.
"Ah? Ayaw mo ba?" syempre paawa effect ako. Puppy eyes ba? Huwag na! No need for that.
"H-hindi.. P-para kasing...."
"Para kasing?" pagtataka ko.
"Para kasi tayong nagde-date..."
"...." kung titignan ko sa perspective ng iba.... Ay! Nalintikan na! Hindi man lang pumasok sa isip ko yung sitwasyon na ito.
"H-hindi ah. Pambawi ko lang ito dun sa mga nagawa ko sa iyo. (dahil sa gusto ni ate maswerte ka..)"
"Huh? Ano yung huli mong sinabi?"
"Ah? Pambawi sa mga nagawa ko sa iyo na pag-snob." tsk! Mabubuking pa ata ako nito ah? "Tara. Laro na tayo."
"Okay~" masaya niyang sabi. At dahil dun sa ipinakita niyang ngiti, halos nagkatinginan sa kanya yung mga taong napapadaan. Paano ba naman kasi yung ngiti niya eh.... ayaw kong sabihin!
"Tsk!"
"Huh?"
"Wala! Game!"
"O-okay.."
At nagsimula na kami. We swipe our cards at isinet yung game sa two players. No mercy ang gagawin ko.
Sa una, maayos yung pagpapatakbo ko ng sasakyan. Haha! Iwan siya eh!
"Paano ba yan? Malayo na agwat ko sa iyo?" sabi ko sa kanya. Huwag muna trashtalk.
"...."
Natapos yung game... syempre... talo ako...
"Ah?"
"Yay~ I won! I won!" ngiting ngiti siya dun sa pagkapanalo niya.
Wait! Wait! This is not right! Bakit ako natalo. Nung una ang layo ko sa kanya tapos maya-maya andun na siya sa likod ko. Grabe tapos wala pang sablay yung mga pagliko niya. Perfect lahat! Argh! Nakakahiya!
"O-oo nga eh. Galing mo pala.." pero sa kaloob-looban ko halos batukan ko siya sa isip ko.
"Hehe. Dati kasi madalas ako sa mga ganitong lugar."
Huh?! Madalas? Anong pinagsasabi nitong isang ito?
"Madalas? Bakit naman?"
"Past time ko lang. Kasi boring ang mga oras pagkatapos ng school kaya sa mga ganitong gaming area ako tumatambay kasama yung mga iba kong classmate na babae." sabi niya.
"...." lagot.. Mukhang malilintikan ako ah. Wala na rin atang kwenta yung pagkuha ng picture ng mukha niya na napipikon. Hala Chrome? Paano na? "O-okay! Sa arcade naman tayo." pero hindi ako susuko! Malay mo hanggang racing lang siya?
"Okay~" tapos sabay ngiti niya. Yung ngiti nanaman niyang nakaka-attract ng madaming tao. Oo. Madaming tao na nakapalibot sa amin. Tsk! Ang daming babae naman. Paano ako makakaalis dito? Argh!
At mukha naman ata akong napansin ni Clarisse kasi bigla niya akong tinanong.
"Uh.. Chrome? Bakit parang bigla kang sumiryoso?"
"...."
"Ah..." sabi niya. Bakit parang alam niya yung pinoproblema ko?
Tumayo siya dun sa upuan tapos hinawakan ako sa kamay ko.
"!" nagulat ako dun ah.
"Tara~" at hinila niya ako patayo. Yung mukha ko parang nalugi sa bentahan. Paano ba naman eh hawak-hawak niya yung kamay ko. HAWAK-HAWAK talaga! Gusto ko sanang higitin pero ang higpit nung pagkahawak niya.
"Excuse me.." sabi niya dun sa mga taong nakapalibot sa amin.
Nagbigay naman sila ng daan. Naririnig ko yung mga bulungan ng iba. Mga babae.
"Ay! Mag-on pala sila. Kala ko friends lang."
"Ang cute nung guy! Pero pretty din yung babae kaya bagay sila."
"Picturan natin! Mukha silang mga artista!"
Oy! Oy! Bawal picture! Huwag nga kayong papansin mga babae kayo.
Nung makalayo na kami sa mga iyon, umupo muna ako dun sa bench na malapit sa kinatatayuan ko.
"Hindi pa tapos ang lahat...." bulong ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka?"
"Ah?!" napasigaw akong bigla.
"Ayy. Bakit ka naman sumigaw?" nagpout siya. At may paganyan-ganyan ka pang nalalaman huh?
"Ah eh.. kasi sobrang lapit ng mukha mo sakin. Nagulat lang ako."
Malapit talaga. As in napaka! Yung bang konting forward lang ng mukha ko eh mahahalikan ko na siya. Hindi naman ata pwede iyon?
Bigla namang siyang lumingon sa ibang direksyon. Tapos yung pisngin niya namumula. Napahiya siguro. Well whatever. Time for another action!
"Dun naman tayo.." tinuro ko yung arcade. Tekken 6.
Tumango siya at naunang pumunta dun. Sumunod na rin ako. Gusto ko na talagang maasar itong isang ito eh.
"Game!" sabi niya.
"...."
Nagsimula na ulit kami. This is round 2. Pagkatapos ng ilang games, mga sampu ata, ay sumuko na ako. Paano ba naman ako hindi susuko eh parang ayaw niya akong panalunin. Zero out of ten yung score ko. Grabe na ito! Bakit ako yung natatalo hindi siya? At wala pa akong panalo. Kanina muntik na pero natalo pa din. Walang kwenta yung pag-gamit ko kay King yung pinakabihasa akong gamitin. Siya kahit sino ginagamit niya eh. Pero puro babae nga lang. Sa pangalawang pagkakataon, natalo nanaman ako at madami nanamang mga tao sa paligid namin. Bakit gusto nila kaming sundan? Ano ba gusto nila? Kung paano ba maglaro si Clarrise? Kung paano ba ako mabugbog? Or both?
"T-talo nanaman ako."
"Hehe. Paborito kong game kasi ito."
"!" ay tinamaan ng! Biglang pumasok sa isip ko ang isang katanungan. "Ah.. Clarrise?"
"Yes?" Tumayo na kami parehas. Pinilit kong umalis dun sa mga taong nakapalibot sa amin at nakalabas naman ako ng maayos.
"Halos ba lahat ng laro dito.. nalaro mo na?"
"Uhm.. hindi naman lahat.."
"Ano pa yung hindi mo nalalaro?" sabihin mo na! Para matalo na kitang babae ka!
"Yung mga shooting games."
"!" oh yeah! Kung saan pa ako nagdodominate! Sakto ito! Time for trashtalk baby! "Tara. I-try natin."
"...Sige." parang nag-dalawang isip siya pero pumayag pa rin.
Pumunta kami dun sa Zombie Apocalypse na shooting game. Nang nilingon ko si Clarrise, yung mukha niya parang biglang naging pale yung kulay. Haha! Natatakot siya!
"Game?"
"E-eh? H-hindi ako... hindi talaga ako sanay sa mga ganyang games eh.."
"Sige na.. Minsan lang naman ito oh."
Nagswipe na ako. Kinuha ko yung card niya sa kamay niya. Hindi sapilitan huh? Sobrang sama ko na talaga kapag ganun. Siniwayp ko na rin yung kanya. Binigay ko sa kanya yung baril na nakasabit dun sa may gilid. Kinuha ko na rin yung sakin pagkatapos kong ilagay sa bulsa ko yung mga cards namin.
"Yan. Start na siya."
"...Eh? Eh?" gulong-gulo siya. Hindi niya alam gagawin dun sa baril. Ang cute niya ngang tignan eh. Ay este, ang gulo niyang tignan.
Hindi ko na siya pinansin at naglaro na ako. Naka-easy lang yung mode para madali.
Natapos yung game. Si Clarrise kawawa naman. Napuntirya nung mga zombies. Ako pa-easy-easy lang hehe.
"Hehehe." natatawa talaga ako dun sa nangyari. Sobra!
"Tawa ka pa diyan.." nagpout nanaman siya. Haha! Sorry pero nakakatawa talaga yung nangyari sa iyo eh.
Nakasimangot na siya pero hindi nagtagal natawa rin siya. Huh? Masaya ka ba dun? Pinagtatawanan kita (yung normal, hindi OA) pero masaya ka? Dapat mapikon ka hoy!
"Hehehe." tuloy pa rin siya sa mga giggles niya. Yung mga tao na napapadaan sa likod namin tumingin sa amin. Ay! Heto nanaman. Bago pa kami palibutan ay hinila ko na siya palabas ng TZ.
Nang makarating kami sa may rest area, umupo kami parehas sa isang bench.
"Ehem.."
"Oh?" sabi ko.
"Yung kamay ko.. hawak-hawak mo eh.."
Ay tinamaan ng!
"!" binitawan ko kaagad yung pagkakahawak ko sa kanya.
Yung mukha niya, pulang-pula nanaman. Ano ba ito! Palpak na nga plano ko, nahawakan ko pa kamay niya ng hindi ko man lang namalayan na ginawa ko! Ang lupit mo talaga Chrome!
"T-tara. Uwi na tayo." sabi ko. Hindi ko na kaya yung mga nangyayari. Baka magcollapse na ako sa sobrang kapalpakan ko.
5:45 PM. Nasa bahay na kami parehas. Si Clarrise kaya lang umuwi dito ay para kunin yung bag niya. Sa expression ng mukha niya dun sa taxi kanina, hindi ko alam pero ang saya-saya niya. Takte! Siya masaya tapos ako sobrang palpak at nanlulumo sa kamalasan ko. Eh sino ba namang hindi manlulumo kung yung gusto mong asarin ay imbis na maasar ay masaya pa mismo? Hayy...
Nakaupo ngayon ako sa sofa sa may living room. Si Clarrise lumabas na dun sa kwarto niya dala yung bag niya. Nung malapit na siya sa pwesto ko, bigla siyang tumigil sa harapan ko. Ano nanaman ba kailangan mo? Please naman. Ayaw ko na. Hindi ko na kaya.
"Uhm... Chrome?"
"...."
"Chromeee~"
Tinignan ko siya. Yung normal stare lang.
"/////" nanahimik siya. At bakit may blush effect pa itong isang ito? "Ah...aalis na ako.."
"...Okay." tapos tumingala ako. Yung dalawa kong braso nakapatong dun sa backrest nung sofa.
"...." tahimik lang siyang nakatayo dun. Anong inaantay nitong isang ito? "..A-ano.. ah.."
"Hmm?" tinignan ko ulit siya.
"P-pwede mo ba akong sama... wag na pala.. Sige alis na ako. Bye.." umalis na siya pagkatapos nun. Bakit parang biglang lumungkot yung isang iyon? Wala naman akong ginagawa ah? Tsaka hindi pa nga niya sinasabi yung sasabihin niya eh. Sus. Mga babae nga naman talaga oh.. Makaligo na nga!
comment comment comment.....
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Sat May 24, 2014 2:17 pm
Hmm.. matagal ko ding hindi na-update ito ah..
Okay! Chapter 7 is out.. medyo natagalan.. busy sa work sa barko eh haha
Chapter 7: Real Personality
Comments, suggestions, criticisms are all welcome!!!
See you next time ulit haha
Okay! Chapter 7 is out.. medyo natagalan.. busy sa work sa barko eh haha
Chapter 7: Real Personality
- Spoiler:
- "Yo! Uwi na tayo!" sabay palo sa balikat ko ni Jayson.
"At nakapalo ka pa talaga huh?" hindi ko napigilan na paluin din siya sa balikat.
Habang naglalakad kami palabas ng campus, bigla namin nakita yung mga tao na nagpupulong sa may gate. Mukhang may palabas nanaman ata dun ah. Syempre si Jayson tinulak ako papunta dun kasi napansin niya na iiwasan ko yung lugar na iyon. Talaga naman oh!
"Ano nanaman kayang palabas ngayon? Haha!" sabi ni Jayson habang nakikisiksik sa mga tao.
Ako nakatayo lang at walang pakialam sa mga nangyayari. Hindi naman ako yung type na madaling ma-curious. Pero nawala yung pinagmamayabang kong walang pagka-curious nung marinig ko yung mga sinisigaw nung mga estudyante.
"Sagutin mo na siya!"
"Oo nga oh! Ang cute pa naman niya!"
"Go Clarisse go!"
Clarisse? Baka ibang Clarisse yun. I don't need to assume pero I need to check para sure. Hindi ako curious! Gusto ko lang i-check okay?!
"Uh..A-ano.." sabi nung Clarisse.
"...." wait. Bakit kaboses niya yung Clarisse na kilala ko. D-don't tell me?
Nung sinilip ko kung sino yung nasa gitna nung crowd nakita ko si Clarisse. Si Clarisse mismo!
Dito pala pumapasok iyong isang iyon. Pero bakit naman siya pumasok bilang maid namin? Este maid ko pala mismo? Eh sa mga mayayamang estudyante at mga scholar yung campus na ito? Ah. Hindi ko nga pala alam kung mayaman siya oh scholar no? Bahala na. Makaalis na nga at baka makita pa ako niyong isang iyon. Baka kung ano pa isipin niya.
"Ah!" biglang napasigaw si Clarisse kaya natigilan ako sa paglakad ko. Pero nakatalikod na ako. Hindi naman niya siguro ako nakita ano?
"C-Chrome!" at sinigaw niya yung name ko. Grabe ah! Talagang ako pa.
Syempre hindi ko pinansin at tinuloy ko na yung pag-alis ko. Pero nagulat ako nung bigla siyang tumakbo palapit sakin at hinawakan ako sa kamay ko. OMG!
"...." takte wala akong maisip na gawin! Masyadong nakakaloko ito!
"A-ano.. ah..." hindi rin niya maisip yung sasabihin niya. Sa huli bigla siyang nagsalita. "Sorry pero devoted ako kay Chrome...." at biglang tumahimik ang buong paligid. Yung mga estudyante halos hindi makapagsalita sa narinig. Lalo na yung nanliligaw ata sa kanya. Ako? Nanginginig sa kahihiyan. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa sitwasyon na ito. Nakakapikon na ahhhhh!
"Wooooooooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!!" biglang nagsigawan yung mga estudyante. Yung mga babae nagtilian. Ay lintek. Ano nang iniisip niyo ha?!
"Ayos yan vice-pres!"
"Confession moment talaga haha!"
"Grabe ka Chrome! May tinatago ka palang sikreto sakin loko ka!" kilala ko kung sino sumigaw nun. Si Jayson.
Dahil sa sunod-sunod na mga komento, napilitan akong higitin palayo si Clarisse. Kailangan ko siyang kausapin. Hindi maari yung ginawa niya. Nung nakalayo na kami, tumigil na kami sa pagtakbo. Hingal ng hingal si Clarisse. Well, sorry kasalanan mo eh. Magtiis ka dyan.
"P-paano ko ba sisimulan ito?" sabi ko habang nagkakamot ako ng ulo. "Bakit mo ba ginawa iyon? Tsaka anong d-devoted yung pinagsasabi mo kanina? Ha?"
"A-ano.. kasi.. may nanliligaw kasi sakin eh. Tapos ang daming tao na nagchi-cheer. Hindi ko masabi na sorry katulad nung mga sinabi ko sa ibang manliligaw. No way out na ako eh...." nakayukong nagpaliwanag si Clarisse.
"...." tahimik na tinignan ko si Clarisse. "Bakit mo pala tinago sa akin na dito ka nag-aaral. Tapos anong vice-president yung pinagsasabi kanina?" wala talaga akong alam tungkol sa kanya kaya napilitan akong magtanong.
"Ah.. yun ba?.." hindi siya makatingin sa akin ng diretso. "Student Council.. Ako yung vice-president..."
"A-ah? Eh?" nagulat ako dun. Ang alam ko, ang SC ay kino-compose ng mga mayayamang tao. Kung nakasali si Clarisse dun meaning ay... "B-bakit kita naging personal maid kung isa kang... isa kang... isa kang mayaman?!"
"Y-yun ba? Eh.. nakita kasi ako ng ate mo.."
"Tsk!"
"Eh?
"Ah. Wala, wala! Tuloy mo lang."
"O-okay. Nakita kasi ako ng ate mo na lagi akong nakatingin sa iyo. T-tapos nilapitan niya ako. Nagulat nga ako nung lumapit siya sa akin."
"Si ate talaga..."
"Tapos tinanong niya ako kung gusto ko daw na.. na mapansin mo..." tumingin siya sa akin ng panandalian pero iniwas niya yung tingin niya after.
"...." hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Bilib din ako dun sa ate ko aba. Ang daming alam. "Tsk! Hindi yan yung isyu ngayon na pinoproblema ko. Paano na yung sitwasyon ko sa campus? Takte! Nagpapaka-low profile na nga ako eh wala din naman palang kwenta."
"S-sorry.."
"Wala. Kahit mag sorry ka hindi na mababalik yung katahimikan na inaasam ko. Paano na yan ha? Anong gagawin mo?"
"S-sorry.. *hic*"
"Wala iyang mga- wait.. umiiyak ka ba?"
"*hic* H-hindi ah.."
Ayaw ko pa naman na makakita ng umiiyak na babae. Hindi ko gusto yun eh. Kahit na umiiwas ako sa kanila, hindi naman talaga ako galit. Ayaw ko lang talagang makipagusap sa kanila.
"S-sorry. Sorry talaga." lumapit ngayon ako kay Clarisse at.... sinuklayan ko siya sa buhok. Ito lang alam kong gawin sa mga ganitong sitwasyon eh. Pasensya na.
"E-eh?" hindi makapaniwala si Clarisse. Ang masungit at mainitin ang pagkaka-alan niya sa akin pero sinusuklayan ko siya ngayon.
Dahan-dahang uminit ang mukha niya at tumigil siya sa pag-iyak. Napalitan yun ng tuwa. Lalo tuloy siyang nahuhulog kay Chrome.
Kinagabihan..
"Talaga? Ginawa niya yun?! Ayyy!" tuwang-tuwa si Marjorie sa narinig niyang balita. Kausap niya ngayon sa phone si Clarisse at kinuwento sa kanya nito yung nangyari kanina.
"O-oo eh. Yung una hindi ako makapaniwala. Pero nung tinignan ko yung mukha niya, sincere talaga. Grabe.. Lalo akong nahuhulog sa kanya ate Majho.."
"Hmm. Ayun ang totoong ugali niya eh.."
"H-huh?"
"Ganun siya kapag may kasama siyang babae. Nung bago siya umiwas sa mga girls, mahilig siyang magpatawa. Tapos napaka-gentleman niya. Kung hindi lang dahil dun sa nangyari sa kanya nung elementary, hindi sana siya magkakaganyan. Pero mukhang natutunaw na yung defenses niya."
"Ah. May nangyari pala. Anong nangyari ba nun ate?"
"..Secret.."
"H-huh? Sabihin mo na ate please~~~"
"Itanong mo nalang sa kanya."
"...Okay."
Kinabukasan. Si Chrome ay kilala na sa buong campus. Hindi niya makaya yung mga tingin nung mga kapwa niya estudyante habang naglalakad siya papasok sa school building. Sa entrance palang, sa kanya na nakatingin.
"Hay.. Ang lala na ngayon ah. Dati hindi ganito. Ngayon, hays.." hindi mapiit ni Chrome na hindi mapabuntung-hininga.
"H-hi." sabi ng isang babae. Pamilyar ang boses kaya hindi na siya tumingin pa.
"Ano nanaman ba kailangan mo? Pwede bang layuan mo muna ako please."
"...*hic*..."
"....A-ah! Wag ka umiyak dito please!"
Nilapitan agad-agad ni Chrome si Clarisse. Wala na talaga siyang magawa pag umiiyak ang isang babae.
"T-tarika na. Pero layo ka lang ng kaunti. Kahit kaunti lang.." ngingiti-ngiting sabi niya.
"Hehe."
"B-bakit ka tumatawa?"
"Joke lang naman yun eh. Hindi naman talaga ako umiiyak."
"Anak ng..."
"Oops! May pasok pa ako. Bye muna!" at tumakbo paalis si Clarisse.
"Tsk!"
Hindi na siya pinansin ni Chrome dahil nagdire-diretso na ito sa paglalakad papuntang classroom. Papasok pa lang siya eh sinalubong na siya ni Jayson na may pilyong ngiti.
"Hey, hey, hey! At may tinatago ka pa talagang sikreto sakin huh? Biruin mo yun? Si Clarisse pa talaga? Lakas mo rin no?" sabay batok niya sa likod ni Chrome.
"Huh? Huwag mo na ngang pansinin iyon."
"Sus! Ikaw talaga kahit kailan ka. Akala mo kung sino yung makapang-snab sa mga babae siya rin pala iyong tipong babaero.
"H-hindi ah?!" napasigaw si Chrome. Syempre nakuha niya lahat ng attention ng mga kaklase niya.
"Si Chrome oh."
"Hmm. Ano bang nagustuhan sa kanya ni vice-pres?"
"Malay ko. Ang alam ko eh cold siya sa mga girls. Pero si vice-pres nakuha niya yung loob. Paano naman kaya iyon?"
Iba-ibang komento nanaman ang naririnig niya pero hindi na niya iyon pinansin. Pumasok na siya sa loob ng room at dumiretso sa upuan niya. Lumipas ang umaga hanggang sa maglunch na. Niyaya ni Jayson na kumain silang dalawa sa cafeteria.
Comments, suggestions, criticisms are all welcome!!!
See you next time ulit haha
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Wed Jun 25, 2014 3:43 pm
It's June already and where is my update? Natagalan ata akong ipost dito. Matagal ko nang tapos yun kaso nalimutan ko lang ilagay dito ahaha..
Chapter 8: Change
Well.. ano bang nangyayari kay Chrome? Hindi ko rin alam kung saan ito patungo eh.. Sabi nung mga classmates ko pa-in-lovin ko na daw siya kay Alice... toinkz!
Chapter 8: Change
- Spoiler:
- Tahimik akong kumakain ng lunch ko habang si Jayson ay dada ng dada. Kung anu-ano yung mga sinasabi, hindi ko na lang pinapansin. Maya-maya ay bigla siyang nanahimik. Buti na lang at nanahimik na. Pero may dahilan pala kung bakit siya natahimik. Nung inangat ko na yung ulo ko para makita ko yung dahilan, yun nasa harapan ko pala. Si Clarisse..
"Uh.. pwede bang sumabay sa inyo?"
"...."
"Sige! Dito ka. Upo ka dito."
Hindi na lang ako kumibo at tinuloy kung yung pagkain ko. Alam kong nakikiramdam lang si Clarisse kaya ayaw pa niya umupo. Inaantay pa niya yung pag-payag ko. Hayyyyy.
"Sige umupo kana."c
"Thanks."
At umupo na siya.... sa tabi ko.
"...." tinignan ko lang siya. Normal stare lang ha?
"A-ano? May dumi ba sa mukha ko?"
"Wala. Sige kumain kana."
"Uuuuyyy!!" kinikilig si Jayson. Lintek na isang ito ah. Gustong-gusto yung mga nangyayari.
Nagsimula ng kumain si Clarisse. Si Jayson pinagpatuloy na rin yung pagkain. Tahimiklang sa lamesa namin. Sorry ha? Hindi kasi ako masyadong palakwento kapag kumakain.
"Ayyy!"
Nagulat kami nung biglang may sumigaw. Tinignan namin kung sino. At talaga nga namang siya pa. Si Alice the monkey. May nangyari ata.
"S-sorry. Sorry!"
Yung estudyanteng kalapit niya ay sobrang humihingi ng sorry. Kaya naman pala. Nasanggi ata siya at natapon yung pagkain na dala niya.
"H-hindi. Ayos lang. Hindi mo naman sinasadya eh."
"S-sorry talaga. Babayaran ko na langyung pagkain mo."
"Huwag na. Ayos lang ito."
"Sorry talaga."
Sus. Pakitang tao ka pang unggoy ka eh. Mag super saiyan ka na at ipakita ang iyong totoong lakas.. este sama...
"...."
Nabigla ako dun ah. Nung lumingon siya sa direksyon namin, nakita niya na nakatingin ako sa kanya. Napansin ko na biglang sumama yung aura niya. Anong problema nanaman niya. Hindi ko inalis yung titig ko sa kanya syempre. Palaban ata ito!
At hindi niya rin inalis yung pagkasama-samang titig niya sa akin. Napansin na nina Jayson at Clarisse kung sino yung tinititigan niya ng masama. Napansin kong tumingin sa akin yung dalawa. Sumubo ako ng isa habang nakatingin parin sa kanya. Maya-maya ay lumakad na siya... papalapit sa pwesto namin. Gusto ata nito ng gulo ah? Sa bagay may utang pa sa akin itong isang ito. Panahon na para makabawi!
"Ano bang problema mo?"
"...."
"Tinatanong kita diba?"
Napansin na ng ibang estudyante yung nangyayari. Lahat ngayon sila nakatingin sa amin.
"Bakit ang sama mong makatingin sa akin? Ha?" napipikon na sabi niya.
"Masama?" nagsalita na ako. Masama daw yung titig ko sa kanya? Eh tinititigan ko lang naman siya ng normal ah?
"Oo. Bakit? May ginawa ba akong masama sa iyo at ganun ka makatitig?"
"...."
"Sumagot ka nga!"
".....Huwag mo akong sigawan ha?"
"Ah..." nagulat siya nung bigla akong tumayo at sagutin siya.
"Ano ba problema mo ha? Tinitignan lang kita kanina dahil dun sa nangyari. Tapos sasabihin mo masama ako makatingin?"
"...."
"Oh? Bakit ka natahimik ha?"
"C-chrome.. Tama na yan.." hinawakan ni Clarisse yung long sleeve ko. Nung tinignan ko siya, nakita ko na nagmamakaawa yung expression ng mukha niya.
"...." umupo na ulit ako. Tapos tinignan ko ulit si Alice. Normal stare lang.
"....ah.." napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Hindi nagtagal umalis na siya. Hindi ko alam kung anong nangyari dun.
"Nakita mo yun?"
"Oo. Kitang-kita ko!"
Ayan nanaman ang mga extra. Lintek naman talaga sa mga comments itong mga side characters na mga ito.
Ng matapos na kaming kumain, biglang nagkaroon ng announcement.
'Mr. Chrome Estolano and Ms. Alice Consolacion, please proceed to the guidance office after your last class.'
"W-what the f???"
"Dude! Mukhang nalaman ng guidance yung nangyari kanina. Haha! Goodluck!" sabay tapik sa likod ko ni Jayson.
"Tsk! Malas talaga yung isang iyon. Nakakapikon talaga aba."
"Huwag mo na siyang sisihin. Tsaka hindi naman nagkaroon ng gulo kanina. Punta ka na dun para hindi na madagdagan pa yung atraso mo." sabi ni Clarisse. "Sabihin ko na lang dun sa guidance councelor na wala namang nangyari kanina."
Oo nga pala. Vice-president nga pala siya ng student council.
"...." pero hindi na ako umimik pa. Dumiretso na ako dun sa guidance office after nung last class ko. Medyo malapit lang naman yun dito sa room. Nung makarating na ako dun, kumatok ako. Nagbukas yung pintuan after kong mag-antay ng wala pa sa ten seconds.
"Tuloy ka." sabi nung instructor na nag-aantay sa loob. Nang nakapasok na ako, nakita ko si Alice na nakaupo na dun sa hot seat. Grabe ha?
"Upo ka dito."
Naupo ako dun sa may kaliwa. Tinignan ko si Alice pero hindi na niya ako pinansin pa. Mukhang bad trip. Haha! Buti nga sa iyo.
"Simulan na natin para matapos tayo dito ng maaga." sabi nung instructor. "Ako nga pala si Mr. Angeles, guidance councelor." pagpapakilala niya sa amin. "Ngayon, pwede niyo bang i-kwento sa akin yung nangyari kanina. Nalaman ko na nagkaroon daw ng away sa cafeteria. At kayong dalawa yung nag-aaway. Tama ba yun?"
"H-hindi po. Hindi po kami nag-aaway. Wala naman pong gulo na nangyari dun eh." paliwanag ni Alice. Kinakabahan na siya. Kitang-kita ko dun sa mga kilos niya eh. Haha!
"Totoo ba yun? Mr. Estolano?"
"Ah.. totoo po iyon. Hindi po kami nag-aaway. Tsaka wala po akong balak pumatol sa babae dahil hindi ko po iyon gusto. Masama po iyon eh."
"Oh? Eh bakit dun sa report eh nagsisigawan daw kayong dalawa?"
"H-hindi po. Wala pong meaning yun. Hindi lang po kami magkaintindihan kaya kami nag-sisigawan." dagdag ko pa. Wala naman talagang meaning iyon eh. Grabe naman itong councelor na ito.
"Sige, sige. Pero dahil sa may kasalanan parin kayong dalawa, may parusa parin iyon."
"H-huh?" "Ano?" sabay kaming nagsalita. Syempre kagulat yung sinabi nung instructor. Parusa pa. Potek naman talaga. Ano naman kayang parusa yun?
"Bakit po kami paparusahan? Hindi naman kami gumawa ng gulo ah?"
"O-oo nga po. Si Alice lang po iyon."
"Naninisi ka pa ha?"
"Bakit? Totoo naman ah"
"Grrr.."
"Tama na yan!" awat sa amin nung instructor. "Tignan nyo nga. Magsisimula nanaman kayong dalawa. At sa opisina ko pa talaga ha?"
"S-sorry po."
"Pasensya na po." ano ba ito. Minamalas na talaga ako.
"Madali lang ipapagawa ko sa inyo."
"Ano po iyon?"
"Oh?" reaksyon ko. Madali daw huh?
"Pumunta kayo dun sa library. Hanapin niyo dun yun librarian. Sabihin niyo pinadala ko kayo."
"...." alam ko na ipapagawa mo.
"S-sige po." walang magawa si Alice kung hindi ang sumunod.
Pumunta na kami diretso sa library after ng session namin. 4:30 na ng hapon. Marami ng nag-uuwian. Takte mga oras na ito eh nakasakay na ako pauwi. Grabe lang talaga. Hinanap na namin yung librarian. Yung nakita na namin siya, sinabi namin na kami yung pinadala ni Mr. Angeles. Tapos pinasunod niya kami. Ayun! Magso-sort kami ng mga libro na ginamit nung mga underclass namin kanina kasi nagkaroon sila ng study session dito. Hindi na ako umimik at ginawa ko na agad yung pinapagawa sa amin. Ayaw ko ng magtagal kasama yung unggoy na ito. Kahit naman siguro siya eh hindi na makatiis kaya nagsimula na rin pagka-alis nung librarian. Sinabihan niya kami na kami na ang maglock nung pinto sa library.
"Huuaaahh~" nakahinga ako ng malalim pagkatapos nung trabaho namin. Tahimik lang kaming dalawa. Walang kibuan dahil wala naman ding mangyayaring maganda kapag nag-usap pa kami. Buti naman at marunong makiramdam si loko.
"Hey~"
"...."
"Hey!"
"...." ang ingay naman nito. Tinignan ko si Alice.
"A-ano... ah.." at nauutal pa si loko.
Tinignan ko kung anong oras na. Mag se-seven na. Lintek ang tagal pala nung ginawa namin. Malas!
"...Ano ba problema mo?" tanong ko sa kanya na medyo may pagkairita para naman mahalata niya.
"Ano kasi.."
"...."
"Antayin..."
"..Ano?"
"A-antayin mo naman ako. Kahit hanggang gate lang."
"...."
"P-please??" sabi niya. Yung boses niya talagang parang natatakot. Oo. Medyo nakakatakot nga yung school kapag gabi. Pero wala naman sa akin iyon dahil sanay naakong nag-iisa kahit sang lugar. Hindi naman pati ako naniniwala sa multo. Wait... teka..
"Hmm? Natatakot ka ba?" sabi ko.
"Ha?" Mataas yung tono nung boses niya.
"Okay. Alis na ako."
"S-sandali lang! O-oo. Natatakot ako. Kaya please. Sabay na tayo lumabas. Nasa fourth floor pa naman itong library. Kung bakit pa kasi nasa pinakataas ito nakapwesto eh." umamin siya sa pagiging takot niya. Tsk. Bakit parang naa-awa ako ngayon. Lintek naman.
"B-bilisan mo na bago pa magbago isip ko."
"...."
Nakalabas na kami ng school. Tss. Madilim na nga. Buti nalang at nasabi ko kay ate na nauutusan ako. Ayaw ko kasi nagwo-worry sila sa akin.
"...." iniwan ko na siya sa may school gate ng hindi nagpapaalam. Nandun lang siya nakatunganga.
"S-sandali lang!" at tinawag nanaman niya ulit ako.
Sa totoo lang, kanina pa ako naiirita. Hindi dahil sa kanya. Dahil iyon sa nararamdaman kong pagtulong sa kanya. Tss! Bakit bumabalik yung mga ganoong pakiramadam ko? Matagal ko na yun tinalikuran sa totoo lang. Kundi dahil sa isang ito, malamang hindi ko ito ngayon nararamdaman.
"Ano nanaman ba?"
"A..ah.. wala na pala.. S-sa..."
"Huh?"
"S-salamat. Sige alis na ako."
"?"
Bakit parang nag-iba yung ugali niya. Ganyan ba talaga siya? Mahiyain? Malumanay magsalita? Biglang nagflashback sa isip ko yung nangyari kanina. Hindi siya nagalit dun sa nakatapon ng pagkain sa kanya. Tss. Superficial act?
Pinagpatuloy ko na yung paglalakad ko. Pero sa kaloob-looban ko, pinagsisigawan ng isa kong pagkatao na napakasama ko. Totoo ba yun? Eh nagpasalamat na nga siya diba? Nung medyo nakalayo na ako, tinignan ko siya. Nandun pa rin siya. Nakatayo.
Well.. ano bang nangyayari kay Chrome? Hindi ko rin alam kung saan ito patungo eh.. Sabi nung mga classmates ko pa-in-lovin ko na daw siya kay Alice... toinkz!
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Sat Jul 19, 2014 12:45 pm
Hi guys! Another month, another update.. Sensya na medyo natagalan.. Busy na din ako eh. Haha!
Chapter 9: First Time
Alice.. Ayos lang yan.. Ganyan talaga eh..
Chapter 9: First Time
- Spoiler:
- Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinalaki ako ng magulang ko ng maingat. Natext ko na kanina si mommy na male-late ako sa pag-uwi dahil sa ginawa namin kanina. Pero hindi ko talaga alam na ganito ng ka-late kami matatapos. Nasa labas na ako ngayon ng school. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Natatakot ako na baka may makasalubong akong masamang tao. Sana dumating na yung driver namin. Kanina ko pa sinabi sa kanya na sunduin ako.
"A-ano ba itong napasukan ko..." sabi ko sa sarili ko.
Maya-maya'y biglang may kumalbit sa balikat ko. Halos magsitayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa pagkagulat. Nang nilingon ko kung sino, nakita ko si Chrome.
"Tatayo ka lang ba diyan? Mapanganib ngayon ang mga ganitong lugar na hindi matao kapag gabi." yung expression ng mukha niya parang naaawa na naiinis.
"H-hmp! Hinahantay ko lang yung sundo ko. Hindi mo na ako kailangan pang samahan dito. Kaya ko na mag-isa."
A-ano ba itong sinasabi ko?! Sa totoo lang eh gustong-gusto ko na talaga umiyak sa takot. Tumingin si Chrome sa mukha ko. Hindi ko pinahalata na natatakot ako. Pero sa tingin ko ay hindi umobra yung ginawa ko dahil sa sunod niyang ginawa na siyang kinagulat ko.
"Saan ka ba nakatira? Kung malayo dito eh sasamahan muna kita hanggang sa makasakay ka pauwi." yung boses niya ibang-iba dun sa normal. Bakit parang nag-iba yung ugali niya? Ng mapansin niya na nakatingin ako sa kanya, bigla niyang iniwas yung tingin niya sa akin. "Huwag kang mag-isip ng iba. Ginagawa ko lang ito dahil baka kung anong mangyari pa sa iyo at ako ang masisi. Mas maganda na yung siguradong ligtas ako kaysa kung anong kamalasan pa mapasukan ko."
"...."
Ahhh.. Ganun pala? Yun naman pala eh! Muntik na akong maloko nitong isang ito ah. Kung sabagay, napakalabong maging ganyan ang ugali niya sa akin. Pero bakit parang nalulungkot ako sa sinabi niya?
"A-alam ko iyon." sabi ko nalang.
"...."
At ginawa nga niya yung sinabi niya. Nilakad niya ako hanggang sa sakayan ng taxi at dun na ako sumakay. Doon ko lang nalaman na kaya pala na-late yung driver ko eh dahil sa traffic yung daan na ginamit niya. Sa bagay rush hour ngayon. Nung makarating na ako sa bahay, nakahinga ako ng maluwag.
"Oh. Nandito ka na pala." sabi ni mommy habang nakangiti nang salubungin niya ako.
"Mom.."
"Oh?"
"Yung mga sinabi niyo sa akin na..."
"Na ano?"
Kinuwento ko kay mommy yung nangyari kanina. Kung paano ako nahuli ng ganito sa pag-uwi sa bahay. Si mommy ang nagsabi sa akin dati na maging cold sa mga guys. Para daw iyon sa akin. Sinusunod ko lang ang payo ni mommy. Kaya lahat ng suitors ko sa school eh medyo dinededma ko or alam niyo na. Sinusungitan ko. Hindi naman talaga ganun ugali ko eh.
"Mom, paano yun? Hindi ko nagawang sungitan yung taong yun nung mga oras na yun."
"Ikaw na nga yung humingi ng tulong susungitan mo pa." sabay tawa ni mommy.
"Sabi ko nga." tapos tumingin ako kay mommy. "Mom. Bakit niyo ba ako pinayuhan na maging cold sa mga guys?" ngayon ko lang talaga natanong ito.
"Hmm?" ngumiti si mommy. "Alam mo anak, ayaw ko kasing magkaroon ka ng nobyo na kaya ka niligawan eh dahil lang sa itsura mo or sa status mo. Remember, kung nagpupursige ang isang guy sa isang girl, yun yung mga type na talagang mahal nila yung babae. Tanong ko sa iyo? Ilang lalake na yung nagpursige sa iyo after mo silang i-reject?"
"Ehhh?" napaisip ako dun sa tanong ni mom. "W-wala pa."
"Oh. Yun. Mga madaling sumuko."
Nalungkot ako dun sa sinabi ni mommy. Sa totoo lang masaya ako dahil maraming nangliligaw sa akin. Yung iba nga eh pang heart throb yung dating. Pero dahil nga sa payo ni mommy eh ni-reject ko sila. Biglang may pumasok sa isip ko.
"Paano naman kung masungit sa akin yung isang guy? Tapos lagi pa akong dinededma imbis na ako ang mangdedma?"
"...." tahimik si mommy. Tapos bigla ulit siyang ngumiti.
"May mga sitwasyon sila na iniiwasan. Or talagang ayaw lang nila sa iyo." medyo parang dinagdag lang ni mommy yung huli kasi iniwas niya bigla yung tingin niya sa akin.
"Eh ganun yung si Chrome eh."
"Yung bang tumulong sa iyo kanina?"
"Opo. Nung tinulungan niya ako eh biglang nag-iba yung ugali niya. Para bang ganun talaga siya sa simula pa lang."
"Ngayon ko lang nalaman na naging interesado ka sa isang guy." ngumiti si mommy ng nakakaloko.
"M-m-mom! H-hindi ah!"
"Oh? Kung titignan mo yang expression mo sa salamin..."
"Ahhh!!" iniwan ko na si mommy na tumatawa dun sa living room.
Kinabukasan...
Kumakain ako ngayon ng lunch kasama yung mga friends ko na sina Dianne, Alex at Melanie. Mabait silang tatlo. Sa kanila ako lumalapit pag may problema ako or pag hirap ako sa isang subject. Magaling sila sa academics eh. Magaling din ako sa acads pero minsan nalilito din ako. Above average din ang grades ko. Si Melanie running for Magna Cum Laude ata. Si Alex hindi ko alam. Si Dianne eh kilala niyo na yung isang yun.
"Bakit parang ang tahimik mo ngayon?" tinanong ako ni Dianne.
"Oo nga. Parang nakakapanibago ka." dagdag ni Melanie
"Ah? Wala. May iniisip lang ako."
"Anu naman iniisip mo?" tanong ni Alex.
"Hindi importante."
"...." "...." "...." nagtinginan lang yung tatlo at pagkatapos ay nagsimula na silang magkwentuhan. Nakikinig lang ako sa kanilang tatlo.
"Girls, bili lang ako ng maiinom. Anong gusto niyo?" sabi ko sa kanila pagkatayo ko.
"Thanks pero may dala akong juice ngayon." at pinakita sa akin ni Alex yung dala niyang juice.
"Okay lang ako."
"Ako din. Thanks na lang." nginitian ako ni Dianne.
"Sige bahala kayo." umalis na ako at dumiretso dun sa vending machine na malapit sa exit ng cafeteria.
Nung makarating na ako dun, may isang guy na nagkakamot ng ulo. Sa tingin ko eh dahil sa baka may nangyari nung naghulog siya ng pera dun sa machine. Pumila na lang ako dun sa likod niya. Hindi ko naman kailangang magsungit dahil sa natatagalan ako. Pero napansin kong parang kilala ko yung guy.
Nung bigla siyang humigit ulit ng barya sa wallet niya eh napatingin siya sa akin. Para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ano ba ito? Ngayon lang ito nangyari sa akin ah? Bakit sa tuwing naglalabanan kami ng tingin eh ngayon pa ako nangiba?
"Ikaw pala.." sabi ni Chrome. Pero parang wala siyang pakialam.
"O-oo. Ako nga. Bakit may problema ka?" ayan nanaman ako. Nagsisimula nanaman.
"...."
"H-hey..." ahh! Bakit parang gusto kong pansinin niya ako.
"...." naghulog siya ng barya dun sa machine. Tapos nung wala paring bumabagsak na drinks eh umalis na siya. Dedma. Ahh! Nakakainis!!!!
"....Sira. Huwag ka nang magbalak kumuha." at tuluyan na siyang umalis.
"...O-okay.." sabi ko sa kawalan.
Bakit ganito yung nararamdaman ko? Ano ba yan? Dahil ba ito sa nangyari kahapon? Eh simpleng dahilan lamang iyon ah? Pero yung expression niya kahapon. Grabe!! Naloloka na ata ako. First time lang ito nangyari sa akin.
Alice.. Ayos lang yan.. Ganyan talaga eh..
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Fri Aug 01, 2014 3:37 pm
Okay?.... Update... haha maagang update.. Medyo sinipag ako eh... So what?
Chapter 10: The Event That Started It All
Ayos ha? Hehe... Salamat nga pala dun sa mga patuloy na nagbabasa at nag-aantay ng mga updates ng MVCQ... Haha.. Medyo malapit na siyang matapos.. Konting tiis na lang Vince! Makakatapos ka nanaman!!
Chapter 10: The Event That Started It All
- Spoiler:
- "Brad. Umagang-umaga ganyan ang expression ng face mo. Ano nanamang nangyari?" tanong ni Jayson habang nagla-lunch kami.
"W-wala. May iniisip lang ako." sabi ko naman.
Yung iniisip ko? Nitong mga nakaraang araw, may nag-iba. Sobrang kinagulat ko talaga. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari nung mga araw na iyon. Biruin mo, si Alice, parang nag-iba yung pakikitungo niya sa akin. Oo. As in nag-iba talaga. May mga pagkakataon na nagkakasabay kaming bumaba sa hagdan. Dati pag tinitignan ko siya, kung anu-ano kaagad ang binubunganga niya. Pero ngayon, tahimik siya. Titingin din siya sa akin pero walang halong sama ng loob. Para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi. Kaya pinabayaan ko na lang siya. Hindi ko na rin siya pinapansin kasi wala na naman talaga akong kailangan sa kanya eh.
"Baka nakakain siya ng bulok na saging?" sabi ko nalang sa sarili ko.
"Sinong nakakain ng bulok na saging?" tanong ni Clarisse.
Kasama naming mag-lunch si Clarisse. Halos araw-araw na namin siyang kasabay. Hindi ko matandaan kung kailan nagsimula iyon. Medyo katulad parin ng dati yung pakikitungo ko sa kanya. Pero hindi ko na siya masyadong dinededma. Nasanay na siguro ako na kasama siya. Oo. Hanggang ngayon siya pa rin yung maid ko. Sinabi ko na sa kanya na huwag na niyang ipagpatuloy yung pagiging maid niya. Pero sabi niya gusto niyang ituloy. Pinabayaan ko na lang. Wala na rin akong magagawa kasi alam kong stubborn din itong isang ito.
"...."
"Oh. Ayan ka nanaman." nag-pout siya.
Hey. Hindi bagay sayo.
"Basta siya. Wag mo ng itanong."
"Ang cold mo grabe."
"Masanay ka na."
"....Pero kahit minsan nakikita ko namang sweet ka...."
"May sinasabi ka ba?" tanong ko.
"Ay.. Wala, wala." ani niya.
Pagkatapos naming kumain eh dumiretso na kami sa aming classroom.
End of class.
Pauwi na ako ngayon. Nauna sa akin si Jayson dahil excited na daw siyang makita yung inorder niya nung nakaraang araw. Hindi ko alam kung ano iyon pero sa tingin ko eh bagong gadget nanaman siguro. Mahilig kasi siya sa mga gadget. Sobra.
"Hay naku! Makauwi na nga." sabi ko sa sarili ko. Buti na lang dala ko yung sasakyan ko. Lancer lang po ah? Hindi naman ako masyadong mahilig sa sasakyan. Ito yung regalo sa akin ni daddy nung 19th birthday ko. Marunong na akong magdrive nung mga panahon na iyon. Kaya nga niya ako binilhan eh.
Naglakad ako patungo dun sa parking lot ng school. Medyo madaming nakapark na mga sasakyan. Swerte ako dahil malapit sa exit yung napag-parkan ko. Kinuha ko yung susi ko at binuksan yung pintuan nung sasakyan ko. Pagkapasok ko nilagay ko yung bag ko dun sa likuran at sinara ang pinto. Hindi ko muna pinaandar yung makina. Nagpalamig muna ako sandali kasi medyo mainit sa loob.
Hindi kalayuan dun sa pwesto ko, nakita ko yung isang pamilyar na babae na may kasamang guy. Si Alice. Hindi ko kilala yung lalake pero sa tingin ko eh, confess session nanaman iyon. Kasi yung mukha ni Alice lalong nagiging monkey yung itsura dahil sa sobrang irita. Sa tingin ko eh parang nag-offer yung guy na ihatid siya pauwi kahit na ni-reject siya ni Alice. Pero ayaw nung monkey.
"...."
Napansin kong biglang nag-iba yung pakikitungo nung guy. Medyo parang naging bad boy yung dating niya kasi biglang sumimangot yung gwapo niyang mukha at may sinasabi na kung ano. Grabe ha? Gwapo talaga. Sus! Medyo binuksan ko ng konti yung bintana nung sasakyan ko para marinig yung mga pinagsasabi nila.
"Alam mo nakakapikon na yang ugali mo. Sinabi ko lang na ihahatid kita tapos kung anu-anong mga pinagsasabi mo sa akin." sabi nung guy. Walang tao sa paligid kaya hindi sila nakaka-attract ng attention. Obvious ba?
"Alam mo ba rin na ayaw ko sa isang tao yung masyadong mapilit? Kaya pwede ba ay tigilan mo na ako?"
"Bawiin mo muna yung sinabi mo kanina? Na isa akong basura! Hoy! May status ang pamilya ko!" bawi nung guy.
Anak ng tipaklong. Eh kaya naman pala galit na galit yung guy eh. Sabihan ba namang basura nung unggoy, este nung Alice na yun.
"Bakit ko babawiin? 'Di ba mahinahon yung pagre-reject ko sa iyo kanina? Tapos bigla kang nagsimula ng pagmamayabang mo. Na mataas ang status niyo? Na magpasalamat ako sa iyo dahil niyayaya mo ako? Ganun? Sino nagsimula ha?" palaban na sabi ni Alice.
Ay kaya... Yung lalake naman pala nagsimula eh. Pero hindi rin naman tama yung sobrang panglalait ni Alice.
"!" bigla akong nabigla nung hinawakan ng marahas nung guy si Alice sa braso. Yung libreng kamay ni Alice ay ipinangsampal niya dun sa lalake. Nangiti lang yung guy. Para bang hindi nasaktan dun sa ginawa ni Alice.
Wala akong pakialam diyan. Hindi ko problema yan. Bahala sila dyang mag-away.
"...." hindi ko parin pilit maalis yung tingin ko sa kanila. Para bang nagiging aware ako na may mangyayaring hindi maganda pag inalis ko yung titig ko. At may nangyari nga.
Dahan-dahang nilapit nung guy yung mukha niya kay Alice. Okay? Ayos din pala itong isang ito ah? Nakita ko si Alice na natatakot na. Hay naku! Bakit ako pa yung nakakita sa kanilang dalawa? Pwede namang ibang tao ah?!
Sa sitwasyon ni Alice...
"Bitawan mo ako! Isa kang insekto!" nagpupumiglas na ako pero mas malakas syempre sa akin si Eric. Natatakot na ako. Ni makasigaw hindi ko magawa.
"Bawiin mo yung sinabi mo kanina kundi hahalikan na talaga kita." aniya.
"H-hindi...." hindi ko mabawi yung sinabi ko sa kanya. Siya nagsimula. Siya ang mayabang. Wala siyang karapatan na maliitin ako! Pero natatakot na talaga ako.
"Hehe...." malapit na yung labi niya sa labi ko. Napapikit na lang ako dahil hindi ko na talaga kaya yung nangyayari.
"Brad. Nakakatakot naman yung tawa mo." sabi ng isang lalake. Pamilyar yung boses. Nung binuksan ko yung mga mata ko, nakita ko si Chrome na nakahawak dun sa balikat ni Eric.
"Problema mo? Nakita mo bang busy ako?"
"Wala naman. Pero parang hindi naman tama yang ginagawa mo." cold yung tone ng boses ni Chrome. Kita ko rin sa mukha niya yung pagka-irita. Hindi ko alam kung naiirita siya dito kay Eric. Oh may ibang dahilan.
"Bitawan mo na yang isang iyan. Promise hindi ka tatagal diyan. Masyadong brutal iyang isang iyan. Mahihirapan ka lang." sabi niya habang nakapikit ang isa niyang mata.
Medyo napikon ako dun sa sinabi niya. Pero it doesn't matter right now. Please. Tulungan mo ako.
"Pake mo ba? Umalis ka na dito at baka sa iyo ko pa ibuhos yung init ng ulo ko."
"A-ako ba ang hahalikan mo?" nangdidiring tanong ni Chrome.
Grabe ka din ha? Porket hahalikan niya ako eh yun iyong naisip mo na gagawin niya sa iyo. Yuck ka din ha?
"Aahh!" binitawan ni Eric yung hawak niya sa akin at hinarap si Chrome. "Hindi mo ba talaga ako titigilan?"
"Sige titigil na ako. Pero tigilan mo muna siya." sabay tingin sa akin ni Chrome.
"Pinipikon mo ba talaga ako?!" binanatan na ni Eric si Chrome ng isang sapak sa mukha. Hindi nailagan ni Chrome yung suntok kaya napatumba siya.
"Tss!" tumayo kaagad si Chrome at bumawi ng sapak kay Eric. Sa mukha din ang tama.
Nagsuntukan na ang dalawa. Hindi ako makasingit dahil natatakot ako. Maya-maya ay may dumating na mga instructor at pinigil yung dalawa. May nakakita ata na estudyante at nagsumbong kaagad sa mga instructor.
Napiit yung away nila at parehas silang dinala sa guidance office. Alam kong ako ang dahilan ng gulo pero hindi ko masabi sa kanila yung nangyari.
After siguro ng mga wala pang sampung minuto eh nakalabas na yung dalawa. Alam ko dahil naghintay ako sa tapat nung guidance office. Tumingin sa akin ng masama si Eric pero hindi iyon matagal dahil agad siyang umalis. Si Chrome naman ay parang walang pakialam dahil nilagpasan niya lang ako. Hinabol ko siya.
"U-uh.."
"...."
"C-Chrome?" tinawag ko siya sa pangalan niya. Kahit hindi niya sinasabi sa akin yung name niya or hindi siya nagpapakilala sa akin.
"...."
"P-pasensya na sa nangyari sa iyo. Hindi ko sinasadya na madamay ka kanina." sincere yung pagkasabi ko nun. Umiinit din yung mukha ko habang sinasabi ko iyon.
"...."
"Galit ka ba?" tanong ko. Hindi ba halata? Alice talaga oh?! Ang engot mo talaga.
"...Hindi ako galit." sabi niya. Sa wakas at nagsalita din siya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Sinusundan ko lang siya palabas ng building papuntang parking lot kung nasaan andun yung sasakyan niya.
"...Ano pa ba kailangan mo?" tanong niya pero nakatalikod pa rin siya sa akin. Binuksan niya yung pintuan nung sasakyan niya pero hindi siya pumasok sa loob.
"A-ano... ah.. t-thank you."
"Thank you? Para san?"
"K-kanina. Kung hindi ka siguro nagpakita kanina, malamang eh nangyari yung hindi dapat mangyari kanina. Kaya.. Thank you."
Tahimik lang si Chrome. Hindi rin siya kumikibo. Siguro may iniisip. Pero kinagulat ko talaga yung mga sinabi niya pagkatapos niyang manahimik.
"Alam mo. Kung hindi ganyan yang ugali mo. Hindi mangyayari yung mga ganoong klaseng sitwasyon. Babaan mo naman yang pride mo. At huwag kang masyadong kung anu-ano ang sinasabi."
"P-pero siya yung-"
"Kahit na. Kung iniwanan mo nalang siya after mong sabihin na ayaw mo. Or magmakaawa ka na lang which is I think na imposibleng mangyari, malamang naiwasan mo iyon."
"...." nanahimik ako. For the first time. Kinausap niya ako ng parang normal na tao. Si Chrome. Kilala bilang isang guy na napaka-cold ng attitude sa mga babae. Ito lang yung info na alam ko tungkol sa kanya.
"....Uuwi na ako." pagkatapos niyang sabihin iyon eh sumakay na siya at sinimulan ng magdrive. Hindi ko na siya pinigil pa. Maya-maya ay wala na yung sasakyan niya.
Natandaan ko yung mga sinabi niya kanina. Na huwag ako masyadong ma-pride. Na huwag ako masyadong mapanglait. Eh hindi ko naman gusto iyon eh. Sinusunod ko lang..... Hindi. Hindi rin naman sinabi ni mommy na maging ma-pride ako at mapanglait. She just told me to be careful around guys. Yun lang.
Biglang uminit yung mukha ko. Naisip ko paano kung nagiging trustful ako ngayon... kay Chrome? Ahhhh! No! No! It can't be! He's a total jerk! He said mean things to me last time... last time... Pero ngayon? He stopped doing it. Ni hindi na nga niya ako tinitignan sa school pag nagkakasalubong kami eh. W-wait! G-gusto ko bang pansinin niya talaga ako?! I-it can't be right.
Lumipas ang araw na may pagka-irita ako sa sarili ko.
Ayos ha? Hehe... Salamat nga pala dun sa mga patuloy na nagbabasa at nag-aantay ng mga updates ng MVCQ... Haha.. Medyo malapit na siyang matapos.. Konting tiis na lang Vince! Makakatapos ka nanaman!!
- HarunaTNMAA FinesT
- Posts : 3559
Points : 130035
Coins : 7000
Join date : 2012-09-13
Warning Level :
Member's Awards :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Fri Aug 01, 2014 7:06 pm
I'll read it next time :)
Hanggang anong chapters ang gagawin mo?
Hanggang anong chapters ang gagawin mo?
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Sat Aug 02, 2014 2:03 pm
Haruna wrote:I'll read it next time :)
Hanggang anong chapters ang gagawin mo?
Maybe hanggang 15 to 18... Basta medyo lalabas na yung twist eh :D
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Sat Aug 16, 2014 10:42 pm
Hi guys! Ito na yung latest chapter!
Chapter 11: What Happened That Day
Sa wakas. Medyo na-reveal na yung past niya after many chapters! Okay lang yan. We each have our own past that we don't want to talk about do we? :D
Chapter 11: What Happened That Day
- Spoiler:
- November. Napakibilis ng mga araw na dumadaan sa ating mga buhay. At alam niyo ba kung ano meron sa buwan na ito? Hulaan niyo? Hint. Every year ginaganap para i-celebrate ang foundation.... tss! Oo. Foundation day ng aming mahal na alma mater.
Isa sa mga exciting event ng university sabi ng ibang estudyante. Ano naman kayang masaya dun? Eh halos magpakapagod sila sa pag-gawa ng mga kung anu-ano like stalls at mga stages na gagamitin sa mga events. Three days celebration ang Foundation Day. Ewan ko kung bakit three days kaya huwag niyo itanong sa akin.
Sa next Wednesday pa start nun. Pero ngayon pa lang eh sobrang busy na ng mga estudyante. Kung tatanungin niyo kung anong ginagawa ko ngayon, ang sagot ko ay wala. Hindi ako mahilig sa mga ganyang klaseng bagay. Hindi naman sa tamad ako. Ayaw ko lang talaga. Alam niyo naman kasi, pag sumama ako eh hindi ko maiiwasan yung makipag usap sa mga babae. Which is nakakairita. Kahit naman si Clarrise. Pero hindi na ganung kalala katulad nung dati.
Nandito ako ngayon sa rooftop at nakahiga sa isa sa mga benches dito. Nakapikit at nakikinig lang ako ng music. Nakaheadphones ako dahil mas maayos yung ganito. Walang sagabal at kahit papaano ay may dahilan ako kung may kumakausap man sa akin dahil sa hindi ko siya madinig.
Maya-maya ay may nagpatong ng panyo sa mukha ko. Nang tanggalin ko yung panyo at tignan ko kung sino, si Jayson lang pala.
"Brad. Alam kong ayaw mo sa mga ganitong bagay pero tumulong ka naman kahit papaano. Kulang kami sa tauhan sa baba."
"...."
"Sige na."
Oo nga pala. Siya nga pala yung isa sa mga mapapalad na napili ng professor namin para maging representative ng class namin sa gaganaping event.
"...." tumingin lang ako sa kanya. Pero alam kong hindi ako titigilan nito kaya tumayo na ako dun sa pwesto ko. "Ano ba papagawa mo sa akin?"
"Pumunta ka dun sa gym. Nandun yung mga gagamitin natin sa room natin."
Sa natatandaan ko, napagkasunduan nila na gawing pahingahan yung room namin. Simple lang. Madami na kasing nakakuha nung cafe ata yun. Kaya yun nalang yung napili nila. Madali lang. Gagawin lang naming kumportableng tignan yung room, tapos may mga sapin na pwedeng higaan. Puro mga matatanda at mga tatay lang siguro ang pupunta sa ganitong lugar.
"Sige, sige."
Bumaba na kaming dalawa. Dumiretso ako dun sa gym at siya naman ay bumalik sa classroom.
Pagkapasok ko dun sa gym, pinuntahan ko kaagad yung storage room. Nang nakapasok na ako sa loob, nakita ko na nakaayos yung mga sapin na gagamitin namin. Siguro dahil sa medyo madilim yung lugar, tapos malamig sa loob, eh nakadama ako ng antok. Humiga ako sa isa sa mga sapin at maya-maya ay nakatulog na ako.
"Gusto kita. Gustong guto talaga kita." boses ng isang babae.
Hmm. Past memories. Nananaginip na siguro ako. Pero ngayon ko lang ulit napanaginipan ito ah.
"Ah... ehh... Ano eh...." hindi mapakali yung isang lalake. Oo. Ako nga yung batang iyon.
Ito yung grade six palang ako. Yung the worst na nangyari sa buhay ko. Ito yung nagpabago sa akin. Hinding hindi ko ito makakalimutan. Lalong-lalo na siya.
"Ano.. anong sagot mo?" tanong nung babae.
"S-sorry. P-pero hindi pa ako handa sa mga ganitong relation. Sorry talaga."
Natahimik yung girl. Halata sa mukha niya yung pagkagulat at pagkapikon.
"P-pero.. bakit ang bait-bait mo sa akin? Bakit parang tinuri mo akong special kaysa sa iba? N-nag-assume lang ba ako?!" hindi nakatiis at napasigaw yung babae.
"S-sorry naman. At please huwag mo akong sigawan. Close friend ang tinuring ko sa iyo kaya ganun lang ang pakikitungo ko sa iyo." pagpapaliwang nung past self ko.
"I--Isa kang... ahh.. nakakahiya. Sobrang nakakahiya!" tumakbo palabas ng classroom yung girl. Naiwan si ako dun sa room ng walang alam sa mangyayari sa kanya kinabukasan.
At dumating nga yung bukas na yun.
Pagkapasok ko dun sa room, nagtinginan lahat ng mga classmates ko sa akin. Aba, anung meron. Tapos narinig ko yung iba nagbubulungan. Paano ba naman eh total silence ang nangyari nung pagpasok ko.
"Totoo ba yung nangyari kahapon?"
"Oo. Teka huwag kang maingay baka marinig ka niya at ikaw ang isunod."
"Dapat ireport na yan."
"Sshhh.."
Ano ba yung pinagbubulungan nila? Siguro iyan yung iniisip nung sarili ko nun.
"Chrome! Good morning bro!" sabi nung isa kong classmate na lalaki. Malaki yung ngiti niya at talagang hyper na hyper. Anyare?
"U-uh? Anung meron?" natanong ko nalang.
Yung mga tingin ng classmate ko dun isang iyon ay parang natatakot. Tapos biglang bumulong sa akin yung bata na iyon.
"Totoo ba yung kahapon?"
"Anong totoo? Tsaka anung meron kahapon?"
"Sus! Kunwari ka pa eh."
"...."
"Ano? Sayang ba? Hehe."
"Anong sayang?"
Ang alam ko lang na nangyari kahapon ay yung pag amin sa akin ni Jasmine.
"Come on brad. Alam mo na yung sinasabi ko sa iyo. Yung pagtangka mo daw kay Jasmine?"
"H-ha? Anong pagtangka? Tsaka naglilinis lang naman ako ng room kahapon kasama si Jasmine."
"Eh inatake mo daw si Jasmine kahapon."
Kinabahan na ako dun sa sinabi niya. Kaya pala kung makatingin sa akin yung mga babae eh parang gusto nila akong ibaon sa lupa. Tapos yung ibang mga lalake eh parang gusto akong gulpihin. Mukhang kailangan kong kausapin si Jasmine ah.
"W-walang nangyari kahapon na ganun. Promise. Alam mo naman siguro yung ugali ko."
"E-eh? Sinabi sa amin ni Jasmine kanina yun eh." pagtataka nung classmate ko.
Naku! Gumawa ng maling kwento yung babaeng yun ah. Hindi ko alam pero sobrang nagagalit ata ako. First time ko lang magalit ng ganito pero kailangan ko munang kumalma at ayusin ang sitwasyon.
"Jasmine! Anong pinagsasabi mo ba? Wala naman akong ginawa kahapon ah?" naku. Hindi ko ata napigilan yung pagkapikon ko ah?
"E-eh?" yung tumingin sa akin si Jasmine, kitang-kita ko na umaarte lang siyang natatakot.
At yun ang simula ng gulo sa room.
"Hey! Wag mong sigawan si Jasmine!" sabi ng isa sa mga babae kong classmate.
"Oo nga! Isusumbong ka namin kay teacher!"
"Hindi ko alam na ganyan ka pala. Kala ko mabait ka." sabi ng isa sa mga close classmate ko. Halos gumuho yung mundo ko. Hindi ko aakalain na ganito yung kakalabasan nung pag reject ko kay Jasmine. Napakamali. Sobrang kasinungalingan ang nangyari.
Nung araw ding iyon nalaman ng guro namin yung mga pinag-gagawa namin sa room. Kinabukasan eh pinatawag yung mga magulang ko na kinagulat din nila. Pero hindi sila galit sa akin. Kasi alam nila ako. At isa pa ay wala namang proweba. At simula noon eh umiwas na ako sa mga nilalang na tinatawag na babae. Pake ko ba sa kanila.
"U-uh?" nagising na ako sa pagkaka-iglip ko.
Tumingin ako sa relo ko. Wala pa palang thirty minutes akong nakatulog. Tss! Madala na nga itong mga sapin na ito sa room.
Sa wakas. Medyo na-reveal na yung past niya after many chapters! Okay lang yan. We each have our own past that we don't want to talk about do we? :D
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Sun Sep 07, 2014 9:28 pm
Hello there minna! It's been a while huh? Heto ang latest update.. Sa totoo lang matagal ko ng natapos ito. Nalimutan ko i-post. Haha!
Chapter 12: Foundation Day
Pinaplano kong gawing dalawa ending niya. You can pm me your IDEAS. Ipasok natin sa story. Kung may maganda kayong maisip, pm niyo sakin.
Okay. See you again....
Chapter 12: Foundation Day
- Spoiler:
- Araw ng Foundation Day.
"Sige. Pwede na kayong lumibot." sabi ni Jayson pagkatapos naming mag-ayos ng room. Malamang maraming gustong mag-stay dun. Libreng tulog ba naman eh. Tulad nga ng inaasahan ko, halos mga tatay at matatanda ang pumunta dun. Grabe ha?
Dahil sa wala naman akong ginagawa eh maglilibot nalang din ako. Malas si Jayson kasi may trabaho pa siya. Hindi ko alam kasi ayaw niyang sabihin sa akin.
Habang naglalakad ako, nakita ko itong isang stall na madaming tinitindang candy. Iba-iba eh. Medyo na curious din ako kaya tinignan ko na rin. May mga candy na galing ibang bansa. Wow social naman sina ate ha? Dahil sa may pera din naman akong dala, bumili na rin ako. Chocolate candy. Hmm. Masarap din.
Pinagpatuloy ko yung paglalakad ko. Kahit papaano eh nakakaenjoy din naman pala ang ganito. Kahit na medyo madaming babae sa paligid. Dahil sa hindi naman nila ako ginugulo or pinapansin eh ayos na rin.
"Chrome~"
"...."
Patay. Sabi ko na nga ba at makikita ako ng isang ito.
"Chrome~"
Sinubukang kong hindi pansinin at pinagpatuloy ang aking paglalakad. Pero hinabol pa rin niya ako at hinawakan pa talaga yung braso ko. Astig ka din no?
"...."
"Suplado talaga aba." sabi ni Clarrise habang nakasimangot kunwari. Halata ka ate. Hindi gagana yang pagpapa-cute mo sa akin. I'm invulnerable remember?
"Pansinin mo naman ako oh?"
"...Ano ba kailangan mo?" tanong ko sa kanya with a terrifying look. Joke.
"W-wala naman. Gusto ko lang namang maglibot kasama mo. Masama ba?"
"Oo. Masama. Nasisira mo yung maganda kong mood."
"Sows. Ayan ka nanaman."
"...."
Dahil sa wala na rin akong magawa dahil sa medyo matigas din itong si Clarrise eh nag-pabaya nalang ako. Naglibot-libot kami sa academic grounds. Grabe ang dami talagang stalls. Hindi ko rin mabilang eh. Talagang lively ha? Hindi naman ako nagkaroon ng problema habang kasama ko si Clarrise kasi mostly eh siya lang naman yung nagta-try nung mga ibang pinupuntahan namin na may mga games. Pinapanuod ko lang siya. No comment din ako syempre.
"Sumali ka naman minsan sa akin. Huwag ka lang manood. I-enjoy natin ito."
"Enjoy ako kanina nung hindi pa kita kasama."
"Hmp! Kill joy."
Ayan nanaman ang pag-pout niya. Sabi ko nga sa iyo immune ako diyan. Pero yung pag-ngiti niya sa huli yung talagang napuna ko. Kahit ayoko talagang aminin. Pero ang cute nun.
"Matibay ako. Matibay ako. Matibay ako." sabi ko ng mahina. Parang nagcha-chant lang ako ng mantra.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Aah?! Eh, wala. Hehehe." dinaan ko nalang sa tawa para hindi niya mapansin pero napansin niya parin.
"Ano nga?" nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko na talagang kinagulat ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na itanong sa kanya yung gusto ko na talagang itanong sa kanya mula kanina.
"Are you doing those things on purpose?"
"...Yes.." pag-amin niya. "Gusto kong pansinin mo ako."
"P-pero bakit?" tanong ko. Medyo kinakabahan ako. Dahil medyo maingay na rin yung tibok ng puso ko eh. Sino bang matinong lalake ang hindi magkakaganito kapag halos magkadikit na mukha niyo ng isang magandang dalaga? Sige nga? Kung meron man diyan, mag-palit tayo ng katauhan. Mas pipiliin ko pa yan.
"Hmm? Gusto ko eh."
Napakamot nalang ako sa ulo. Matigas din talagang itong isang ito eh.
"Alam mong hindi ko gagawin yan di ba?"
"....Hindi rin."
"H-ha? Hindi ko narinig yung sinabi mo."
"Wala. Sabi ko tara na at gumagalaw ang oras."
"Tss. Bahala ka na nga sa buhay mo."
Kahit na sinabi ko iyon eh sinamahan ko na siya. Wala eh. Kahit naman tumakas ako, hahanapin at pipilitin parin ako ng isang ito. Ganoon siya ka stubborn.
"Chrome!"
Narinig ko yung pamilyar na boses.
"O-oh? Ate. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay ate Majho nung nakalapit na siya sa amin.
"Wala. Naglilibot. Ikaw? Hmm?"
Napansin kong biglang napangiti si ate nung makita niya na kasama ko si Clarrise.
"Date?" tanong niya.
"H-hindi ah!" napasigaw ako ng wala sa oras. Yung mga tao sa paligid namin napatingin sa akin.
Hindi ko nalang iyon pinansin at pinagpatuloy ko ang pakikipagusap sa ate ko.
"Ano bang ginawa ng section niyo ate?"
"Hmm? Ayun oh~" sabay turo niya sa isang stall na nagbebenta ng mga candy. Ah. Sa kanila pala iyon.
"Well.. Mauna na ako sa inyo. Baka nakakaabala ako sa 'date' niyong dalawa eh."
Tumingin si ate kay Clarrise. Nakita ko na namumula yung mukha niya. Bakit hindi mo dinedeny?!
"Ayan ka nanaman ate eh.." wala talaga. Talo talaga ako.
"Oo nga pala. Clarrise may surprise ako sa iyo." pagkasabi niya nun eh tuluyan na siyang umalis. Napaisip si Clarrise dun sa surprise daw ni ate. Talagang surprise. Yun ba namang pagkasabi eh sabay alis. Naku-curious din ako eh. Ano kaya iyon?
Sa kabilang banda...
"Dianne. Saan nanaman ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang higit-higit niya yung kamay ko. Kanina pa kami paikot-ikot dito. Medyo nahihilo na nga ako.
"Sigh. Alam mo Alice, dapat nating i-enjoy itong mga ganitong bagay. Minsan lang naman ito eh."
At pinagpatuloy niya ang paghigit sa akin. Marami na kaming napuntahang stalls at events. Ang sa tingin kong nagusutuhan ko lang eh yung battle of the bands dun sa may gym. Mahilig kasi ako sa music. Hindi rin nagtagal ay naglakad na kaming dalawa. Ewan ko ba kung bakit takbo ng takbo itong si Dianne. Daming energy sa katawan kapag may ganitong okasyon.
"Bilisan mo naman Chrome~"
Biglang narinig ko yung pangalan nung guy na yun. Nang hinanap ko kung nasan nanggaling yung boses na yun, nakita ko si Chrome.. na may kasamang girl. Kilala ko yung girl. Si Clarrise. Sino bang hindi makakakilala dun eh napakadaming estudyante yung nagko-compare sa amin. Alam ko nga na may secret fan club yang si Clarrise pero hindi niya iyon alam. Mostly mga babae yung member. May mga guys din naman. Paano ko nalaman? Hindi niyo na kailangang malaman. Akin nalang iyon.
"Alice?" pagtatakang tanong ni Dianne. "Anong nangyare at napatigil ka?"
"Ah?" ngayon ko lang ulit nalaman na magkahawak kamay kaming dalawa. Dahil sa napatigil ako, napatigil din siya. Napansin kong tiningnan niya sina Chrome.
"Ohh~" pagsisimula niya.
"A-ano nanaman yang pumasok sa utak mo?"
"Nnnnnnoootthhinggggg~" sabay ngiti niya ng may halong pang-aasar.
"Sus! Ayan ka nanaman ah."
"Gusto mo ba na siya ang makasama mo ngayon at hindi ako?" nag-pout siya pero sa likod ng expression niya na yun ay nakatago ang pagakakilig niya.
"Ah? H-hindi ah!" pero sa totoo lang parang gusto ko ring i-try. Ano kaya pakiramdam kapag lalake ang kasama mo?
"Alice? Hello? Down to earth, Alice!"
Hindi ko napansin na tinatawag na pala ako ni Dianne. Ah! Nakakahiya. Nag daydream pa ako ng ganitong lagay? Grabe!
"T-tara na." umalis na ako at iniwan siya na nakangiti dun. Nakakapikon. Hindi ko alam pero napipikon talaga ako. Ano bang nangyayari sa akin. Marinig ko lang pangalan niya, hinahanap ko na siya. Chrome. Chrome. Chrome~~ Ahhh!!
Habang naglalakad ako eh napunta ako sa isang registry booth. Hindi ko alam na napapila ako ng wala sa oras. Dahil nga na mainit yung ulo ko, gusto kong maglibang. Hindi ko alam kung para saan itong booth na ito. Binigyan nila ako ng registration form. Yung ibang babae napatingin sa akin tapos bigla silang nalungkot.
"Lagot na."
"Mukhang wala tayong pag-asa."
Narinig ko yung mga bulungan nila. Nung natapos ko yung pag fill ng form, pinasa ko iyon dun sa lalake na nasa registration table. Kahit anong klaseng competition ito, I will win. Para mawala yung init ng ulo ko at para din may magawa ako. Teka. Ano nga ba itong nasalihan ko? Nagtanong ako dun sa isang babae na nasa gilid nung table.
"Uh, miss. Anung competition pala ito? Paramihan ng makain?"
Nagkaroon ng malaking question mark sa ulo nung babae. Pero hindi literal ha? Tapos bigla niyang tinuro yung board na nakatayo sa tabi nung registration table. Hindi ko nakita yun ah. Nung tinignan ko, nanlaki yung mga mata ko. Patay. Ano itong napasukan ko? Hindi ko trip itong mga ganitong bagay.
'Campus Queen'
Alam ko maraming nagsasabing Campus Queen daw ako. Pero wala akong pakialam dun. Pero dahil sa pangyayaring ito, parang pinapakita ko na walang pwedeng kumuha nung title na yun sa akin. Ah!!! Ano bang nangyayari sa akin?!!
Pinaplano kong gawing dalawa ending niya. You can pm me your IDEAS. Ipasok natin sa story. Kung may maganda kayong maisip, pm niyo sakin.
Okay. See you again....
- - HesperaForum Moderator
- Posts : 4097
Points : 106875
Coins : 21882
Join date : 2013-01-26
Warning Level :
Member's Awards :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Fri Sep 26, 2014 8:51 am
The?! KUYA?! GUMAGAWA KA PALA NG NOVEL?!
Di ko lam O.O
Di ko lam O.O
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Sat Sep 27, 2014 5:39 pm
Hahaha.. ngayon mo lang ito nakita? lol!
- maek0witzkiDango Lover
- Posts : 700
Points : 92171
Coins : 16005
Join date : 2013-01-04
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Sat Oct 11, 2014 12:57 am
next chapter pleeeeeeeeeeeease? XD
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Mon Oct 13, 2014 9:27 pm
Hello guys! Matagal na akong hindi nakapag-update. Busy eh hahaha! Pero ito na yung inaantay niyong chapter. Para makabawi naman ako, itry kong sunod-sunod yung update? Lol! Magawa ko sana..
Chapter 13: Unexpected Event
Lumabas na yung pampasakit sa ulo! Haha! Si Alice? Concern kay Chrome? Haha..
Chapter 13: Unexpected Event
- Spoiler:
- "Haha! Kasalanan mo yan. Kung anu-ano kasi sinasalihan mo."
"Hey! Hindi ko alam. Hindi ko nakita yung title."
"Bayaan mo na. Mag back out ka nalang." sabi ni Dianne ng makita niyang naguguluhan na ako.
"Gusto ko sana kaso wala sa bokabolaryo ko yung sumuko sa simula eh."
Oo. Ganun ako. Pag may napasukan akong paligsahan, kahit ano pa iyon, hindi ako nagba-back out. Bakit ko naman gagawin yun? Duwag lang ang mga sumusuko at hindi marunong tumapos sa kanilang mga nasimulan. Simula nung maliit pa ako eh kailan man ay hindi ako sumuko sa mga ganung klaseng bagay.
"Hmm.. Tara na nga. Sayang yung oras natin."
At ayun. Hinila nanaman ako ni Dianne. Mamaya pa naman ata yung event na hindi ko sinasadsyang salihan. Bahala na. Wala na ako paki kung ano man ang mangyari mamaya. Haha!
Sa hindi kalayuan sa kinatatayuan nina Alice...
"Gusto ko na umuwi..."
"H-heh? Maaga pa ah?"
"Maaga? Eh tanghalian na.. Tsaka nagugutom na din ako. Wala naman pati akong gagawin pa dito eh." sabi ko kay Clarisse.
Tumingin muna siya sa akin. Ewan ko ba kung ano iniisip nitong isang ito. Pero... sa totoo lang... huwag kang tumingin ng ganyan sa akin Clarisse. Please lang.. Hindi epektibo eh...
"Uhh..." hindi ako makapagsalita. Grabe! Bakit parang biglang uminit yung mukha ko. Tss!
"Please~~~" sabi niya. Yung boses niya may pagka-fragile.
"W-wow....."
".....Grabe. Ang cute.."
"...Brad.. In love ata ako.."
Ang dami kong naririnig na mga kumento sa paligid ko. Paano ba naman, sobrang cute nung pagtingin sa akin ni Clarisse. Yung itsura niya parang bata na nagmamakaawa na bilhin yung isang bagay na gusto niya. Naka praying position pa mga kamay niya. Huwag na natin lagyan ng tears effect. Medyo corny na eh.
"....Ahh!!" napasigaw ako. Hindi naman ganung kalakas. "S-sige na. Pero kumain muna tayo."
"Yay!" sabay yakap niya dun sa kaliwang braso ko. Hey, hey, hey! Ano yan?!
"U-uy?! Ano ba yang ginagawa mo?!"
"..Hmm? Nakikita mo naman siguro? Kailangan mo pa ba akong tanungin?"
"..I-ikaw... Ah... Tanggalin mo please. N-nahihiya na ako..." mahina kong sabi ko sa kanya. Ahhh!! Bakit parang gumigiba na yung mga depensa ko sa babaeng ito?
"Hmm? In one condition.."
Pakondi-condition ka pang nalalaman. Tanggalin mo na lang. Hindi mo ba nakikita yung mga tao sa paligid natin sa atin na nakatingin. Bakit ba hindi sila titingin sa atin eh yung Clarisse na ina-admire ng maraming estudyante eh nakayakap sa braso ng isang guy na katulad ko. Mukhang dadagdag nanaman ang popularity ko ah.. In a very bad way...
"H-hey. Hey.. Totoo ba yung nakikita ko?"
"B-bakit nakayakap si Vice-president sa kanya?"
"Chrome yung pangalan nung guy noh? Narinig ko na yung name na yun. Siya pala yun."
"That cold guy... how did..."
Yan nanaman ang mga comments natin mga kababayan. Please lang hindi ko ginusto ito. Tumingin ako kay Clarisse. Nagmamakaawa na ako sa kanya. Talo na ako. Suko na ako. Ang kulit mo grabe!!
"A-anong condition mo?"
"Uhmm..." nag-iisip siya in a very cute way. Not very effective pare.
*stare* *stare* *stare*
SUPER EFFECTIVE! Hiyang-hiya na ako!!
"A-ano na?" pinagpapawisan na ako.
"Samahan mo ako hanggang sa matapos itong event?"
"H-huh?"
It means.... mas maraming kamalasan!
"N-no.. NO!"
"Hindi, hindi ako bibitaw. Hai!
Lalo siyang yumakap dun sa braso ko.
"S-sige. Sige! Please oh please! Maawa ka na sa akin." sabi ko sa kanya ng mahina. Yung siya lang yung nakarinig. Siguro nagtataka yung mga estudyante na nakakakita sa amin na sobrang PDA habang naglalakad. Hoy! Huwag kayong mag-isip ng kung anu-ano!
"Yay!" sabay bitaw niya dun sa braso ko.
Takte! Sobrang aggressive nitong babaeng ito ngayon. Ano bang nangyari dito?
After naming mag-lunch, courtesy of Clarisse, ay naglibot-libot ulit kami. Hindi naman ako nabored. Pero yung mga tingin ng mga estudyante sa amin. Ang sasakit eh. Lalo na yung mga glare nila sa akin. SA AKIN MISMO! God, ano pong nagawa kong kasalanan at ganito yung nangyayari sa akin ngayon?
*ring* *ring*
"Hmm.."
Nagri-ring yung cellphone ko. Nung tiningnan ko kung sino tumatawag, si ate pala.
"Oh. Ano yun ate?"
"Bro. Kamusta na yung date niyo ni Clarisse? Dami kong naririnig na mga balita tungkol sa inyo ah? Hehe..."
"Please lang ate. Huwag mo ng dagdagan pa yung bigat ng nadarama ko ngayon."
"Wow ah? Drama much? Haha! By the way, kasama mo pa ba si Clarisse?"
"Y-yeah. Sa kasamaang palad kasama ko pa siya."
"Oh. Tungkol nga pala dun sa surprise ko sa kanya. Well, sinali ko lang naman siya sa Campus Queen contest."
"H-ha? Ano naman ang gagawin ko? Sabihin ko na lang sa kanya na pumunta na dun. San ba yun?"
"Sa may gym. Mga 5:30PM ang gathering nilang mga contestant. Papuntahin mo na siya dun."
"S-sige..."
Binaba ko na yung call. Tumingin ako kay Clarisse na kasama kong naglalakad ngayon.
"Ahh.. Clarisse. Tungkol nga pala sa surprise ni ate. Sinali ka niya sa Campus Queen contest ba yun?"
"Hmm? Ah? Yun ba? Kala ko naman kung anung surprise ni ate. Yun lang pala. Okay game ako dun!"
"So.. pwede na ba akong umuwi? Dumiretso ka dun sabi ni ate. 5:30PM yung gathering niyong mga contestant."
"C-Chrome?"
"H-ha?"
Biglang may tumawag sa akin na isang babae. Nung hinanap ko kung sino, nakita ko siya. Yung una hindi ko namukhaan kaso nung tumagal, natigil ako. Bigla akong kinabahan. Naalala ko yung mga pangyayari nung elementary pa lang ako. Yung mga tingin sa akin na hindi maganda. Yung mga pagbubulungan nila na hindi maganda tungkol sa akin na naririnig ko. Yung mga masasakit na araw na nagdaraan habang papalapit ang graduation. Lahat ng iyon ay biglang nag-flash back sa akin.
"J-Jasmine?" nasabi ko ng mahina. Nangingig yung mga kalamnan ko. Hindi dahil sa takot. Dahil sa galit. Pero matagal na yun ah? Akala ko ba wala ng epekto sa akin iyon? Pero bakit nung nakita ko si Jasmine... halos gusto kong... hindi ko masabi.. Pero bakit ganito itong nararamdaman ko. Kalma lang brad. Be cool. Matagal na iyon. Huwag mo ng isipin pa. Umalis ka na... Halo-halo na yung pumapasok sa isip ko ah.
"C-Chrome?" sabi ni Clarisse.
Nung timingin ako sa kanya, nakita ko na natatakot siya. Hindi ko alam kung bakit pero parang sa akin ata siya natakot.
"A-ayos ka lang ba?" tanong niya.
"Ah... ayos lang ako."
Tumingin ulit ako kay Jasmine. Hindi ko alam pero parang bigla kong nakita na ngumiti siya. Yung ngiting may ibig sabihin.
"Bakit parang nakakita ka ng multo, Chrome? Hindi mo man lang ba ako babatiin?"
"Sino siya Chrome?" tanong sa akin ni Clarisse.
"Siya?..."
Siya?
"...Jasmine."
"Jasmine?"
"Yeah! My name is Jasmine Borjal. Chrome and I were classmates during our elementary days. Nice to meet ya!" sabi ni Jasmine kay Clarisse. Normal greeting. Walang halong pagmamayabang or something. "And you are?"
"Clarisse Anne Tongohan."
"Hmm? By the way? What is your relaionship with Chrome?" curious na tanong ni Jasmine.
Pusang kinalbo! Bakit parang may kutob ako na may masamang mangyayari?
"His..." tumingin sa direksyon ko si Clarisse. "His friend."
Hindi kalayuan sa kinatatayuan nina Chrome ay may nakatingin.
"Chrome.." nabanggit ko bigla yung pangalan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko eh parang biglang nagbago yung aura niya ng makita niya yung babaeng iyon. Sino kaya siya?"
"H-hey! Alice. Tara na! Malapit na mag 5:30!"
"S-sige.."
Parang may mali ngayon. May nararamdaman akong hindi maganda.
Lumabas na yung pampasakit sa ulo! Haha! Si Alice? Concern kay Chrome? Haha..
- maek0witzkiDango Lover
- Posts : 700
Points : 92171
Coins : 16005
Join date : 2013-01-04
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Tue Oct 14, 2014 7:34 am
Strayed wrote:Hello guys! Matagal na akong hindi nakapag-update. Busy eh hahaha! Pero ito na yung inaantay niyong chapter. Para makabawi naman ako, itry kong sunod-sunod yung update? Lol! Magawa ko sana..
Chapter 13: Unexpected Event
- Spoiler:
"Haha! Kasalanan mo yan. Kung anu-ano kasi sinasalihan mo."
"Hey! Hindi ko alam. Hindi ko nakita yung title."
"Bayaan mo na. Mag back out ka nalang." sabi ni Dianne ng makita niyang naguguluhan na ako.
"Gusto ko sana kaso wala sa bokabolaryo ko yung sumuko sa simula eh."
Oo. Ganun ako. Pag may napasukan akong paligsahan, kahit ano pa iyon, hindi ako nagba-back out. Bakit ko naman gagawin yun? Duwag lang ang mga sumusuko at hindi marunong tumapos sa kanilang mga nasimulan. Simula nung maliit pa ako eh kailan man ay hindi ako sumuko sa mga ganung klaseng bagay.
"Hmm.. Tara na nga. Sayang yung oras natin."
At ayun. Hinila nanaman ako ni Dianne. Mamaya pa naman ata yung event na hindi ko sinasadsyang salihan. Bahala na. Wala na ako paki kung ano man ang mangyari mamaya. Haha!
Sa hindi kalayuan sa kinatatayuan nina Alice...
"Gusto ko na umuwi..."
"H-heh? Maaga pa ah?"
"Maaga? Eh tanghalian na.. Tsaka nagugutom na din ako. Wala naman pati akong gagawin pa dito eh." sabi ko kay Clarisse.
Tumingin muna siya sa akin. Ewan ko ba kung ano iniisip nitong isang ito. Pero... sa totoo lang... huwag kang tumingin ng ganyan sa akin Clarisse. Please lang.. Hindi epektibo eh...
"Uhh..." hindi ako makapagsalita. Grabe! Bakit parang biglang uminit yung mukha ko. Tss!
"Please~~~" sabi niya. Yung boses niya may pagka-fragile.
"W-wow....."
".....Grabe. Ang cute.."
"...Brad.. In love ata ako.."
Ang dami kong naririnig na mga kumento sa paligid ko. Paano ba naman, sobrang cute nung pagtingin sa akin ni Clarisse. Yung itsura niya parang bata na nagmamakaawa na bilhin yung isang bagay na gusto niya. Naka praying position pa mga kamay niya. Huwag na natin lagyan ng tears effect. Medyo corny na eh.
"....Ahh!!" napasigaw ako. Hindi naman ganung kalakas. "S-sige na. Pero kumain muna tayo."
"Yay!" sabay yakap niya dun sa kaliwang braso ko. Hey, hey, hey! Ano yan?!
"U-uy?! Ano ba yang ginagawa mo?!"
"..Hmm? Nakikita mo naman siguro? Kailangan mo pa ba akong tanungin?"
"..I-ikaw... Ah... Tanggalin mo please. N-nahihiya na ako..." mahina kong sabi ko sa kanya. Ahhh!! Bakit parang gumigiba na yung mga depensa ko sa babaeng ito?
"Hmm? On one condition.."
Pakondi-condition ka pang nalalaman. Tanggalin mo na lang. Hindi mo ba nakikita yung mga tao sa paligid natin sa atin na nakatingin. Bakit ba hindi sila titingin sa atin eh yung Clarisse na ina-admire ng maraming estudyante eh nakayakap sa braso ng isang guy na katulad ko. Mukhang dadagdag nanaman ang popularity ko ah.. In a very bad way...
"H-hey. Hey.. Totoo ba yung nakikita ko?"
"B-bakit nakayakap si Vice-president sa kanya?"
"Chrome yung pangalan nung guy noh? Narinig ko na yung name na yun. Siya pala yun."
"That cold guy... how did..."
Yan nanaman ang mga comments natin mga kababayan. Please lang hindi ko ginusto ito. Tumingin ako kay Clarisse. Nagmamakaawa na ako sa kanya. Talo na ako. Suko na ako. Ang kulit mo grabe!!
"A-anong condition mo?"
"Uhmm..." nag-iisip siya in a very cute way. Not very effective pare.
*stare* *stare* *stare*
SUPER EFFECTIVE! Hiyang-hiya na ako!!
"A-ano na?" pinagpapawisan na ako.
"Samahan mo ako hanggang sa matapos itong event?"
"H-huh?"
It means.... mas maraming kamalasan!
"N-no.. NO!"
"Hindi, hindi ako bibitaw. Hai!
Lalo siyang yumakap dun sa braso ko.
"S-sige. Sige! Please oh please! Maawa ka na sa akin." sabi ko sa kanya ng mahina. Yung siya lang yung nakarinig. Siguro nagtataka yung mga estudyante na nakakakita sa amin na sobrang PDA habang naglalakad. Hoy! Huwag kayong mag-isip ng kung anu-ano!
"Yay!" sabay bitaw niya dun sa braso ko.
Takte! Sobrang aggressive nitong babaeng ito ngayon. Ano bang nangyari dito?
After naming mag-lunch, courtesy of Clarisse, ay naglibot-libot ulit kami. Hindi naman ako nabored. Pero yung mga tingin ng mga estudyante sa amin. Ang sasakit eh. Lalo na yung mga glare nila sa akin. SA AKIN MISMO! God, ano pong nagawa kong kasalanan at ganito yung nangyayari sa akin ngayon?
*ring* *ring*
"Hmm.."
Nagri-ring yung cellphone ko. Nung tiningnan ko kung sino tumatawag, si ate pala.
"Oh. Ano yun ate?"
"Bro. Kamusta na yung date niyo ni Clarisse? Dami kong naririnig na mga balita tungkol sa inyo ah? Hehe..."
"Please lang ate. Huwag mo ng dagdagan pa yung bigat ng nadarama ko ngayon."
"Wow ah? Drama much? Haha! By the way, kasama mo pa ba si Clarisse?"
"Y-yeah. Sa kasamaang palad kasama ko pa siya."
"Oh. Tungkol nga pala dun sa surprise ko sa kanya. Well, sinali ko lang naman siya sa Campus Queen contest."
"H-ha? Ano naman ang gagawin ko? Sabihin ko na lang sa kanya na pumunta na dun. San ba yun?"
"Sa may gym. Mga 5:30PM ang gathering nilang mga contestant. Papuntahin mo na siya dun."
"S-sige..."
Binaba ko na yung call. Tumingin ako kay Clarisse na kasama kong naglalakad ngayon.
"Ahh.. Clarisse. Tungkol nga pala sa surprise ni ate. Sinali ka niya sa Campus Queen contest ba yun?"
"Hmm? Ah? Yun ba? Kala ko naman kung anung surprise ni ate. Yun lang pala. Okay game ako dun!"
"So.. pwede na ba akong umuwi? Dumiretso ka dun sabi ni ate. 5:30PM yung gathering niyong mga contestant."
"C-Chrome?"
"H-ha?"
Biglang may tumawag sa akin na isang babae. Nung hinanap ko kung sino, nakita ko siya. Yung una hindi ko namukhaan kaso nung tumagal, natigil ako. Bigla akong kinabahan. Naalala ko yung mga pangyayari nung elementary pa lang ako. Yung mga tingin sa akin na hindi maganda. Yung mga pagbubulungan nila na hindi maganda tungkol sa akin na naririnig ko. Yung mga masasakit na araw na nagdaraan habang papalapit ang graduation. Lahat ng iyon ay biglang nag-flash back sa akin.
"J-Jasminse?" nasabi ko ng mahina. Nangingig yung mga kalamnan ko. Hindi dahil sa takot. Dahil sa galit. Pero matagal na yun ah? Akala ko ba wala ng epekto sa akin iyon? Pero bakit nung nakita ko si Jasmine... halos gusto kong... hindi ko masabi.. Pero bakit ganito itong nararamdaman ko. Kalma lang brad. Be cool. Matagal na iyon. Huwag mo ng isipin pa. Umalis ka na... Halo-halo na yung pumapasok sa isip ko ah.
"C-Chrome?" sabi ni Clarisse.
Nung timingin ako sa kanya, nakita ko na natatakot siya. Hindi ko alam kung bakit pero parang sa akin ata siya natakot.
"A-ayos ka lang ba?" tanong niya.
"Ah... ayos lang ako."
Tumingin ulit ako kay Jasmine. Hindi ko alam pero parang bigla kong nakita na ngumiti siya. Yung ngiting may ibig sabihin.
"Bakit parang nakakita ka ng multo, Chrome? Hindi mo man lang ba ako babatiin?"
"Sino siya Chrome?" tanong sa akin ni Clarisse.
"Siya?..."
Siya?
"...Jasmine."
"Jasmine?"
"Yeah! My name is Jasmine Borjal. Chrome and I were classmates during our elementary days. Nice to meet ya!" sabi ni Jasmine kay Clarisse. Normal greeting. Walang halong pagmamayabang or something. "And you are?"
"Clarisse Anne Tongohan."
"Hmm? By the way? What is your relaionship with Chrome?" curious na tanong ni Jasmine.
Pusang kinalbo! Bakit parang may kutob ako na may masamang mangyayari?
"His..." tumingin sa direksyon ko si Clarisse. "His friend."
Hindi kalayuan sa kinatatayuan nina Chrome ay may nakatingin.
"Chrome.." nabanggit ko bigla yung pangalan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko eh parang biglang nagbago yung aura niya ng makita niya yung babaeng iyon. Sino kaya siya?"
"H-hey! Alice. Tara na! Malapit na mag 5:30!"
"S-sige.."
Parang may mali ngayon. May nararamdaman akong hindi maganda.
Lumabas na yung pampasakit sa ulo! Haha! Si Alice? Concern kay Chrome? Haha..
Sige sige! Try mo sunod-sunod ang update, tutal sembreak na naman XD
- StrayedDango Lover
- Posts : 655
Points : 101902
Coins : 2250
Join date : 2013-03-12
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Tue Oct 14, 2014 5:27 pm
Ah... hindi ako pumapasok. Actually nag-aantay nalang ako ng tawag sa company. Sasakay na rin ako ng barko eh :)
- maek0witzkiDango Lover
- Posts : 700
Points : 92171
Coins : 16005
Join date : 2013-01-04
Warning Level :
Re: Me Vs. the Campus Queen
Tue Oct 14, 2014 7:32 pm
ah. ganun po ba? kung pwede paki update po ng sunod-sunod? ang ganda na po ng story :3
Page 1 of 2 • 1, 2
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum