- MystForum Moderator
- Posts : 322
Points : 94683
Coins : 5000
Join date : 2013-06-29
Warning Level :
Angel, Demon & Human
Tue Jul 23, 2013 7:46 pm
- Session 1:
- == ANGEL, DEMON & HUMAN ==
==>> BY: DARK ANGEL
<<<<< SESSION 1 >>>>
-- EVELYN DEATH --
"Ok guys ingat kayo thanks for the wonderful night see you on monday sa office"
Sigaw ni Evelyn sa mga kasama nito habang tinatanaw palayo ang taxi na sinasakyan ng mga kaibigan. Pangiti-ngiti pa siya na tinungo na ang eskinita papasok sa tinutuluyan niyang apartment. Dahil medyo madilim at hindi naman masyadong kalakihan ang eskinita kaya nakatisud pa siya sa mabatong daan...
"Putcha namam oh! Kailan ba nila balak pagawa itong daanan nila"
Sinipat niya ang high heeled nasuot nitong sapatos lalo pa siyang nairita dahil tumuklap ang kaliwang bahagi ng takon nito...
"****, nasira pa tuloy sapatos ko,ang mahal pa naman ng bili ko dito"
Tinignan niya muna ang paligid kung may tao o wala kaya hinubad niya na lang ang sapatos at nagpaa na nilakad ang daanan dahil medyo tipsi na rin siya sa ininum kanina sa bar at lalo pang masira ang suot nito. Naglalakad na siya ng marinig na tili may tao sa likod niya dahil tahimik na ang gabi narinig niya ang tunog ng sapatos nito. Bigla siyang napalingon ngunit wala namang tao.
"Naku guni-guni ko lang yata iyon"
Kaya pinagpatuloy niya na ang paglalakad. Bigla siya naka ramdam ng malamig na hangin sanhi upang pangilabutan siya. Nagsitaas ang lahat ng balahibo niya kaya binilisan niya na ang paglakad dahil medyo malayo pa ang apartment nito na nasa dulo ng eskinita. Habang binibilisan ang paglakad bumibilis din ang tunog ng sapatos na naririnig niya kaya lalo pa siyang kinabahan Dahil wala namang tao sa likod niya kaya kahit masakit sa paa ang mabatong daan tinakbo niya na ang apartment. Nangingnig pa ang kamay niya habang pinapasok ang susi sa key hole lalo pa't nagtatahol na ang asong si bambie ng katabi niyang apartment. Hindi niya na rin narinig ang mga yapak na naka sunod kanina sa kanya ng tila tumigil din ito pagdako niya sa pintuan ng apartment. Pagkapasok agad niyang sinara ang pintuan at napahawak pa siya sa dibdib dahil sa bilis ng tibok niyon. Sinilip niya ang labas dahil tahol ng tahol pa rin si bambie agad siyang napalayo sa bintana ng makita ang anino ng isang lalaki na agad ding nawala...
"May gosh!! May sumusunod nga sa akin"
Agad niya ng tinungo ang kwarto at tinawagan si Melanie....
"Oh sis bakit napa tawag ka?"
"Sis natatakot ako may mama na sumusunod sa akin kanina at nakita ko pa yung anino niya"
"Naku sis, nasaan kana?"
"Dito na ako sa loob ng apartment"
"Naku di kita mapuntahan ngayon andito si reymund eh, basta sarado mo ng maigi yung pintuan huh"
"Ok lang sis, oo pagkapasok ko sinara ko na agad"
"Basta tawagan mo ko kung may nararamdaman ka pang iba importante nasa loob kana"
"Oo nga sis hai? Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako"
"Basta mag-ingat ka pupuntahan kita bukas ng umaga dyan"
"Oo sis salamat oh siya at magpapalit na muna ako"
Pagkatapos magpaalam sa matalik na kaibigan. Naghubad na siya at tinungo ang cr. Ibinabad niya ang katawan sa ilalim ng shower para humupa ang nararamdamang takot. Napapikit pa siya pa siya ng biglang may dumaan sa kanyang tagiliran sa labas ng shower curtain. Bigla siyang napa piksi at sinilip ang labas pero wala namang tao. Pinagpatuloy niya na ang pagpaligo ng may kamay na humawak sa kanyang balikat agad siya napalingon pero wala namang tao. Binuksan niya ang curtain ng shower room tsaka lumabas aabutin niya na sana ang bathrobe ng may kamay na sumakal sa kanya...
"Aaahhhggg..."
halos hindi maka sigaw na pilit kinukuha ang kamay ng lalaki sa leeg niya. Kinalmot niya ito sa mukha kaya nabitawan siya nito. Na untog pa ang likod niya sa lababo kaka usog niya dito. Nakita niya ang repleksyun sa salamin nagtaka siya dahil mag-isa lamang siya doon samantalang nasa harapan niya ang lalaki na naka suot ng kulay itim na leather jacket. Tatakbo na sana siya palabas ng cr ng biglang hinablot nito ang buhok niya tsaka hinampas ang ulo nito sa ding-ding nang paulit-ulit. Umaagos na ang dugo sa puting tiles ng ding-ding at nagkalat na ito sa sahig. Hindi pa na kuntento ang lalaki sinakal pa si Evelyn hanggang sa malagutan ng buhay. Nang masiguro na patay na ito iniwanan niya na ang katawan na naliligo sa sariling dugo.....
-- MELANIE & REYMUND --
"Babe kamusta na kaya si Evelyn. Hindi rin naman siya naka tawag"
Tanong ni Melanie kay Reymund na magkayapak na naka higa sa Kama....
"Baka tulog na rin yun babe kaya dina nakatawag"
"Parang iba kasi yung pakiramdam ko babe baka ano na nangyari kay Evelyn"
Kinabig siya lalo ni Reymund tsaka hinalikan sa buhok...
"Yaan mo babe bukas na bukas pupuntahan natin siya ok sa ngayon tatanggalin ko na muna yang iniisip mo"
"Aaaahhh! Kaw talaga babe"
Napa sigaw ulit si Melanie ng bigla siyang kinababawan ni Reymund at pinaghahalikan...
Kinabukasan maaga pa pinuntahan ng magkasintahang Reymund at Melanie si Evelyn sa apartment nito...
= tok....tok...tok=
Ilang beses na silang kumakatok at tinatawag ito pero walang sumasagot...
"Babe ano na kaya nangyari kay Evelyn?"
"Babe baka umalis lang, wala yatang tao sa loob"
Sinilip pa ni reymund ang loob ng apartment sa binata...
"Kanina ko pa nga din tinatawagan walang sumasagot sa tawag ko. Di na maganda ang pakiramdam ko"
"Baka may pinuntahan lang babe hali kana 1 hour na tayo dito masakit na ang init ng araw"
Wala nang nagawa si Melanie kundi ang umalis kasama ang bf nito napalingon pa siya sa apartment ng bestfriend niya...
1 week later natataka ang mga kapitbahay dahil tila may naaamoy silang patay. Nang araw ding iyon bumalik si Melanie sa apartment ni Evelyn at sa tulong ng ibang kapit bahay pinilit nilang buksan ang apartment nito. Sinalubong sila ng nangangamoy na patay. Hinaloghog nila ang apartment nito at tinungo naman ni Melanie ang kwarto ng mapadako ang tingin niya sa cr dahan-dahan siyang lumapit doon. Kumakabog ang dibdib na pinihit niya ang dootknob at parang nasusuka pa siya sa amoy tila may hangin na biglang sumalubong sa kanya at nagsitayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan ng pinasok niya na ang cr halos hindi siya makasigaw na parang itinulos siya sa Kinatatayuan na napatingin sa namumuti ng katawan ng kaibigan na naka himlay sa sariling dugo....
Agad naman nagsilapitan ang ibang kapitbahay sa kinaruruunan niya at tinignan ang kaibigan. Nagkagulo na ang lahat at halos masuka sa nakita . Ang iba tumawag na rin ng pulis habang si Melanie parang wala sa sarili na lumabas ng bahay at tinawagan si Reymund. After half hour dumating na rin ito na magkasabay lang ng pulis at ambulansya...
"Babe si Evelyn"
"Sssstttt....It's ok babe don't worry ini embistigihan na ng mga pulis ang nangyari"
Tsaka kinabig ang kasintahan na umiiyak. Maya-maya nakita nila ang pulis na lumabas ng bahay at sinalubong ito ng isang babae...
"Sir, this is Shania Madrigal from TV NEWS ano po ang nangyari sa biktima?"
"We found out na nabagok ang ulo niya sa tiles ng cr na sanhi ng pagkamatay niya. But we need to wait sa autopsy record ng labi nito. Wala din naman kaming nakitang finger print o kahit anong bagay na pinatay siya pwera na lang kung siya mismo ang kumitil sa sarili niya"
Paliwanag ni SPO1 Nelson Maurer kay Shania Madrigal. Nang marinig naman ni Melanie ang sinabi nito agad niyang tinakbo ito...
"Sir, sabi ng kaibigan ko bago mangyari yung krimen may tao daw na sumusunod sa kanya that night. Please naman sir sana maghalungkat pa kayo at tignan ng mabuti ang krimen kung ano ba ang sanhi ng pagkamatay ng kaibigan ko"
"Miss ginawa na namin ang lahat na embitagasyun hintayin na lang natin ang paglabas ng autopsy ng kaibigan mo"
"Sir, meron nga sumusunod sa kaibigan ko ng gabing yun."
"Babe tama na ok, hayaan na natin ang mga pulis sa trabaho nila"
Inakay na palayo ni Reymund ang kasintahan sa gilid at pinatahan ito...
"Babe pinatay si Evelyn hindi siya nagpakamatay"
"Ah excuse me, totoo ba yung sinabi mo kanina kay spo1 Nelson?"
"Yes, that night tinawagan niya ako na meron daw sumusunod sa kanya at nakita niya mismo ang anino ng taong yun. Tumawag siya sa akin na takot na takot kaya sabi ko tawagan niya ako kung anong mangyayari. But she never called me back. Early morning Im rushing went here to check her yun pala .. yun pala patay na siya"
Kinabig naman ni Reymund ang kasintahan na umiiyak...
"Ok miss salamat wag kayo mag alala di pa naman tapos ang embistigasyon sana kung meron man pumatay sa kaibigan mo mahuli natin ang suspek"
"Salamat miss...."
"Shania Madrigal report from TV News, sige po maiwan ko na kayo"
"Salamat miss shania"
Sabi naman ni reymund at inalalayan na ang kasintahan sa sasakyan nito...
-- 2 weeks later --
"Yes babe Im still at the office. I stil have a lot of things to do"
"It's fine babe take your time, Im going to call you when I get there ok"
"Ok babe just take care, I love you"
"I love you more babe happy 3rd anniversary"
" Happy 3rd anniversary too babe"
Nakangiti pang ini off ni Melanie ang cp nito tsaka tinignan ang orasan....
"Naku 6pm na kailangan ko na ito matapos ayaw ko na maghintay pa si Reymund mamaya"
Binalikan na ni Melanie ang ginagawang report sa laptop nito at ilang minuto ang lumipas naramdaman niya na tila may naglalakad sa labas ng kwarto niya na parang sinasadya pa nitong patunugin ang suot na sapatos sa sahig. Nairita na siya sa ingay niyon dahil pabalik-balik pa ito sa labas. Tumayo si Melanie para tignan kung sino ang gumagawa ng tunog na iyon para pagsabihan dahil hindi siya maka pagtutok sa ginagawa. Pagbukas nito ng pintuan tinignan niya ang hallway pero wala naman siyang may nakitang tao doon. Binalikan niya na lang ang ginagawa ng biglang kumurap-kurap ang ilaw...
"****! Pagminamalas ka naman"
Nagulat pa siya ng tumunog ang telepono nito. Pinindot niya ang answer botton at nabusisan ang guard ng building...
"Ma'am good evening po pasensya na po kayo sa isturbo pero baka mamatay yung ilaw at mawalan tayo ng kuryente dahil pumutok yung main fuse sa main line natin"
"Ganon ba sige manong salamat"
Wala ng nagawa si Melanie kaya niligpit niya na ang gamit. Nasa hallway na siya ng mamatay ang ilaw..
"Oh ****! Bwisit talagang building na to"
Tanging emergency light na lang ang nagtataglay na ilaw sa hallway pero hindi sapat iyon para lumiwanag ng husto ang daan. Habang kinukuha niya ang cp sa bag narinig niya nanaman ulit ang mga yapak na tili sumusunod sa kanya. Agad siyang lumingon pero wala siyang maynakita. Binilisan niya na lang ang paglakad patungo sa exit door dahil hagdan ang gagamitin niya. Pipihitin niya na ang doorknob ng makitang maytao na lumalakad sa admin area...
"Manong kayo po ba yan?"
Tawag niya sa janitor dahil tila may tinutulak ito. Bigla naman bumukas ang ilaw kaya naisipan niyang silipin ang admin kung may tao pa...
"Manong kaloy andyan po ba kayo?"
Tawag niya ulit pero walang sumasagot. Inikot niya ang tingin sa loob ng admin pero wala ni isang empleyado doon. Paalis na siya ng makita ang isang lalaki na nakatayo sa printer machine...
"Sino ka? Paano ka naka pasok dito?"
Kinabahan lalo si Melanie ng hindi man lang ito sumasagot at patuloy ang pagprint. Nakita niya ang nahulog na papel sa sahig na kakalabas lang sa printer ang kanyang mukha. Agad naman siyang nahintakutan at mabilis na umalis doon. Tinakbo niya ang elevator nang bigla nanaman mamatay ang ilaw. Nakita niya na sinusundan siya ng lalaki kaya tinungo niya ang hagdan. Pababa na siya ng 3rd floor ng bumukas ang pintuan niyo at ang lalaki na nakita niya kanina ang nabungaran. Napaurong siya pabalik ng makita na lumalapit ito sa kanya...
"Sino ka at ano ang kailangan mo sa akin?"
Hindi ito sumagot bagkus patuloy pa rin ito sa paghakbang na nakatingin lang sa kanya...
Tumakbo na siya paakyat at dahil naka high heel shoes siya tsaka naka pencil cut na palda kaya nahihirapan siya sa pag-akyat. Naabutan siya nito at hinila sa braso kaya nawalan siyang ng balase at natumba kasabay ng pagdausdos sa hagdan. Tiniis niya na lamang ang pwet na kumikirot...
"Maawa ka sa akin please, ano bang nagawa kung kasalanan sayo?"
Pero hindi siya nito sinagot at hinila sa buhok na pilit pinapatayo. Namimilipit naman sa sakit si Melanie sa ginagawa nito at umiiyak na sa takot...
"Bitiwan mo ko! Ano kailangan mo!"
"Ang kaluluwa mo"
Malamig na tugon ng lalaki sa kanya kaya pinagsasampal niya ito. Nakakuha naman siya ng paraan at pilit inabot ang sapatos at bigla niya ito itinusok sa mata ng lalaki ang takon niyon tsaka tumakbo paakyat muli si Melanie sa hagdan na nakapaa na lang. Nakita niya pa kung paano bunutin ng lalaki ang sapatos sa mata nito na habang walang tigil sa pagdurugo. Takot na takot na si Melanie at hindi niya alam kung saan tatago. Bumalik siya sa 7th floor at pumasok sa kwarto niya. Nakita niya kanina na sinusudan pa siya ng lalaki. Kinandado niya ang pintuan at nagtago sa ilalim ng mesa niya na buong katawan niya nanginginig na sa takot. Naalala niyang tawagan si Reymund kaya kinuha niya ang cp sa bag. Nakita niya na ilang beses na pala itong tumawag sa kanya. Habang tinatawagan ang bf narinig niya ang mga yapak ng lalaki na nasa labas na ng kwarto nito...
"Babe anong nangyari sayo kanina pa ako tawag ng tawag huh"
"Babe please help me, theres a man outside of my office at gusto niya akung patayin. Please babe hurry"
Umiiyak at nanginginig na sabi ni Melanie tsaka hininaan lalo ang boses...
"What!! Ok babe Im coming"
Ini off na ni Reymund ang cp nito tsaka tumakbong pumasok sa building...
"Sir excuse me hoh, saan kayo pupunta bawal po kayong pumasok"
"****! Nasa panganib ang gf ko at kailangan niya ako ngayon"
"Pero sir..."
Hindi na natapos magsalita ng guard dahil sinuntok na ito ni reymund tsaka tinakbo ang hagdan. Pagdating sa 7th floor kahit hinihingal wala siyang inaksyang oras para sakluluhan ang gf nito. Inikot niya ang tingin sa paligid pero wala siyang may nakitang tao doon kaya tinungo niya na ang kwarto ni Melanie patingin-tingin pa siya sa kabilang dulo ng hallway baka bigla na lang lumabas ang gusto pumatay sa gf nito...
Bigla naman napakislot si Melanie ng makarinig ng mga katok sa pintuan at gayun na lang ang pagmamadali niyang buksa ang pinto ng ma bosisan ang nobyo. Sinalubong niya ito ng yakap at umiiyak siya dito...
"Ssssttt... babe its ok nandito na ako"
"Babe natatakot ako gusto niya ako patayin"
"Sstttt!! Tama na ang pag-iyak di ka niya mapapatay ok"
Iniharap pa siya ni Reymund at pinunasan ang mga luha sa mata nito. Nang bigla nalang napa higpit ang hawak ng nobyo sa pisnge niya at lumabas ang dugo sa bibig nito...
"Aaaaahhhhhh!!!! Babe!!!"
Napasigaw si Melanie sa nakita at napasandal pa si reymund sa kanya pero bumigat ito kaya dahan-dahan natumba sa sahig na inalalayan niya pa. Narinig pa ni Melanie ang halakhak ng lalaki na humahabol sa kanya at pasipol-sipol pa ito na umalis palayo...
"Babe.... babe.. don't leave me"
Lalo pang napahagulhol ng iyak si Melanie at na tutop ang bibig nito ng makita ang patalim na naka tusok sa ulo ni reymund.
"Babe... babe please don't die dadalhin kita sa hospital"
Binunot pa ni Melanie ang patalim sa ulo nito rumaragasang dugo ang lumabas doon na bumasa sa sahig ng office nito. Hawak-hawak niya pa ang patalim ng dumatig ang tatlong guard na sinundan si Reymund. Nagulat ang mga ito ng makita ang duguan na katawan ni Reymund at inutusan ng isang guard ang kasama nito na tumawag ng pulis at ambulasya..
"Please manong tulungan niyo ko dalhin natin siya sa hospital"
Hilam na sa luha at marami na ring dugo na nagkalat sa damit ni Melanie. Tinulungan naman ng mga guards na buhatin si Reymund pababa ng building. Nakasalubong pa nila ang rumesponding pulis sa baba...
=>> TV NEWS COMPANY
"Shania I want you to go in Mejares building I got a scope na merong krimen na nangyari"
"Ok Sir aalis na po ako"
"Ace aalis tayo maghanda ka!"
sigaw ni shania sa cameraman nito at tumakbo ng lumabas sa building. Sakay ng sasakyan na tunungo nila ang Mejares Building. Pagdating nila nakita niya ang mangilan-ngilang empleyado na nakiusyoso pa at si spo1 Nelson na ini embistigahan si Melanie...
"Bilisan mo Ace doon tayo"
"Sige po maam"
Gayun naman ang pagbuntot ng camera man nito sa kanya. Hinintay niya muna matapos ang pag embistiga ni spo1 Nelson kay Melanie bago niya ito kinausap......
"Ok na Ace nasa line na si Boss Harry"
"Ok ready, camera pasok!"
Sigaw ni Ace dito.....
=<<<<<<< "next session 2" Melanie's Death & meeting Hadjis >>>>>>>>=
- Session 2:
- == ANGEL, DEMON & HUMAN ==
BY: Dark Angel
==<><><> SESSION 2 <><><> ==
-- TV NEWS Late Coverage--
Noong nakaraan lamang natagpuan ang katawan ni Ms. EVELYN SORIANO sa apartment nito na naliligo sa sariling dugo na kaibigan ni Ms. MELANIE ngayon naman dito mismo sa Mejares building na ito ilang oras lang ang nagdaan ng magpumilit pumasok si Mr REYMUND DEL MUNDO sa naturang building at sinuntok pa ang guard kaya tinawag nito ang ibang kasamahan at sinundan si Del Mundo pero ng madatnan nila ito naliligo na sa sariling dugo at may saksak sa ulo na sanhi ng ikinamatay at ayun sa gf nitong si MELANIE MARSOL pinatay daw ito ng isang lalaki na naka leather jacket na black. Pero ng tignan sa cctv camera dito po makikita na walang foul play na naganap. Si Mr. REYMUND at MS. MELANIE lamang ang nasa naturang kwarto ng biglang mangyari ang krimen. Ngayon po under observation pa si Melanie at kailangan pa itong suriin dahil sa iba pang naganap. She need to see a psychiatrist para malaman ang condition niya for the meantime nasa hospital ito dahil may mga galos at pasa din siya at ayun sa lumabas na autopsy ni Ms. EVELYN SORIANO inuntog ang ulo nito sa tiles ng paulit-ulit kaya nagkaroon ito ng malaking pinsala na kinasanhi ng pagkamatay niya. Pero ang tanong sino nga ba ang pumatay sa biktima? Meron nga ba pumatay dito or kinitil niya ang sariling buhay? Ito po si Ms. Shania Madrigal ang naguulat...."
-- MADISON CIRCLE SUB.--
"Oh Ashei your late di mo tuloy na meet si Mark Dave kanina yung anak ng tita Alex mo"
"Im Sorry aunti Mhay, nagkaroon kasi ng emergency kanina kaya di ako naka uwi agad"
"Ok lang yun iha babalik siya this sunday, and you know what iha pinanood ka namin kanina hanga-hanga siya sayo"
"Naku aunti for sure binida mo nanaman ako doon"
"Ofcourse Im your aunti and so proud of you Princes Ashei. He ask me nga why your name shania on the tv I told him, that was only your screen name"
"And thank you aunti that's why I love you so much, mana lang sayo"
"Oo nga pala come ipaghahain kita"
"It's ok aunti kumain na ako with alex bago umuwi. Gusto ko na lang mag pahinga subra sakit ng likod ko"
"Dapat kana nga magpahinga cuz your at the office the whole day. Don't forget to take your medicine"
"Yes aunti, kaya love na love kita bini baby mo pa rin ako. Ok I'l go up now, goodnight"
"Goodnight Ashei"
Pagkatapos humalik kay mhay umakyat na si Ashei sa kwarto. Naglinis agad ito ng katawan at matutulog na sana ng maalala ang hinahawakan scope ni Malanie. Hindi talaga siya maka paniwala na si Melanie ang papatay sa boyfriend nito. There's a part of her na naniniwala dito but she's also into a big doubt.
"But why she need to kill her boyfriend? How about the death of Evelyn? Imposible talaga. Haist! Tama na Ashei matulog kana bukas na lang ulit yan"
Inabot niya na ang lampshade at pinasyang matulog.....
-- DUNKAN PROVINCE --
"wow im so duper happy sayo hadjis"
Bigla pang niyakap ni Angie ito na makikita ang saya pati sa mga mata....
"Salamat my My Angel Angie kung di dahil sayo at kay itay Rasco hindi ako maka pass sa cpa exam"
"Ikaw lang eh wala kang tiwala sa sarili mo. Remember lagi ka magtiwala sa sarili mo lalong lalo na sa nakikita mo"
"Tama ka angie Im so blessed din kasi simula noon hanggang ngayon ikaw ang nagbibigay lakas sa akin para maabot ko ito"
"Naku napa ka emo mo talaga hadjis eversince, oh hali kana sigurado matutuwa si tatay Ru
Rasco sayo sa ibabalita mo"
"Tama ka angie tudo hirap si itay sa akin now its time for me to pay him back"
"Ayyyy??? Ur so duper super sweet talaga"
Kumapit pa si angie sa mga braso ni hadjis habang pauwi sila. Parehong masaya at hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nila. Habang ang ibang tao na nakakakita kay hadjis nagtataka bakit ganun ang reaction niya at nagsasalita pang mag-isa.
"Angie bili na muna ako ng makakain namin ni itay bago umuwi"
"Tamoh! My labs tsaka medyo gutom na rin ako. Pa libre ka naman dyan my labs"
"Naku kung di ka lang malakas sa akin di kita eh lilibre."
"Yehey! Salamat my labs"
Todo pa cute pa ito kay hadjis at inakbayan pa habang nag lalakad sila kahit matangkad ito sa kanya. Pagdating sa bahay naabutan nilang nagluluto si Rasco..
"Oh tay ano yang niluluto niyo? Mano nga pala tay"
Sabay abot sa kamay ng itay nito habang si Angie nilapitan ang kalan at inamoy-amoy ang niluluto ni Rasco ng lalong maka ramdam ng gutom....
"Brooooot.... broooooot"
Hinamas ni angie ang sikmura niya kaya napa ngiti si hadjis sa kanya...
"Kamusta anak yung board exam ba yun ninyo?"
"Ay oo nga pala tay mag ce-celebrate tayo nagyon dahil naka pasa po ako"
"Talaga anak?! Woaaahh! May cpa na ako na anak"
"Salamat tay, para po sa inyo yun"
Nagyakapan pa ang mag ama sa subrang kaligayahan habang panay subo na ni angie sa manok na niluto ni mang Rasco...
"Uhmmm excuse me hindi pa po ba tayo kakain?"
Dinot-dot pa ni angie sa likod si hadjis ng hintuturo nito...
"Ay oo nga pala tay bumali ako ng pagkain natin, eh hahanda ko na may nag re-reklamo na kasi"
Hindi lingid kay Rasco na may kaibigan si Hadjis na siya lamang ito nakakita. Sabi nito sa kanya guardian angel niya daw na binabantayan siya. Alam niya yun dahil minsan na ito nag pakita sa kanya yun nga lang kalahating katawan lang...
"Sige anak luto na rin ito ihahain ko na"
Pagkatapos mahanda ang pagkain sabay-sabay na silang kumain na tatlo habang si angie naman ay walang tigil sa pagsubo...
"Oo nga pala tay, bukas aalis ako may exam ako bukas doon sa inaplayan kung auditor sa isang companya"
"Sige anak pagbutihan mo huh, alam kung makakapasa ka doon"
"Kaya lang tay sa manila assign yun eh, paano na kayo dito?"
"E di lilipat tayo sa manila anak ganun lang ka simply yun"
"Pero di ba tay ayaw niyo iwan itong bahay"
"Yaan mo anak oras na rin siguro para pumunta tayo ng syudad"
"Naku tama yan tay Rasco, pupunta tayo ng syudad"
Sagot naman ni angie sa usapan ng mag ama kahit hindi siya nito nakikita. Pagkatapos magligpit ni hadjis nag paalam na ito sa ama para mag review. Nagulat siya dahil pagpasok niya sa kwarto nakita niya si angie na naka higa sa kama nito...
"Naku inunahan mo pa ako sa higaan ko Huh?"
"Pagod ako hadjis kaya matutulog na muna ako, this day im so tired tignan mo nag dry na skin ko dahil sa araw"
"Ang arte ng angel na to, sige na matulog kana lang dyan at mag review muna ako para bukas"
"Okie.... goodluck"
Napailing na lang si hadjis kay angie ng makita itong naka pikit na at sarap na sarap sa higaan niya at yakap-yakap pa ang unan nito. Tinungo niya na mesa na nasa kwarto tsaka nag simulang mag review. Maya-maya habang nasa kalagitnaan siya ng pag-review binalingan niya si angie na sarap na sarap sa pagtulog na naghihilik pa. Napangiti si hadjis at naalala ang unang pagkikita nila.
-- 16 YEARS AGO --
5 years old pa lang siya noon nang makilala niya ito. Pareho lang din sila ng edad kaya enjoy na enjoy siya dahil nagkaroon siya ng kalaro. Dahil nga malayo ang mga bahay sa isat-isa kaya wala siyang kalaro na nga bata kung meron man lage siya tinutukso ng mga ito, inaaway at lage tinutulak...
"Hoy wag!! ano ginagawa niyo sa kanya ang lala-ki niyo na pumapatol pa kayo sa bata. Saan pumunta utak niyo sa pwet? Salbahi niyo huh!?"
Talak ni angie sa mga ito pero hindi siya naririnig at si Hadjis lamang ang naka rinig sa kanya. Nang akmang susugurin na siya ng matabang lalaki at sisipain pagkatapos siya nitong itulak. Humarang lamang si angie sa harap niya ng magtakbuhan ang mga ito palayo sa kanya...
"Salamat huh ako nga pala si hadjis ikaw?"
"Just call me angie for short"
Sabay tinulungan tumayo si hadjis sa damuhan...
"Salamat ulit angie pero ano ginawa mo doon bakit mukhang takot na takot sila sayo?"
"Wala naman nagpakita lang ako sa kanila na kalahati ang katawan"
"Huh paano mo yun nagawa eh buo naman katawan mo?"
Sumabay na ito sa kanya sa paglakad pa uwi sa bahay nila...
"Hadjis ikaw lang ang makakakita sa akin. Oo nga pala ako yung guardian angel mo."
"Talaga?! Weee di nga?"
"Oo tingin mo bakit hindi nila ako narinig kanina?"
"Totoo ka nga ba pero (dinuro niya pa ito sa braso kung mahahawakan niya) bakit nahahawakan naman kita?"
Kinuha ni angie ang dalawang kamay ni hadjis at inilagay sa balikat nito tsaka inilipad na abot na ang pinakamababang bahagi ng ulap at sa pamamagitan ng sinag ng araw lumabas ang mumunting pakpak ni angie at ang napakaamong mukha nito. Nagulat naman si hadjis na mayhalong takot na naramdaman....
"Pwe...pwede ko bang hawakan ang pak-pak mo?"
"Oo naman, ngayon na niniwala kana ba sa akin na totoo ako?"
Napatango na lang si hadjis na hindi ma alis-alis ang ngiti sa mga labi nito. Tumingin pa ito sa paligid na animoy hindi maipaliwanag ang nararamdaman saya na kani-kanina lang ay takot ang nadama...
-tok... tok..tok..-
Nagising si hadjis sa malalim na pag-iisip ng marinig ang mga katok sa pinto.
"Anak gising ka pa ba?"
"Opo tay pasok kayo"
Bumukas ang pintuan at sumilip ang itay nito...
"Ano gusto mong ulam bukas ng umaga ipag luluto kita"
"Wag na tay marami naman natira na pagkain yun na lang kakainin ko"
"Ah sige anak, anong oras ba yung exam mo?"
"Tanghali na rin tay nga 10 na"
"Ah kung ganun pala ma una ako sayo ng alis maaga Kami sa bukirin bukas eh"
"Ah sige po tay, pahinga na po kayo matutulog na rin ako"
"Sige iho, gudluck! Sayo bukas"
"Salamat tay"
Pagkasara ng pintuan ibinaling ulit ni hadjis ang tingin kay angie na tulog pa rin. Lumabas muna siya para gumamit ng cr. Pagbalik nito nasa higaan niya pa rin si angie kaya nag latag na lamang siya sa sahig....
-- MELANIE'S DEATH --
Dahil walang maaaring suspek sa krimen kundi si Melanie kaya ikinulong ito pero sa kulungan ng mga baliw dahil sa pag-aakala ng lahat na babaliw na ito...
"nurse!!! Wag niyo kong iwan dito please labas niyo ko mga walang hiya kayo!!"
Sigaw ni Melanie na binabayo ang pintuan ng kulungan nito...
"Palabasin niyo ko dito parang awa niyo na hindi ako baliw nag kamali kayo. Totoo may humahabol sa akin at gusto niya akong patayin. Siya rin pumatay sa boyfriend ko please"
Nagmamakaawa nitong sabi at halos mamaos na siya kakasigaw at iyak pero walang may naka rinig sa kanya. Kakapasok lang sa kanya kanina sa mental pagkatapos na pagkamalan siyang napatay niya si Reymund ang boyfriend. Inikot ni Melanie ang tingin sa paligid tsaka lumapit sa higaang naroon. Umakyat siya sa higaan at isiniksik ang sarili sa gilid niyo sabay yakap sa paa. Dalawang araw na siyang sinusundan ng isang anino at kagabi nga nakita niya ulit ang lalaking pumatay sa boyfriend niya kaya dapat sa selda ng mga priso siya ilalagay, dinala siya sa kukungan ng mga baliw. Bigla pang napa peksi si Melanie ng bumukas ang pintuan nito nakita niya ang isang nurse na may dalang pagkain. Papaalis na ito ng tibakbo niya kaya natabig niya pa ang pagkain tsaka tubig na inilagay sa sahig...
"Miss...!!! Misss!! Palabasin mo ko dito hindi ako baliw"
Pagmamakaawa nito sa nurse na hinahawakan niya pa ang braso nito. Gayun na lang bigla siya napabitaw ng sa pagbaling nito sa kanya ang mukha ni Evelyn ang nakita niya na tumutulo ang dugo sa kaliwang bahagi ng ulo nito at pati mata nito dumudugo na rin....
"Hindi!!!! Hindi ito totoo hindi!!!"
"Sumama kana sa amin Melanie, nakalimutan mo ba na magkasama tayong tatlo noong gabing iyon?"
"Wala akung alam sa sinasabi mo evelyn!"
"Nakalimutan mo ba sa apartment noong nakaraang gabi. Noong tinawag mo ang kaluluwa? Naalala mo ba iyon?"
Napailing-iling si Melanie sa sinabi ni evelyn sa kanya. Naalala niya naglalaro sila noon ng cards ng biglang mamatay ang ilaw at bumalik din ulit...
"Naku mukhang pinaglalaruan mo kami huh, sige nga magpakita ka? Di ako natatakot sayo kung sino ka mang espirito ka"
Nakaramdam sila ng pag-ihip ng hangin na nakasara naman ang bahay na lalo pang pinagtaka nila pero ilang sandali tinawanan din nila...
"Hahahahaha, ngayon naalala mo na? Ikaw ang naglagay sa kapahamakan sa mga kaibigan mo! Hahahaha"
Napailing-iling si evelyn habang umuurong lalo pa't umiba na ang boses ng nurse na tila isang demonyo ang nagsasalita. Ngumiti pa ito sa kanya bago lumabas at sinusian ang kwarto niya.
Lumipas ang dalawang araw at kinagabihan....
"Babe sumama kana sa akin"
Biglang nagising si Melanie at gayun na lang ang pagsisigaw nito ng makita ang mukha ni Reymund na naka tunghay sa kanya at may kutsilyo pa ang ulo nito na tumutulo ang dugo. Namumuti na ang mukha nito na halos nangingitim naman ang palibot ng mata...
"Aaaaahhhh!!! Lumayo ka sa akin... hindi!! Hindi ako sasama sa inyo!!"
Nagsisigawan si Melanie sa kwarto nito na rinig na rinig naman ng ibang mga baliw. Ilang oras ang lumipas tumahimik na rin ito. Dahil ala una na ng madaling araw wala ng mga nurses at iba pang taga bantay ang umiikot....
-- 8 am in the morning --
Maaga pa nagtungo si Shania sa mental hospital para kausapin si Melanie. Kasama ng dalawang nurse na tinungo nila ang kwarto nito. Bigla silang nagulat ng mabungaran ang patay na katawan ni Melanie na nakasabit sa pinunit nitong kumot at itinali ang isang dulo sa bakal ng bubong. Bukas pa ang mga mata nito na namumula sa nagkukumpulang dugo. Agad naman sila tumawag ng tulong para matignan ito. Ang lumabas na resulta nagbigti si Melanie pagkatapos magsisigawan ito ng nagdaang gabi.....
~ FLASH BACK ~
"Tulong!!!! Tulungan niyo ko...!! Maawa na kayo... huhuhu"
"Wala kanang kawala Melanie hahahaha"
"Hindi!!! Demonyo ka lumayo ka sa akin"
Habang pinupogpog ni melanie ang pintuan nito papalapit naman ang lalaki na may hawak-hawak na kumot...
"Tulong!!! Palabasin niyo ko dito papatayin niya ako!!!"
Tanging ang kaharap lang na baliw ang naka kita ng biglang itinali ng lalaki ang kumot sa leeg ni Melanie...
"Aaa....aaa....aah"
Pasinghap-singhap si melanie na pilit Kinukuha ang tela sa leeg nito pero hindi niya magawa. Pilit niya rin inaabot ang mukha ng lalaki para kalmutin pero wala na siyang lakas para gawin yun hanggang sa bigla na lang tumahimik ang paligid at dumaos-dus ang katawan ni melanie sa pintuan na may maliit na salamin. Itinali ng lalaki sa leeg ni melanie ang pinunit na kumot tsaka ikinabit sa bakal na nasa bubong. Umiikot-ikot pa ang wala ng buhay na katawan nito habang ang mata ay naka bukaka at nagbabadya ang dugo na lumabas doon...
"Wag ka mag-alala Melanie magsasama na rin kayong tatlo hahahahahaha"
Tumalikod na ang lalaki at lumabas sa pintuan kahit naka sara ito. Ang baliw na nasa harapang kwarto pagkatapos makita na sinakal si Melanie ng kumot at mamatay bigla itong nahintakutan at sumiksik sa kama tsaka nagtalukbong na nanginginig pa sa takot...
=<<<<< next session 3 " bestfriend game " >>>>>>=
- Session 3:
- == ANGEL, DEMON & HUMAN ==
BY: Dark Angel
=<><><> SESSION 3 <><><>=
- Three Months Later -
"Aiza can you please call Celine, to know were is she?"
Malahadirang utos ni Sarifa kay aiza na nagmamadali naman idaial ang numero ni celine...
Krrriinng.... krriiingg....
"Hello Celine nasaan kana? Nagagalit na si sarifa kasi wala kapa dito"
"Sorry aiza malapit na ako"
"Sige bilisan mo huh"
"Oo andyan na"
Pagkatapos makipag usap ni celine kay aiza ni off na nito ang cp..
"Oh ano nasaan na daw siya? Kailan pa natin sisimulan itong project natin kung nasa kanya yung gagamitin"
"Ah sarifa malapit na daw siya"
"Siguraduhin niyang malapit na siya kung hindi out na siya sa grupo natin"
"Sarifa easy ka lang ok, ba't ang init ng ulo mo today"
Sagot naman ni elena habang walang tigil sa kakatitig sa salamin ng foundation nito...
"Talagang mainit ang ulo ko Elena, that crap he broke up on me after what I've done to him"
"You mean Martin?"
"Who else, his so stupid for making me believe that he loved me"
"Talaga sarifa after mo siya...."
Agad itinigil ni aiza ang sasabihin ng pinandilatan siya ng mata ni Sarifa. Kaya iniba niya na lang ang sasabihin ng makita si celine na humahangos patungo sa kanila...
"Andito na pala si celine"
"Ba't ngayon ka lang where have you been?"
"Pasensya na sarifa ang trafic kc tsaka alam niyo guys may sasabihin ako sa inyo ang weird ng nangyari sa akin kagabi kaya late na ako na gising"
"A..anong weird na nangyari sayo celine?"
tila naka dama ng takot si aiza sa sinabi ni celine
"You don't believe guys, kagabi it was 11 pm ng matutulog na ako i heard some footsteps out of my room akala ko si papa kasi nawala din agad but after 30 mins i heared it again pero tila may bakal siyang hinihila kasi gumagawa ng tunog sa sahig maya-maya nawala din yun but it was 3 am i think ng maramdaman kung bumukas yung pintuan ko kahit naka lock siya. Kaya nagising ako at gayun na lang hintakot ko ng makita ang isang tao naka itim siya na damit i don't know if its a girl or a boy kasi na tatakpan ang ulo nito ng damit niya may sinabi siya guys, sabi niya sa akin kukunin niya yung soul natin then habang papunta ako dito tila feeling ko may mga matang nakasunod sa akin"
Puno ng takot na kwento ni celine sa mga kaibigan nito gayun din si aiza habang tila wala naman pakialam si Elena..
"Hush! Nananaginip ka lang celine for sure"
Sabi naman ni sarifa na hindi pinaniniwalaan ang kinuwento ni celine"
"Pero paano kung totoo nga sarifa?"
"Hindi totoo yun, epekto na yan ng horror movie na pinapanood mo kung ano-ano nakikita mo, tsaka bakit niya naman kukunin kaluluwa natin ano siya diyos"
"Pero sarifa baka totoo yung sinasabi ni celine hindi kaya..."
"Shot up aiza isa ka pang matatakutin, sige na umpisahan na natin itong project natin it's already late"
"Tama, sige na guys gawin na natin ito pag tayo nanalo dito tayo ang sasali sa bestfriend game"
Sabi naman ni elena sabay balik ng nga pampaganda nito sa bag. Wala na nagawa si celine at aiza kundi ang iwaski ang nasa isip at gawin ang project nila. Lahat sila takot kay sarifa, ito ang leader ng grupo nilang apat. Lahat dapat ng sasabihin nito ay dapat mong sundin kung hindi wala itong awa na pahirapan ka pagkatapos alisin sa grupo. Magkaklase sina sarifa, elena at celine simula pa noong high school kaya sila ang unang naging magkaibigan. Nitong taon lang nakilala ni aiza ang tatlo dahil naging kaklase niya ito at kahit noon pa man hanga na siya sa tatlo. Kaya nung naging kaklase niya ito sinubukan niyang mapalapit sa mga ito lalo na kay sarifa. Dahil sa matalino siya kaya sa kanya na ngungopya si sarifa at elena. Si sarifa ay spoiled at nag-iisang anak ng kilalang negosyante sa lugar nila, dahil mayaman kaya sunod ang luho at ano ang naisin nito ibinibigay ng mga magulang. Sina elena at celine hindi naman masasabing mayaman pero may kaya sa buhay siya lang talaga ang mahirap naka pasok lang siya sa school na iyon dahil sa scholarship niya...
"Guys, i have to go na muna kayo na bahala mag tapos diyan huh. Gandahan niyo ang pag gawa dyan"
"Wait sarifa, i need to go may date kami ni Karlo (sabay tingin sa relo nito na nasa bisig) oh **** im going to be late"
Maarte naman sabi ni Elena...
"Oh siya celine and aiza kayo na tumapos diyan bahala na kayo huh"
Sabay sakbit ng shoulder bag nito at umalis na sila ni elena. Wala namang nagawa sina celine at aiza kundi ang mapa iling na lamang sa dalawa. Habang gumagawa ng project pinag usapan nilang dalawa ang sinabi nung nagpakita kay celine...
"Celine hindi kaya si..."
Hindi niya pa natapos ang saaabihin ng sinita na siya ni celine...
"Naku aiza wag na wag mong babanggitin yan dahil pagnalaman at marinig ka ni sarifa magagalit yun"
"Natatakot lang ako celine"
"Ako nga din aiza, kanina hindi na ako naka tulog dahil takot na takot ako baka bumalik yung nagpakita sa akin, teka 5:30 na pala hali kana uwi na tayo"
"Pero paano itong project natin hindi pa tapos, baka pagalitan tayo ni sarifa"
"Hati na lang tayo sunday pa lang naman bukas ako na gagawa ng iba"
"Sige ito na lang sa akin"
Pagkatapos paghatian ang project nila sabay ng umuwi sina aiza at celine...
-- CFC CORP. --
"Ano my dear tapos kana ba dyan? Late na may date pa tayo"
Sabi ni angie na sinilip si hadjis sa cubicle nito....
"Angie wag ka muna magulo ok, kailangan ko itong matapos dahil deadline ng report sa monday"
"Uhmm! ano ba yan ang bagal were almost 7 hours here at the office hindi pa rin tapos yan, tsaka you promised na pupunta tayo ng mall di ba"
Pinalungkot pa nito ang mukha na tila nagtatampo kay hadjis....
"My angel alam mo naman na hindi ko ito pwede ma take home di ba"
"Ok.. wait tutulungan na lang kita but yung promised mo huh"
"Oo na po ang kulit mo na angel sige na hintayin mo na lang ako dyan papatapos na rin ito"
"Tank u my dear"
Bamalik na si angel sa inuupuan nito kanina. 30 minutes ang lumipas ng makita niya na nagliligpita na si hadjis...
"Oh hali kana"
"Aalis na tayo? Tapos kana ba?"
"Hindi pa pero na aawa ako sayo eh alam ko na kanina pa kumakati yang paa mo at gusto mo nang gumala tayo"
Napangiti si angie tsaka ginawaran ng halik si hadjis sa pisnge at sumabay na dito palabas sa kwarto ng mga auditor...
"Oh saan gusto mo pumunta?"
"Mall muna tayo.. uhmm wait gusto ko sumakay ng mga rides eh"
"Mamaya pa yun bubukas yung mga rides 6 plang, sige punta na lang muna tayo sa mall"
"Sige my dear ikaw na bahala" pangiti-ngiti pa si angie dito habang palabas ng gusali. Dahil hindi naman kalayuan ang mall sa office nila kaya nilakad na lamang nila ito. Papasok na sila ng entrace ng mabangga si hadjis ng babae na nagmamadali at may kausap ito sa celphone...
"Oh! Im sorry"
Iyon lang nasabi ng babae at nagmamadali na itong umalis...
"Hadjis sa babae ata itong ID"
Pinulot pa ni angie ang nahulog na ID ng babae..
"TV COMPANY, PRINCESS ASHEI MADRIGAL... parang familiar yung name niya"
Kinuha naman ni hadjis ang ID kay angie at tinignan...
"Wait TV company iisa lang kaya sila ng TV NEWS?"
"I think so, yeah naalala ko na isa siyang reporter if im not mistaken siya si shania madrigal na report wait may i see"
Sabay hawak sa kamay ni hadjis at tinignan ang litrato..
"I knew it siya nga, may favorite reporter akin na lang to sourviner sa kanya"
"Hindi ka rin pasaway na angel no, kailangan niya to ID nila ito sa office kaya ibabalik natin ito sa kanya"
"Ok sabi mo eh baka di pa matuloy ang ice cream ko"
Napailing na lang si hadjis kay angie minsan di siya maka paniwala bakit naging isa itong angel gayong napaka kulit nito...
"Hali ka nga dito"
Inakbayan niya na lang ito habang nag lalakad sila patungo sa smarties ice cream na favorite nito. Buong buhay niya ito na kasama niya at di niya ma sasabing minsan tila nag eenjoy siya sa kakulitan nito. Si angie at tatay Rasco niya lang ang nagpapasaya sa kanya. Pagkatapos nila mag ikot sa loob ng mall dahil hinintay nila mag 7 ng gabi kaya tinungo nila ang palaruan kung saan may mga rides na masasakyan. Pagka bili ng ticket agad hinila ni angie sa kamay si hadjis at tumakbo sa octopose ride...
"Dyan tayo sumakay my dear"
"Ayaw ko nga baka tumalsik pa ako dyan"
"Sige na my dear gustong gusto ko talaga sumakay dyan"
"Ikaw na lang nakita mo yung lalaki na yun tabihan mo kaya walang kasama oh"
"Ganun pinamimigay mo na ako"
Pagtatampo ni angie sa kanya na pinahaba pa ang nguso. Natawa naman si hadjis sa mukha nito kaya napapayag din siyang sumakay kahit natatakot siya...
"Sayang gwapo sana mukhang baliw"
Nagkatawanan pa ang dalawang magkaibigan na nakasunod ng tingin sa kanya. Inalalayan pa ni hadjis na umupo si angie bago siya sumampa...
"Teka-teka meron pa isang sasakay"
Lumapit sa kanya ang nagbabantay kasama ng isang babae...
"Bosing dito na uupo si miss beautipol"
"Teka bosing binayaran ko po itong dalawang upuan"
"Huh paano mo binayaran eh wala ka namang kasama"
"Meron bosing di mo lang nakikita"
Nagtaka naman ang nagpapasakay sa sinabi ni hadjis...
"Bruno ok na yan binayaran niya yan dalawa!"
Sigaw naman ng kasamahan nito sa ticketbooth. Kaya pina tabi na muna ng lalaki ang isang sasakay at hinanapan ng bakanteng upuan..
"Naku papatabihan ka pa sana ng sexy huh"
"Mas sexy kapa rin doon pag tulog naka hilik kapa eh"
Inungusan lang ito ni angie at bigla naman natakot si Hadjis ng umusad na ang sinasakyang rides hanggang sa unti-unti itong bumibilis. Napakapit naman si angie sa kanya ng bumilis na ito napa sigaw na rin sila kasabay ng iba pang pasahero. Halos di maipinta ang kasayahan sa pagmumukha nilang dalawa habang pauwi. Ang dami pa kasi ng sinakyan nila hindi naman maka tangi si hadjis dahil naka pangako siya dito na ililibre siya pag naging regular na siya sa trabaho at kahapon nga lang siya pumirma ng regularization niya bilang trabahante sa companya. Bumili na lang sila ng pagkain at pagkatapos kumain nag pahinga na. Wala naman ng araw na iyon si mang Rasco dahil dinalaw nito ang bahay sa probinsya tuwing byernes ito ng hapon umuuwi at lunes ng hapon bumabalik...
-- MADISON CIRCLE SUB. --
KRIINNNGG!! KRRIINNG!!
"Hello Shania nasaan ka? I need you to go in Kamuning river dahil may natagpuan daw na patay ang mga residente doon"
"Now na ba sir harry, pwede ba ibigay niyo na lang muna sa iba"
"Shania, kamuning river is only 15 mins drive from your place so please go now"
"Ok sir harry"
Tinatamad na nagsuot na lang ng pantalon at nag jacket si ahsei na dala ang cp nito at bumaba ng hagdan...
" oh iha where are you going?"
"Boss harry called me up meron daw natagpuan na patay sa kamuning river so i need to go there para sa flash new nanaman"
"Hirap naman yang work mo iha, mag-ingat ka ok"
"Dadaanan ko na lang si ace para may kasama ako"
"Sige iha, ingat sa pag drive hihintayin na lang kita"
"Ok aunti i need to go now"
Napatango na lang si mhay sa pamangkin nito..
-- Kamuning River --
Pagdating sa kamuning marami ng tao at mga pulis may mga ibang reporter na rin ang naki embistiga sa nangyari...
"Maam Shan, doon po tayo"
Nilapitan nila ang bangkay at tila masusuka si shania pagkakita dito. Iniabot niya na lang kay ace ang celphone at ito ang kumuha ng pictures. Tila ilang araw na itong palutang-lutang sa tubig at halos hindi na makilala ang mukha dahil lumubo na ang buong katawan nito at namumuti...
"Aling Alma paano po ba ninyo na kita ang bangkay?"
"Sa totoo lang eneng kanina ko pa yan nakita nung hapon habang kinukuha ko ang damit sa sampayan hindi ko lang talaga pinansin. Yung anak ko ang naka pansin talaga na tao kasama yung kaibigan niya siningkit daw nila ng kaghoy sa pag aakalang basura lang pero ng lumabas na ang ulo nito nagulat sila at nagsisigawan na may taong patay. Kaya dali-dali din akong lumabas ng bahay at yung ibang mga kapitbahay nga namin nagsilapitan na rin pinag tungan nilang eh angat agad ang bangkay baka maagos pa muli..."
"Maraming salamat po aling alma"
Pagkatapos makipag usap nagtanong din sila sa ibang pulis na naruruon dumating na rin ang ambulansya at isinakay na ang biktima na dadalhin sa morge....
"Ano ace tama na yata itong scope natin"
"Sige maam shan ako na lang mag ayos ng mga photo tsaka itong video niyo kay aling alam"
"Salamat ace huh, halikana alis na tayo"
Pagkatapos ihatid ni shania si ace sa bahay nito dumiretso na rin siya ng uwi. Papaliko na siya ng biglang may tumawid sa daan buti na lang naka pag preno siya agad. Matalim na tinititigan siya ng lalaki bago tumabi. Hindi na siya bumaba kahit gusto niya na ito pagalitan dahil natatakot din siya at mag-isa lang. Pinaharutot niya na lang ang sasakyan habang patuloy pa rin siya tinititigan ng lalaki na nakita niya sa rearview mirror...
-- SARIFA & ELENA MISSING --
Pagkatapos ma announce na grupo ni sarifa ang pipiliing sasali sa bestfriend game dahil project nila ang napili sa lahat na pumasa. Naghanda na sila sa darating na palaro kinabukasan...
"Oh ano guys handa na ba kayo bukas sa game natin?"
"Oo sarifa, mini memorize ko na nga lahat na sagot na maaring itanong ng host bukas"
"Ako rin aiza ito pinag aaralan ko na rin"
Sagot naman ni celine sa kabilang linya dahil naka conference call silang apat at doon lang sila nag uusap...
"Ikaw elena ok kana ba?"
"Ofcourse sar, alam ko na yang sasagutin bukas tungkol lang naman yan sa pagiging bestfriend natin"
"Siguraduhin mo lang elena naku dapat manalo tayo bukas"
"Oo na sarifa, sige na need to end the line tumatawag si mike eh"
"Oh sige na goodbye na rin sa inyo be ready for tomorrow girls"
Pagkatapos nila makipag usap sa isat-isa nagbalik sa pagbabasa sina celine at aiza habang si sarifa naman ay kinuha ang laptop at nag internet. Nang maka ramdam ng bagot ini off niya na ito at nagpasyang matulog. Kakapikit pa lang ng mata ni sarifa ng may nga kamay na tumakip sa kanyang bibig...
"Ummmmhhhh!!!...uhmmmm!!"
Pilit niyang maka sigaw pero walang boses na maka labas dahil sa mga kamay nito na naka harang sa kanyan bibig. Agad naman siya sinuntok sa mukha ng lalaki at bawalan siya ng malay. Tila unan lang na binuhat siya ng lalaki palabas ng kwarto...
Sa bahay naman nina elena, pagkatapos nito makipag usap sa boyfriend niya lumabas ito ng kwarto para kumuha ng tubig. Pagbalik niya nakita niya ang cp na merong miscol. Hindi niya na lang pinansin dahil hindi naka register ang # ng tumawag at inayos na ang higaan. Maya-maya maypumasok na mensahe...
"Hi babe si mike to, andito ako sa labas ng bahay niyo"
Nagtaka si elena dahil kakatapos lang nila mag-usap. Sinilip niya pa rin ang labas sa bintana at nakita niya nga ito nakatayo sa gilid ng motorsiklo nito. Dali-dali naman nilabasan ini elena, dahan-dahan pa siya dahil baka magising ang magulan...
"Bakit ka nandito kaka usap lang natin huh"
"Gusto sana kita makasama"
"Bakit saan ka pupunta?"
"Basta may ipapakita lang ako sayo, hali kana"
Agad na siya iniangkas ng bf nito sa motorsiklo..
"Babe teka baka magising sina mama at wala ako"
Pero hindi na ito nagsalita at pinaandar na ang motorsiklo..
"Babe saan ba tayo pupunta?"
"Basta manahimik ka na lang dyan"
"Babe?!"
Biglang naka ramdam ng takot si Elena ng matunugan ang galit nitong boses...
Binot naman ng kaba si Elena ng tumigil sila sa isang abandunadong bahay at pagkababa ni nito gayun na lang ang pagkagulat niya na hindi na ang bf nito ang kasama...
"Sino ka! Pa..paanong? Nasaan si mike?"
Sabay paurong ni elena dito. pero tinawanan lamang siya ng lalaki na lumalapit din sa kanya. Tatakbo na sana si elena ngunit na unahan siya nito at hinablot siya sa buhok tsaka kinaladkad papasok sa loob ng bahay...
"Bitiwan mo ko demonyo ka!"
Pilit kumakawa si elena dito pero mas malakas ito sa Kanya at di man lang siya maka alis sa pagkakahawak nito. Napapangiwi na siya sa sakit sanhi ng pagkakasabunot sa buhok niya. Dinala siya ng lalaki sa isang malaking kwarto at doon nakita niya si sarifa na naka tali ang magkabilang kamay nito sa bakal at walang malay..
"Sarifa!, hayop ka ano ginawa mo sa kaibigan ko!"
Pinagbabayo niya na ito sa dibdib pero sinampal siya nito ng ubod lakas na halos natumba na siya at pumutok ang kanyang labi. Pilit siya pinatayo ng lalaki na sinasakal tsaka sinuntok siya nito sa sikmura na nawalan naman ng malay...
"Hahahahaha!!! Bagay lang yan sa inyong dalawa. Wag kayo mag alala dadalhin ko rin dito ang dalawa niyo pang kaibigan at kayo ang katuparan ng lahat"
sabay tumawa ng nakakaluko. Pagkatapos itali si Elena iniwan niya ito kasama si sarifa na wala pa din malay..
=>>>>>> see session 4 death game <<<<<<<=
- Session 4:
- == ANGEL, DEMON & HUMAN ==
By: Dark Angel
=<><><> SESSION 4 <><><>=
- BESTFRIEND DEATH GAME -
Nagising sina Sarifa at Elena sa ingay ng dalawang kaibigan na patulak na ipinasok ng lalaki sa malaking kwarto...
"Sino ka ba anong kailangan mo sa amin!"
Umiiyak na sigaw ni Aiza dito...
"Ano ginawa mo sa mga kaibigan namin kalagan mo sila hayop kang demonyo ka!"
Sigaw din dito ni celine kahit natatakot na sila sa lalaking hindi nila kilala...
"Wag kang magmadali celine papakawalan ko sila at maglalaro tayo hahaha!, di ba ngayon sana ang bestfriend game niyo. Gawin nating death game hahahaha!!! ano ok ba huh!"
"Demonyo ka talaga mamamatay tao!"
"Hep...hep...hep!! Sarifa sino kaya ang mamatay tao? Sinisingil lang kayo ng mga ginawa niyong kasamaan at ako ang sisingil niyon"
Hindi na napigilan ni celine ang galit at takot na nararamdaman kaya sinugod niya ang lalaki at binayo sa dibdib pero hinawakan siya nito sa braso at itinulak na napa sud-sud sa lapag. Agad naman tinakbo ni aiza ang kaibigan at inalalayang tumayo. Habang si sarifa ay nag pupumilit na makawala sa tali niya...
"Bago natin simulan ang laro ipaalala ko sa inyo kung bakit kayo narito. Ano ginawa niyo kay Pearly? Di ba pinatay niyo siya, at bakit dahil siya ang napupusuan ng ex bf mo di ba sarifa?"
"Paano mo nalaman ang tungkol dun? hindi kami ang pumatay sa kanya!"
Sagot naman ni sharifa sa lalaki na palakad-lakad sa loob ng kwarto...
"Hahaha wag kang magsinungaling sarifa alam kung yun ang balak mo. Pagkatapos niyo siyang ikulong na magkakaibigan sa cr at di hamak na takot ang nakuha niya sa inyo, aminin mo sarifa sa mga kaibigan mo may binayaran kang tatlong kalalakihan para gahasain siya di ba"
Bigla naman nagtaka ang tatlong kaibigan pagka rinig sa sinabi ng lalaki...
"Totoo ba yun sarifa? Akala ko tatakutin lang natin siya?"
Nag-aalalang tanong sa kanya ni elena na pareho niyang naka tali din...
"Im sorry guys ginawa ko lang yun dahil mahal ko si Martin, you know how much I love him"
Nagsisimula ng umiiyak si sarifa ng maalala ang ginawa niya..
~~ Flash Back ~~
"Ito paghahatian niyo na lang yan siguro tama na yang 50k para sa inyong tatlo"
"Oo naman sarifa, tama na ito wag kang mag-alala kami na ang bahala sa kanya"
"Siguraduhin niyo lang na hindi maka pagsalita yan at tatakutin niyo lang siya"
"Wag kang mag aalala sarifa kami ng bahala sa kanya"
"Oh siya sige na baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko"
Pagkabigay ng pera sa tatlong estudyante na binayaran ni sarifa agad na itong umalis at tinungo ang mga kaibigan na pinauna niya sa labas ng campus nila. Naririnig niya pang sumisigaw si Pearly na palabasin siya sa cr pero hindi niya na ito pinansin...
"Sarifa maawa ka palabasin mo ko dito please!"
Hilam sa luha na sigaw ni pearly kay sarifa para buksan siya. Napa urong pa siya ng kaunti ng may bumukas sa kanya ng pinto. Pero lalo lang siya na takot ng makita ang dalawang estudyante na alam nyang mga adik na pumasok sa loob ng cr habang ang isa naman ay naiwan sa labas...
"Sino kayo?! Anong kailangan niyo sa akin!"
Tatakbo pa sana sa isang cubicle si pearly ngunit nadaluhong na siya ng isang lalaki at hinila sa buhok palabas doon. Pilit siyang pinapahiga ng mga ito sa sahig habang hinawakan siya ng isang lalaki sa kamay agad naman hinubad ng isang lalaki ang palda tsaka panti niya sinira pa nito ang blusa na uniporme tsaka sinimulang gahasain siya..
"Please maawa kayo sa akin, wagggg!!!"
Pero tila bingi ang dalawa na pinaglalaruan pa siya ng mga ito. Nang halikan ng lalaki sa labi si pearly kinagat niya ang bibig nito sa galit sinuntok siya sa sikmura na halos nag pahina sa kanya at nawalan siya ng lakas makipag laban. Pagkatapos siya gahasain ng lalaki ang isa na humahawak sa kanya naman ang gumahasa. Hindi pa na kuntinto ang mga ito pinaglaruan pa nila ang pagkababae ni pearly pinagsasampal at kung ano-ano pa ang ginawa sa kanya. Sa pag-aakala ng mga ito na patay na binalot nila ito ng kurtina na kinuha pa nila sa klassroom ng P.E tsaka tulong-tulong na dinala sa sasakyan ni sarifa na pinahiram naman sa kanila. Dahil gabi na kaya walang may naka kita sa kanila lalo na ng itapon nila ito sa ilog na nag-aagaw buhay....
~~ DEATH AWAITS ~~
"Guys Im sorry hindi ko alam na iyon ang ginawa nila kay pearly 3 days after ko pa nalaman ng pinilit ko silang sabihin sa akin kong ano ginawa nila dito at di ko na pinaalam sa inyo"
"Ang sama mo pala sarifa, tignan mo pati kami na damay sa ginawa mo!"
Galit na sinisi siya ni Elena...
"Nagkamali kami ng pagkakaibigan sayo. Hindi ko akalain na ganyan ka kasama"
Umiiyak at puno ng galit na sabi ni celine kay sarifa pero si Aiza mas pinili na lang na tumahimik...
"Please patawarin niyo ako guys"
"Oops! Tama na yang drama na yan, ngayon sisimulan na natin ang laro. Hoy! kayong dalawa kalagan niyo ang kaibigan niyo!"
Sabi ng lalaki sa kanilang apat na pinag mamasdan sila. Dali-dali naman kinalagan ni celine si Elena at si Aiza kinalagan si Sarifa...
"Aiza im sorry"
"Wag ka mag alala sarifa kahit anong mangyari ngayon sama-sama pa rin tayong aalis dito pero ipangako mo na pagnaka takas tayo sasabihin natin sa pulisya ang nangyari tungkol kay pearly"
"Oo aiza pangako"
"Bilisan niyo lumalakad ang oras!"
Pagkatapos makalagan ang dalawang kaibigan takot na takot sila na napatingin sa lalaki...
"Ganito pwede kayo mag tago kahit saan pagnakita ko kayo bang! Paalam sa inyo!, ngayon bibilang ako ng sampo at mag-ingat kayo na hindi ko kayo makita! tumakbo kayo kahit saang lupalop ng bahay dahil kayo makalabas dito... tumakbo na kayo!! 1.... 2..."
Agad naman nagsitakbuhan ang mag kaibigan na lumabas ng kwarto bumungad sa kanila ang napakalaking sala pero wala man lang laman..
"Bilis tulungan nyo ko buksan natin ang pintuan!"
Tulong-tulong silang apat na pilit binubuksan ang pintuan pero hinding-hindi mabuksan..
"5....! 6....!"
Naririnig nilang bilang ng lalaki kaya lalo pa silang natako...
"Bilis tignan natin sa taas kung may lalabasan tayo!!"
Sabi naman ni aiza at agad ng tumakbo sa hagdan...
"8.....9.....!!! 10!!! Tignan natin yang pagkakaibigan niyo hahaha"
Ang daming kwarto ang naka hilira pero sa gitna pumasok si Aiza at doon nagtago. Nagtaka siya kung bakit nasaan ang mga kaibigan niya sa pag-aakala niyang sumunod sa kanya.
Habang si Sarifa sumunod ding umakyat sa hagdan pero hindi niya na pansin kung saan nagtago si Aiza. Kaya sa unang kwarto siya pumasok. Gumapang siya sa ilalim ng kama at doon nag tago. Sina Celine at Elena naman hindi sumunod umakyat pumasok sila sa naka bukas na pintuan pababa sa basement ng bahay...
"Celine natatakot ako ang dilim-dilim naman dito"
"Kaya nga Elena pero hahanap tayo ng daan para maka labas"
Tangin isang bombilya lang na nakasabit ang tangin nagtataglay ng liwanag. Lalo pa nagtaka ang magkaibigan ng tumunog ang pag galaw niyon...
"Ayun Elena may pintuan!"
Agad nilang tinakbo ang pintuan at pilit binuksan pero napasigaw lamang silang dalawa ng mabuksan roon ang lalaki...
"Aaaaaahhhhh!!!"
Agad nakatakbo si Celine pero si Elena naiwan sa kinatatayuan babalikan niya pa sana ang kaibigan ng makita itong humarap sa kanya na tumutulo na ang dugo sa noo nito na may patalim na nakatusok doon sabay natumba sa lapag...
"Aaaaahhhhh!!!"
Napasigaw na lang habang umiiyak si Celine na tumakbo pa akyat ulit sa sala habang naririnig ang sigaw ng lalaki at tawa nito na tila isang demonyo...
"Takbo Celine!!! takbo! Hahahaha"
Inunat pa ng lalaki ang leeg nito bago sinundan si celine. Halos madulas-dulas pa si celine sa sahid habang tumatakbo at umakyat na rin sa taas...
Si sarifa nanginginig na sa takot ng marinig ang mga hakbang sa sahig. Tinakpan niya ang bunganga para hindi siya marinig ng lalaki. Maya-maya narinig niya ang tunog ng sapatos ng lalaki na papalapit sa kwartong tinaguan niya. Lalo pa natakot si sarifa ng biglang bumukas ang pintuan. Pumasok ang lalaki tsaka naglakad pa ikot sa kama. Nang bigla siyang sinilip nito sa paanan niya...
"Aaaaahhh!!!"
"Ano sarifa takot na takot ka ba!"
Agad siya nito hinawakan sa paa habang sinisipa niya. Hinila siya nito palabas sa kama.
"Aaaaahhh tulong!.. tulongan niyo ko huhuhu!"
Narinig naman ni Aiza na sumisigaw si sarifa kaya dala-dala ang hawak na lampshade na tinungo ang kwarto na pinagtaguan nito. Nakita niya pa ng saksakin ng lalaki sa paa si sarifa ng hawak nitong screw driver na malaki. Agad naman nilapitan ni Aiza ang lalaki tsaka pinokpok sa ulo ng lampshade. Dumating din si Celine na may hawak na tubo tsaka pinalo din ang lalaki...
"Bilis Aiza tulungan mo si sarifa!"
Sigaw sa kanila ni Celine habang hindi tinitigilan paluin ang lalaki at inalalayan naman ni Aiza si sarifa palabas ng kwarto. Gayun naman ang pagkagulat ni Celine ng biglang humalakhak ang lalaki habang pinapalo niya ito. Pwersahang inagaw sa kanya ang tubo at ipinalo iyon sa kanya na ikina bagsak niya sa sahig...
"Tingin mo kaya mong eh save ang buhay ng mga kaibigan mo. Nagkakamali ka Celine wag kang maging hero! Dahil lahat kayo kukunin ko ang mga kaluluwa niyo! at ipapaslak sa empyerno!"
"Bakit mo ba ito ginagawa huh!"
"Dahil kayo ang magbibigay sa akin ng buhay na maging isang tao. Pitong kaluluwa ang kailangan ko well naka apat pa lang ako at Ikaw ang panglima!"
Pinokpok na siya ng lalaki sa ulo ng bakal at hindi siya tinigilang hanggang hindi malagutan ng buhay basag ang bungo ni celine na nagsiagusan naman ang dugo sa buo nito katawan pati pisnge nito na yupi at nahulog pa ang ngipin nito sa lakas ng paghampas sa kanya ng tubo...
~~ SARIFA'S DEATH ~~
Akay-akay naman ni Aiza si Sarifa na tinungo ang pinaka huling kwarto. Malaki iyon at maaliwalas. Pinaupo niya si Sarifa sa higaan tsaka kinandado ang pinto tinulak niya pa ang mesang na naruruon tsaka hinarang sa pintuan...
"Wag kang mag-alala sarifa makakaalis tayo dito"
Pagkatapos bunutin ang screwdriver sa paa ni sarifa pinunit niya ang laylayan ng damit tsaka itinali iyon sa dumudugong paa ni sarifa. Pagkatapos nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala man lang siya makitang maari nilang daanan roon. Nang makita ang isang pintuan tinignan niya cr ng kwarto. Napatingin pa siya sa taas ng ding-ding ng marinig ang tunog na likha ng ibon na tinutuka ang kristal na ding-ding sa taas ng iniduro...
"Sarifa may dadaanan na tayo!"
Kahit masakit ang paa pilit tumayo ni sarifa at tinungo si aiza sa cr...
"Dyan tayo lalabas kasya ang iisang tao pero kailangan natin basagin muna"
Tumakbo pabalik ng kwarto si aiza at humanap ng maaring ipang basag roon. Isa-isa niyang binuksan ang mga malilit na kabinet pero gunting lamang ang nakita niya. Pagbalik sa cr inakyat niya ang iniduro at pinaghahampas ng gunting ang salamin. Nang marinig nila ang kalampag sa pintuan na hinahampas ng palakol biglang naka dama ng takot si sarifa...
"Aiza bilisan mo andyan na siya!"
Natataranta naman si aiza at binilisan pa ang pagpokpok sa salamin para mabasag kahit masakit sa kamay...
"Aaaaahh!"
Nagtitili na si sarifa ng masira ang pintuan ay butas na at ipinasok ng lalaki ang kamay nito tsaka pilit inaabot ang seradura. Tamang-tama naman na nabasag na ni Aiza ang salamin nakita niya ang ibon na tila tinuturuan siya ng daan...
"Aiza bilisan mo!"
Bumalik sa loob ng kwarto si aiza at nakita ang kamay ng lalaki na inaabot ang seradura. Kaya sinaksak niya ang kamay nito ng hawak na gunting. Narinig niya pang nagmura ang lalaki sa labas at galit na galit....
"Bilis sarifa lumabas na tayo dito bago pa siya maka pasok!"
Tinungo na nila ang cr at unang umakyat si aiza para mahila niya si sarifa. Nakalabas rin siya pero may mga sugat siyang natamo sa mga bubog at matulis na kristal na naiwan doon...
"Bilis sarifa umakyat kana!"
Sumampa na rin si sarifa at hinila na ito ni aiza ng biglang bumigat ang kaibigan..
"Sarifa?!"
Tumingin sa kanya ang kaibigan at nakita niya lumabas ang dugo sa bunganga ito...
"Sarifa!!"
"U...umalis..ka..na ai...za!"
Pagkasabi nun biglang dumaosdos pabalik si sarifa na hinila pala ng lalaki..
"Iligtas mo ang sari..li mo aiza!"
Nakita niya na hinawakan ni sarifa sa paa ang lalaki para hindi maka sunod sa kanya agad. Wala na rin nagawa si aiza at umalis na sinundan niya ang ibon sa makitid na daan ng ding-ding. Napa sign of the cross pa siya ng makita ang taas niyon. Habang si sarifa pinalo siya ng lalaki sa ulo ng palakol na hawak nito at tinulak palayo sa kanya. Bulagta si sarifa sa sahig na puno ng dugo pagkatapos makatamo ng tama ng palakol sa likod nito at Gayun din sa ulo. Susundan na sana ng lalaki si aiza ng makita niya na tinalon nito ang baba ng bahay...
"Aaaaahhh!!! Lintik kang babae ka!"
Sa subrang galit ng lalaki pinaghahampas niya ang loob ng cr ng palakol at binalingan si sarifa tsaka walang awa na tinadtad ang katawan nito. Nang mapagod iniwan na ng lalaki ang katawan nito at sinundan si aiza..
~~ Aiza Survival ~~
Pagkatapos talunin ang kalagitnaan ng pader dahil wala na siyang makaapakan paika-ikang tumakbo si aiza palabas ng bakuran. Binagtas niya ang patungong high way para maka hingi ng tulong. Nang makita ang isang sasakyan na papalapit pinara niya iyon at nagsisigaw. Nasilaw pa siya sa ilaw ng sasakyan na tumatama sa kanya..
"Tulong...! Tulungan niyo ko!"
Agad naman napa preno si Ashei sa babaeng nakita sa harapan ng kotse niya na sugatan. Kaya nilabasan niya ito agad..
"Miss tulungan niyo ko!"
"Halika dali!"
Agad naman inalalayan ni Ashei si Aiza na maka pasok sa sasakyan niya. Agad din siyang pumasok at nilisan ang lugar na iyon. Nakita pa sila ng lalaki na sinundan si Aiza pero hindi niya na naabutan. Hinatid niya na lang ng matalim na tingin ang sasakyan ni ashei....
"Miss anong nangyari sayo?"
"Dinukot kami ng isang mama dinala kami sa malaking bahay doon tsaka gusto niya kami patayin."
Sabi ni aiza na umiiyak pa..
"Teka.. dahan-dahan lang ok"
"Sino ang mamang yun na gustong patayin kayo, tsaka sino-sino mga kasama mo at nasaan na sila?"
"Patay na silang tatlo ang mga kaibigan kung sina celine, sarifa at elena ako nalang ang naka ligtas pinatay sila ng lalaking hindi namin kilala"
"Pero bakit kayo papatayin?"
"Hindi ko alam pero tingin ko may kaugnayan iyon sa pagkamatay ni Pearly Angeles"
Naguguluhan man si Ashei sa kinuwento ng tinulungan niya pero naisip niya dahil sa mga pinagdaanan nito kaya hindi makapagsalita ng maayos...
"Wag ka mag-alala miss safe kana ok, oo nga pala anong pangalan mo?"
"Aiza po, salamat huh"
"Walang ano man, sige na tama na yang pag-iyak mo, ako nga pala si Shania"
Iyon ang ginagamit niya pangalan pag nasa publiko siya tangin ang aunti mhay niya lang ang tumatawag sa totoo niyang pangalan. Isinugod ni Aishei si Aiza sa malapit na hospital para magamot ito agad. Tinawagan niya si SPO1 Nelson para ma embistigahan ang nangyari kay Aiza David.
Pabalik na siya sa labas ng kwarto kung saan ginagamot si Aiza ng tumunog ang cp niya...
"Iha nasaan ka naku anong oras na wala ka pa nag-aalala na ako sayo"
"Aunti im here at St. Luke hospital may isinugod akung pasyente dito, wag ka mag-alala aunti ok lang ako"
"Naku iha halos tumaas na yata pression ko sa pag-alala sayo. Wait tatawagan ko si Mark Dave ng masamahan ka niya hindi ako mapapanatag hanggat wala kang kasama"
"Im sorry aunti, but ok sa ikapanatag mo just tel him na andito lang ako"
"Sige iha at tatawagan ko na siya"
Pagkatapos makipag usap sa aunti mhay niya napailing na lang si Ashei habang nakangiti parang ina niya na ito kung mag-alala sa kanya. Maya-maya lumabas na rin ang doctor na tumingin kay Aiza...
"Kamusta ang pasyente dok?"
"Ok na siya iha, kailangan natin ma x-ray yung kamay at paa niya baka meron siya mga baling buto"
"Sige po dok salamat"
"Kukunan na muna siya ng nurse ng xray then later pwede na siya ilipat sa ward"
"Ok po dok, kailangan ko pa kasi siya maka usapa para maibalita ko sa parents niya ang nangyari kanya., sige Dok salamat ulit"
Tumango ang doctor kay ahsei at nag paalam na ito sa kanya. Hinintay na lamang niya ang pagdating ni Mark Dave at Nelson sa hospital...
=>>>>> NEXT SESSION 5 <<<<<=
this story does not belong to me, i just shared it because it is a good one
please no nega comments because i just copied this
- ElijahTheBeatStraw Hat Pirate
- Posts : 28
Points : 97649
Join date : 2013-09-01
Warning Level :
Re: Angel, Demon & Human
Thu Sep 05, 2013 9:15 pm
Nice ang ganda ^^
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum
|
|