Tambayan ng mga Anime Addicts
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Always visit: www.tnmaa.net
Buy Items for your Accounts: Forum Shop
Download Anime- CLICK HERE
Chit-Chat with your fellow Otaku: TNMAA CHATBOX
Log in
Discord
TNMAA Facebook Connect

Featured Anime


Poll
Anime of the Month (November 2015)
Monster Musume no Iru Nichijou
9% / 8
Akagami no Shirayuki-hime
8% / 7
Kangoku Gakuen Prison School
5% / 4
Himouto! Umaru-chan
11% / 10
Gangsta.
14% / 12
Aoharu x Kikanjuu
2% / 2
Rokka no Yuusha
2% / 2
Charlotte
28% / 24
Shimoneta no Iu Gainen ga Sonzai Shinai Taikutsu na Sekai
2% / 2
GATE: Jieitai Kanochi Nite Kaku Tatakaeri
18% / 16
Top posting users this month
No user
Latest topics
Say PRESENT in a dead forumTue Dec 26, 2023 1:31 pmRayzer
HisashiburiTue Dec 26, 2023 1:07 pmRayzer
Arrow threadThu Aug 24, 2023 4:44 amRekii
Dear SomeoneThu Aug 24, 2023 4:41 amloliprogram
Shout out / Wall 2Thu Aug 24, 2023 4:28 amloliprogram
AttendanceThu Apr 06, 2023 4:48 pmgreencandle
Web Re-MakeWed Sep 23, 2020 10:51 pmJEM
Wala na finish na.Tue Dec 10, 2019 4:21 pmAko Cee Jae Sun
Hi! May the fairy dust brings goodluck to anyoneSun Aug 25, 2019 1:42 pmgreencandle
What is the most tiring thing to do?Mon Jul 08, 2019 4:51 amgreencandle
Last Letter First LetterTue May 07, 2019 9:11 pmKuletXCore
Give Number a first name.Tue May 07, 2019 9:05 pmKuletXCore
Guess the Age of the Next PosterTue May 07, 2019 9:00 pmKuletXCore
Guess the Gender of the Next PosterTue May 07, 2019 8:59 pmKuletXCore
Donate
Top posting users this week
No user

Go down
Kiutaro
Kiutaro
Shinigami Badge Holder
Shinigami Badge Holder
Posts : 17
Points : 100167
Join date : 2013-05-20
Warning Level : No Warning

Blade of Roses (Legacy of Sage) Empty Blade of Roses (Legacy of Sage)

Tue May 28, 2013 2:27 pm
Blade of Roses
(Legacy of Sage)


Genre: Romantic Fantasy Story

Setting: Central Dark Tower




Sinundan ko siya papunta sa bayan niya dahil sa masamang pangyayari duon siguradong masama ang loob niya. Nag alala ako ng husto
kaya ko siya sinundan. Alam kong malakas siya kaya lang minsan kasi padalos dalos siya mag isip kaya nakaramdam ako ng kaba nung umalis siya.

Dark Tower City isang syudad na binubuo ng mga Guardians at Soldiers. Soldiers mga piling mandirigma ng Dark Tower City sila ang nakatalaga
para mag bantay sa central base kung saan itinago ang bankay ni Valak isang diablong lumitaw sa Dark TOwer City. Guardians binubuo ito ng 20th council.
Guardians ang humahawak sa mga ordinaryong kaso o krimen sa syudad Gamit lamang ang Baril . nabanggit sakin ng mga umampon sakin na mandirigma ang aking mga magulang
At bago sila mamatay ay may ibinigay sila sa akin na kakaibang disenyong Talim malalaman ko daw kung paanu ito gamitin balang araw
pinasok ko ang pag sasanay para maging guardians at nagawa ko itong maipasa at magiging guardians na ako ng 17th council sa loob ng isang buwan
ang totoo gusto ko maging isang bayani o siguro para lamang magkaroon ng kwenta ang napakaboring at simple kong buhay pero may isang araw na nagpabago ng buhay ko
yun ang araw na nakilala ko siya.

Isang araw, na inakala kong isang simpleng araw lang, Bibili sana ako ng Cellphone kaya lang sa harap ng isang PhoneShop
may dalawang Guardians na rumesponde na may hinahabol na isang lalake inakala kong mag nanakaw ang hinuhuli nila at sinubukan kong tulungan ang dalawang Guardians

(Aliceson): Iikutan ko sya Rey
(Rey): Cge!

nag iba ako ng dinaanan para mapabilis ang pag habol ko at nung malapit na ako sa lalakeng hinahabol ng dalawang Guardians
Sumulpot ang babaeng Guardians.

(Aliceson): Aba!!! May Kasabwat ka pala huh.
(*^*%*^*%): Huh!!!???
(ALiceson): Tigil!!!!!
Nagulat ako at ako ung ung Hinuli nung babaeng Guardian pero sinubukan kung lumaban pero grabe hindi ako umubra sa lakas niya

(*^*%*^*%): Aray ko!! anu bang problema mo!!!
(*^*%*^*%): Hoy!! bkt mo ako pino-sasan?
(Rey): oh anu nahuli mo ba?
(Rey): teka sya ba yun?
(ALiceson): Tingin ko kasabwat niya to
(*^*%*^*%): Ano!! hindi niya ako kasabwat no saka isa rin akong Guardian
(Aliceson): Talaga lang huh.
(*^*%*^*%): AH eh ano.. ang totoo sa isang buwan pa..
(Aliceson): Kainis!! tara habulin na natin..
(Rey): Cge.
(*^*%*^*%): Teka sandali! yung posas
(Rey): oh.. ah ayan ba..
(Rey): oh ayan.. sige dyan ka na.

Ito ang una naming pagkikita ni Aliceson. Isa syang Guardians ng 5th Council ibig sabihin magagaling at intelehente
sikat ang nasa hanay ng 1st to 5th council at marami rin nag sasabing mayayabang daw ang mga nasa hanay na yun

Nung kinagabihan na habang nag lalakad na ako para bumili ng cellphone biglang..

(Aliceson): Oh! ikaw nanaman.
(*^*%*^*%): Ah eh. Hi.
(Aliceson): Nag Papatrol ka ba ngayon
(*^*%*^*%): ahaha! naku hindi. (Hays)
(*^*%*^*%): tapos na ba ang duty mo ngayun
(Aliceson): Ah uo eh.
(Aliceson): Sya nga pala malapit ka na maging Guardian diba. pang ilang council ka?
(*^*%*^*%): pang 17th council ako.
(Aliceson): haha ang layo! ah siya nga pala ikaw si?
(*^*%*^*%): Nheoj! Nheoj Trebor
(Aliceson): Alice! ALiceson Sugira
(Nheoj): ang totoo nag hahanap ako kung san makakabili ng astig na cellphone. alam mo na yung bagay sa mga Guardian.
(Aliceson): Tamang tama halika may alam ako.
(Nheoj): teka wala ka bang pupuntahan?
(Aliceson): dun din kasi ako papunta kaya tara na.
(Nheoj): Ah sige.

Kinabahan talaga ako nung makasabay ko siya pero unti unti rin nawala yun sinamahan pa niya ako sa isang malaking Mall.
At sa hindi inaasahang makakasama ko siya sa isang gabing adventure bilang isang Guardians.

(Nheoj): (Cup noodles, puro ready to eat ang dami naman.)
(Nheoj): Ganito ba lage kinakain mo?
(Aliceson): Oh ito pa hawakan mo.
(Nheoj): (hays ginawa pa akong taga bitbit)
(Nheoj): Teka akala ko sasamahan mo ako sa bilihan ng cellphone
(Aliceson): Uo nga.
: (#Ringing#)
(ALiceson): (#Oh Rics bakit?#)
(Rica): (#May Grupong taga labas na nakapasok sa siyudad. OK lng ba?#)
(ALiceson): (#Uo naman sige saan ba yan#)
(Rica): (#Dito sa 7th Base nasa 1st floor ng Intercontinental Hotel ang mga grupo kino-kontak na rin ang mga SOldiers sa Central base#)
(ALiceson Phone): (off)
(Aliceson): Tara!

(Rica): (# Nasa harap ng main entrance ng Hotel "HEllo Alice" Hello"#)
(Rica): Ngek! binaba na niya ung phone niya Captain!!
(Captain Jack): huh!
(Rey): Ah Captain mukhang hindi sila pangkaraniwan kakaiba kasi ang espada nila.
(Captain Jack): Kung ganun mag babantay lang talaga tayo dito. Ipa ubaya nalang natin sa mga Soldier ng Dark Tower ito.

(Nheoj): San tayo pupunta?
(Aliceson): basta. malalaman mo na ngayon kung paano maging guardian.
(Nheoj): mga kriminal ba ang huhulihin natin?
(Aliceson): Hindi. nakapasok sila sa Dark Tower ng ganun kadali sigurado hindi sila pangkaraniwan.
(Nheoj): Ano! Hawak pa ba to ng mga councils natin? diba dapat taga Central base ang humawak dito.
(ALiceson): A basta sumunod ka nalang!

<#1st Council Radio#>: Sa mga nakapaligid sa Intercon Hotel mangyaring lumayo muna nakahanda na ang High Ranks Soldier para umatake!
(Captain Jack): Tara na!
(Rica): San na kaya si Alice?

(ALiceson): Mag uumpisa na.
(Nheoj): Ang alin?

Habang kasalukuyang hinuhuli ng mga Soldiers ng central base ang mga tagalabas ay may ilang nagawang makatakas at ang isa sa kanila
ay nakaharap namin.

(Aliceson): Tigil!!!! huwag kang gagalaw.
(#^&#^&): Aba. mga mababang uri ng soldier hahaha.
(Aliceson): Gusto mo bang barilin kita?
(Nheoj): hoy anu ka ba dapat tumawag ka ng back up.
(#^&#^&): Tignan natin kung haggang saan kau mga mababang uri.

Nakaka inis pinag mukha niya kaming mahina braso lang ang ginamit para matalo kami. dito ko unang napalabas ang nakatago kong kapangyarihan
isa itong kulay rosas na inerhiya na lumabas sa aking kamay nung sanggain ko ang espadang tatama kay aliceson gusto ko siyang protektahan
nung oras na yun kaya ko siguro nagawang palabasin ang kapangyarihan na yon. Agad siyang tumakbo at hinabol namin siya hanggang sa nahuli
siya ng mga Soldiers ng Central base.

(ALiceson): hahah! anu masaya ba?
(Nheoj): hahah! Sira ka.
(Aliceson): Salamat nga pala! pero teka paano mo nagawa yun?
(Nheoj): ahah yun ba hindi ko rin alam. tara na.

Hindi namin namalayan sarado na ang mall na pinag bilhan niya hindi pala siya marunung mag luto kaya ayun sinama niya ako sa bahay niya
baka sakaling mayroong pwedeng lutuin sa bahay niya.

(Nheoj): ah ahaha. ngayun kalang ba nakakain ng sinangag?
(Aliceson): ah uo eh. nakakakain lang ako ng lutong bahay kapag bumisita si Rica.

Dito na niya ako pinatulog sa bahay niya. Marami siyang naikwento sa akin naikwento rin niya ang bayan niya ang shangri la. isa yung napakagandang syudad
at c Valfor ang iniidulo niyang mandirigma ng shangri la at isa rin siyang mersenaryo na may apat na miyembro.Nabanggit niya rin na gusto niya maging bayani.
at maging malakas tulad ni Valfor

Kinaumagahan maaga akong gumising para bumili sa tabi tabi ng kakainin namin ewan ko ba kahapon lang kami nagkakilala pero talagang
masaya ako nung makasama ko siya.

(ALiceson): sige papasok na ako.
(Nheoj): ah sige.
(Aliceson): ah siya nga pala pwede ba tayo mag kita mamaya?
(Nheoj): huh bakit?

Hindi niya sinabi kung bakit tapos nakangiti lang siya tapos umalis na siya. Ilang minuto ang nakalipas napansin ko ung cellphone niyang naiwan sa bahay kaya
pumunta ako sa 5th council para ibigay yun sa kanya.

(Nheoj): Ah naku magandang umaga sa inyu.
(Rey): Oh ikaw pala anu kailangan mo.
(Nheoj)ah.. eh.. kasi.
(Rica): sino siya Rey?
(Rafael): Baka bisita yan ni captain.
(ALiceson): oh pinuntahan mo ba ako?
(Rica): ah kaibigan mo alice?
(Aliceson): ah hindi...
(Aliceson): Boyfriend ko siya.

Nagulat ang lahat sa sinabi niya kahit ako nabigla sa sinabi niya at duon nag umpisa ang masaya naming relasyon at mga ilang araw rin
ay nag de-date kami. habang tumatagal mas lalo ko na siyang nakikilala kumpara nung una ko siyang makita.habang nasa duty sya ako naman
ay inaantay lang na umuwi siya. Isang buwan na ang lumipas at kailangan ko nag mag report sa 17th council para palitan ang na promote nilang kasama
sa 9th council at nakatakda kaming magkita sa sa isang coffee shop pagkatapos ng duty namin.

(Aliceson): kamusta unang araw mo?
(Nheoj): ah. palabiro ang mga kasama ko dun kaya siguro di na ako mahihirapang mag adjust.
(Aliceson): ganun ba. siya nga pla may binili ako para sayo.
(Nheoj): talaga!
(Aliceson): Nakalimutan mo na kasing bumili ng cellphone kaya ito ako pumili niyan.
(Nheoj): ahaha uo nga. naku baka mahal to ah!

nawala sa isip ko bumili ng cellphone isang buwan na ang lumipas natawa nalang ako nung gabi na yun.Naging sikat pa nga ako sa 17th Council dahil
sa kanya ng minsang maaga siya umalis sa 5th council para sunduin ako.

(Rude): pre!! Girlfriend mo ba yung taga 5th Council? nasa labas siya hinahanap ka niya.
(Enzo): Pakilala mo naman kami pre
(Captain Xergio): anu! taga 5th Council? ibig sabihin kilala niya si Rica. ahahaha
(Captain Xergio): baka pwede mo akong ilakad ahaha
(Nheoj): ah.. ehh.. ahaha!

Nagbago ang lahat ang dating nakaka inip at simpleng buhay ko noon mula ng makilala ko siya tadhana siguro ito..

Lumipas ang dalawang Buwan..


Isang masamang balita dumating habang nasa 17th council ako ay isang masamang balita ang pinakita sa T.V na sinasabing winasak ang bayan
ng shangri la. At ang sinasabing gumawa nun ay ang mga Grupo ng mersenaryo si Valfor at ang mga kasamahan niya. Unang pumasok sa isip ko si Alice
agad ko siyang tinawagan.

(Nheoj): (#Hello alices.....#)
(ALiceson): (#Oh ikaw pala pasensya na may pupuntahan ako tawagan nalang kita mamaya.#)

Nangyari ang kutob ko pumunta ako sa 5th Council at ang sabi nila ay pumunta siya sa Shangri la Gamit ang Bike. Hiniram ko ang Bike para sundan siya sa Bayan niya.
nag alala ako ng husto dahil ang iniidulo niyang si Valfor ang nasabing nag wasak sa bayan niya. Natagalan ako sa pag punta sa shangri la dahil sa hindi ko natandaan
ang mga tinuro ng daan sakin ng mga taga 5th council. At ng makarating na ako nagulat ako sa laki ng pinsala ng lugar mukhang isang uri ng dinamita ang ginamit
para wasakin ang bawat lugar sa dami ng mga nag puntahan para alamin ang ngyari at isa lang talaga ang sinasabi nilang nag wasak sa bayan pero hindi ko mahanap si
alice.

(Captain Xergio): Hoy Hunghang nasaan ka?
(NheoJ): ah. captain pasensya nasa shangri la kasi ako ngayun.
(Captain Xergio): Anung! ah dibale na. ang walangyang Valfor na yun.
(Captain Xergio): Nilusob ng mga mersenaryo ang central base pinalabas ng syudad ang lahat ng council kaya huwag ka muna bumalik sa bayan MALIWANAG!!!
(Captain Xergio): nilalabanan na ng mga High rank soldier natin ang mga mersenaryo mukhang ang pakay nila ay ang bangkay ng Diablong si Valak.
(Nheoj): saan ngayun nag pupulong ang lahat ng Councils?

Kakaiba ang sitwasyon ng araw na yun mas lalong dumoble ang kaba ko dahil isa lang talaga ang nasa isip ko ng mga oras na yun si alice. Kaya siguro hindi ko siya makita
sa shangri la. parang nakikita ko na sa isip ko kung anu ang mangyayari siguradong papasok siya sa dak central base para harapin si Valfor ayaw kong gawin niya yun
kaya pumasok din ako sa syudad para pigilan siya.

Nagpunta muna ako kung saan naroon ang mga councils kinumusta ko ang lagay ng 17th Council at hinanap q ang 5th council para tignan kung mali ang hinala ko
pero tama talaga ang kutob

(Nheoj): Sige pupuntahan ko siya sa central base
(Rica): patawad alam kong mapanganib ngayun dun pero sana...
(Nheoj): Pangako ibabalik ko siya dito ng ligtas.


Nangako ako sa kanila at sa sarili ko na anu man ang mangyari ay po-protektahan ko si alice. Pag pasok ko sa syudad gamit ang Bike naalala ko ang Kakaibang
Talim na iniwan sa sakin ng tunay kong mga magulang dinaanan ko iyun sa bahay. Na alala ko rin ang kulay rosas na inerhiyang lumabas sa akin nung subukan
ko siyang iligtas nuon sinubukan kong palabasin yun ulit yun dahil gaya ng sitwasyon nuon sa pag ligtas sa kanya ay nasa panganib din siya ngayun
at ng mag focus ako ay nagawa kong mapalabas ito kakaibang lakas ang ang nadarama ko sa aking katawan at maging ang aking buhok ay naging kulay rosas
at ng hawakan ko ang kakaibang talim ay nag bago ito naging isa itong "Talim na Rosas". Nag tungo na ako sa Central base
at pag pasok ko dito ay parang isa pa itong syudad sa itaas na may hagdanan pataas.

(Aliceson): Sir Strachey!!.
(Soldier Strachey): Guardian.. mag isa nalang siya.
(Aliceson): Si Valfor ba?
(Soldier Strachey): uo.. sugatan na siya..pero kinuha niya ang bangkay ng diablo mag madali ka.
(Soldier Strachey): At.. Patayin mo siya.


(ALiceson): VALFOR!!!!!!!!!!!!!!!!

Nakarinig ako ng putok ng baril kaya nag dali dali kong pinuntahan ang direksyon kung saan ito nanggaling.

(Aliceson): Inidulo ka naming mga taga shangri la pero anung ginawa mo.
(Valfor): ah... Lapastangan ka mamatay ka...
(Aliceson) Ah.............
(Valfor): kahit taga dun ka pa sa bayan na yun wala ka pang alam. jan ka na.
(Aliceson): ah!.. (hindi ka pwedeng tumakas) ah!..

habang tumatakbo ako ay nakita ko ang sugatang mandirigma na may hawak na kakaibang Cube at hindi katagalan ay narining ako ng isang malakas na tinig
ang sigaw ng sugatan na si alice.

(Aliceson): VALFOR!!!!!!!!

pinaputukan niya ito at tinamaan niya ito sa likod ngunit habang iniinda ang tama ng sugatang mandirigma ay nagawa pa nitong humugot ng baril
at ang sugatang si alice ay nanghihina na sa tama sa kanyang balikat.nag madali ako... nag madali akong tumakbo para iligtas siya............
.............................................................................................................................................

(Aliceson): Nheoj... nheoj.. ikaw ba yan? Nheoj!!!!!!!!!
(Aliceson): pakiusap sumagot ka Nheoj!!!!! Nheoj pakiusap sumagot ka!!!!!!!!

Isa lang ang nasa isip ko nung oras na yun ang iligtas siya pero ang balang dapat na sa kanya`y tumama. ay tumagus sa aking puso.

(Valfor): hahaha!!! haha!! ah!!
(Aliceson): Nheoj.. naririnig mo ba huh.. pakiusap huwag kang susuko..

Marahil kapalaran ko ito pero gusto kong tuparin ang pangako ko dahil sa tindi ng tama niya baka hindi na rin siya makalabas dito
kaya habang may malay pa aq sa bisig niya.

(Nheoj): Alice...
(Aliceson): Nheoj..
(Nheoj): Kunin mo ang Talim na rosas....
(Nheoj): siguradong.. bagay sau..
(Nheoj): Ang kulay Rosas na buhok.
(Aliceson): Nheoj...
(Nheoj): Alam kong pangarap mo maging bayani kaya ituloy mo..
(nheoj): ituloy mo ang pangarap natin bilang isang BLade of Roses
(Aliceson): NHEOJ!!!!!!!!!!



Itutuloy.......

_NEW_PYROMANCER_
_NEW_PYROMANCER_
Dragon Balls Collector
Dragon Balls Collector
Posts : 238
Points : 97661
Coins : 82
Join date : 2013-07-10
Warning Level : No Warning

Blade of Roses (Legacy of Sage) Empty Re: Blade of Roses (Legacy of Sage)

Mon Jul 22, 2013 9:46 pm
hmm.. I like the story its adventuring
Back to top
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum