Tambayan ng mga Anime Addicts
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Always visit: www.tnmaa.net
Buy Items for your Accounts: Forum Shop
Download Anime- CLICK HERE
Chit-Chat with your fellow Otaku: TNMAA CHATBOX
Log in
Discord
TNMAA Facebook Connect

Featured Anime


Poll
Anime of the Month (November 2015)
Monster Musume no Iru Nichijou
9% / 8
Akagami no Shirayuki-hime
8% / 7
Kangoku Gakuen Prison School
5% / 4
Himouto! Umaru-chan
11% / 10
Gangsta.
14% / 12
Aoharu x Kikanjuu
2% / 2
Rokka no Yuusha
2% / 2
Charlotte
28% / 24
Shimoneta no Iu Gainen ga Sonzai Shinai Taikutsu na Sekai
2% / 2
GATE: Jieitai Kanochi Nite Kaku Tatakaeri
18% / 16
Top posting users this month
No user
Latest topics
Say PRESENT in a dead forumTue Dec 26, 2023 1:31 pmRayzer
HisashiburiTue Dec 26, 2023 1:07 pmRayzer
Arrow threadThu Aug 24, 2023 4:44 amRekii
Dear SomeoneThu Aug 24, 2023 4:41 amloliprogram
Shout out / Wall 2Thu Aug 24, 2023 4:28 amloliprogram
AttendanceThu Apr 06, 2023 4:48 pmgreencandle
Web Re-MakeWed Sep 23, 2020 10:51 pmJEM
Wala na finish na.Tue Dec 10, 2019 4:21 pmAko Cee Jae Sun
Hi! May the fairy dust brings goodluck to anyoneSun Aug 25, 2019 1:42 pmgreencandle
What is the most tiring thing to do?Mon Jul 08, 2019 4:51 amgreencandle
Last Letter First LetterTue May 07, 2019 9:11 pmKuletXCore
Give Number a first name.Tue May 07, 2019 9:05 pmKuletXCore
Guess the Age of the Next PosterTue May 07, 2019 9:00 pmKuletXCore
Guess the Gender of the Next PosterTue May 07, 2019 8:59 pmKuletXCore
Donate
Top posting users this week
No user

Story of Mang Roldan

+6
RIYUMA GETSUGA
xpade21
Rawr
Dii Vine
JNL22
markjeric
10 posters
Go down
markjeric
markjeric
TNMAA VIP Member
TNMAA VIP Member
Posts : 4227
Points : 120190
Coins : 1725
Join date : 2012-04-15
Warning Level : 1st Warning
Member's Awards : Story of Mang Roldan  LPwZS8o
Story of Mang Roldan  HGUQngJ

Story of Mang Roldan  Empty Story of Mang Roldan

Sun Sep 02, 2012 8:18 pm
Story of Mang Roldan  55164410

Nais ko pong ibahagi sa inyo ang kwento ng isang mapagpakumbabang tao na nagngangalang ROLDAN JIMENEZ PINEDA, 63 taong gulang, na nagmula sa Cauayan, Isabela. Nawa’y ipagdasal po natin ang kaligtasan niya. Hindi po ako isang manunulat pero susubukan ko pong ibahagi sa inyo ang kanyang kwento.

Noong Agosto 2,2012, isang maulan at mahangin na umaga. Ako ay nasa canteen ng aking kaibigan. Sa tabi ng Villa Sto. Domingo, Mexico, Pampanga kung saan ako nakatira. Nakikipagkwentuhan ako sa tatay ng kaibigan ko ng makuha ang atensyon ko ng isang matandang lalaki. Hindi siya nanlilimos ng pera o ng kung ano man. Hindi siya makatingin ng diretso dahil nahihiya siya. Sabi niya ng may napakahinhin at mahinang boses, “ Maaari po bang bumili ng limang pisong kanin?” Basang basa ang buhok niya kaya tinakpan niya ito ng maliit na tuwalya. Basa din ang suot niyang damit. Nang marinig ko ang nanginginig niyang boses, at ramdam kong pagod siya, nilalamig at gutom. Meron siyang dala na berdeng bag na nakasabit sa likod niya at sakong meron lamang lumang mga kahon at plastik na mga bote. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya at sinasabi ng puso ko na meron akong kailangang gawin sa taong ito. Tumayo ako sa silya at nagdesisyon akong lapitan siya para kausapin. Tinanong ko kung sapat na sa kanya ang limang piso na kanin. Sabi niya plano niyang kumain ng kaunti at ang natira ay babaunin pa niya at itutuloy niya ang paglalakad niya hanggang sa marating niya ang Nueva Ecija na sa wari ko’y mahigit isang daang milya pa ang layo. Ang talagang destinasyon niya ay patungong Cauayan, Isabela kung saan siya dati nakatira. Tinanong niya kung pwede daw bang punan ang baon niyang bote ng tubig. Maari po” sambit ko. Habang sinasalinan ko ng tubig ang bote ay sinabihan ko siyang umorder pa ng pagkain para makakain siya, na huwag siyang mag alala dahil sagot ko ang oorderin niyang pagkain. Kahit minsa’y di siya nanlimos ng pera sa iba. Kung magkakapera man siya ay dahil kinita niya iyon sa pamumulot ng lumang bote. Namula ang mga mata niya na animo’y pinipigilan maluha. “Wala po akong ibang maibabalik kundi ang taos puso ko pong pasasalamat” sabi niya.

MANG ROLDAN: Nahihiya po ako kasi ganito lang suot ko.
JOE: Akong bahala po sa inyo. Ano pong gusto nyong kainin?
MANG ROLDAN: Wala po ako sa posisyon para pumili. Kahit gulay lang po o yung pinakamura.
JOE: Kailangan nyo pong kumain. Order po kayo kahit ano, yung siguradong mabubusog kayo.

Kinuha ko ang kanyang kamay at inalalayan siya upang makalakad at makapili ng pagkain na gusto niya. Sinabihan ko siya na kailangan ko munang umuwi para makakuha ng pera pambayad sa kaniyang pagkain. Pagkauwi ng bahay, kinuha ko ang luma kong camouflage na jacket para maibigay sakanya. Napag usapan namin ang mga trahedyang nangyari sa buhay niya pati na din ang kanyang mga plano.

Ilang taon na ang nakalilipas, kinailangan niyang ibenta ang bahay at lupa nila pantustos sa mga gastusin ng kanyang asawa sa pagpapagamot ng sakit sa buto nito. Nagastos nila lahat pero pumanaw din ang kanyang asawa. Meron siyang tatlong anak.. Kambal ang una niyang mga anak na pareho din namatay din dahil sa Bronchopneumonia. Samantalang ang bunso naman ay nasagasaan ng bus. Sinubukan din niyang magtayo ng maliit na negosyo na pagpi-fishball sa Maynila, pero sa panahon ng pamumuno ni Bayani Fernando noon, kinuha sakanya ang kariton at ito’y winasak ng mga taga MMDA. Ang pamilya ni Mang Roldan ay palasimbang pamilya. Masasabi ko iyon sa paraan ng kanyang pakikipag usap. Binisita lamang niya ang kanyang mga kapamilya dito sa Pampanga subalit nabigo ito dahil lumikas na sila. Nadurog ang aking puso sa kanyang mga pinagdaanan.

Napansin ko din na hindi siya makalakad ng diretso dahil maga ang kanyang kaliwang binti. “Lumipad yung bato na nadaanan nung gulong ng jeep, tumama sa paa ko” sabi niya. Pinasalamatan niya ako sa bigay kong pagkain at jacket. Inabutan ko din siya ng natitira kong pera para makasakay siya ng bus at makabili ng pagkain. Sabi niya’y wala siyang maibibigay ng kahit anumang kapalit sa tulong ko. Ang makita siyang umiiyak ang nagpalungkot at nagpa iyak din saakin. Wala akong masabi. Nakipagkamay ako sakanya at pinasalamatan siya sa pagbahagi saakin ng buhay niya. Dahil sapat na at walang katumbas ito upang ako ay mayroong matutunan sa mga bagay dito sa mundo, at masaya din ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon na matulungan ang kagaya niya. Binigay ko din sakanya ang aking payong upang hindi siya mabasa sa kanyang paglalakbay. Ayaw niya iyon kunin pero nagpumilit ako na tangapin niya ito.

Habang tumatawid si Mang Roldan sa kalsada, pinagmamasdan ko siya. Napansin ko na papunta siya sa isang sulok kung saan mayroong isang pulubi. Alam niyo ba kung anong ginawa niya? Hindi niya ibinahagi ang pagkain niya, bagkus IBINIGAY NIYA LAHAT. Kanin, tinapay at tubig. Kahanga-hanga at walang katumbas! Napatunayan ko na ang taong ito ay espesyal at hindi ako nagkamali. Hinawakan niya ang aking puso sa kakaibang paraan na tanging Diyos lang ang makakapagpaliwanag. Napagtanto ko na ang mga ibinigay ko sakanyang tulong ay di sapat kumpara sa ginawa nya para sa iba. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Nagdesisyon ako na samahan siya dahil napansin ko na walang humihinto na dyip o bus dahil sa diskriminasyon. Kaya naghintay kami ng kanyang masasakyan. Habang kami ay nakatayo, kinunan ko siya ng litrato. Ngumiti siya at sabay sabi. “half-body lang ha, nakakahiya may dala akong sako. Hehehe!” Ibang klase! Nakukuha pa niyang tumawa matapos lahat ng kanyang pinagdaanan sa buhay. Matapos ang ilang minuto. Sa wakas, mayroong huminto na bus. Sinabihan ko siya na umakto siya na parang tito ko. Bago siya umakyat ng bus, muli niya ako pinasalamatan. Kinawayan ko siya at sinabihan ko, “Ingat Tito, text mo ko kaagad pagkauwi.” Nilakasan ko yun upang marinig ng konduktor at di siya pag-isipan.

Para siyang Anghel sa langit na ipinadala sakin upang ako ay turuan at matuto ng maraming bagay. Kaya nagdesisyon ako na ilagay ito sa Facebook, at umasa na marami ang matuto at mabuksan ang mga puso. Kung nakaka-angat lang ako sa buhay, marami akong gustong gawin upang matulungan ang mga nangangailangan at karapat dapat ng tulong kagaya ni Mang Roldan. Naaalala ko pa ang nabasa kong libro na isinulat ni Father Jerry Orbos, na di lang tayo dapat maging good samaritan pero dapat maging “Better Samaritan”.

Maaari niyo po ito ibahagi sa iba. Kung hindi man, pagdasal nalang po natin sa Panginoon ang mga taong kagaya ni Mang Roldan. Nawa’y pagpalain po tayong lahat ng Diyos. Maraming salamat po sa pagbabasa.
JNL22
JNL22
TNMAA FinesT
TNMAA FinesT
Posts : 3285
Points : 103209
Coins : 15929
Join date : 2012-08-04
Warning Level : You are BANNED!
Member's Awards : Story of Mang Roldan  LPwZS8o

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Sun Sep 02, 2012 8:29 pm
wahh--kaya auq discrimination--

dont judge the book by it's cover.. nice,


nung nabasa ko to marami akong nalamang lesson--
markjeric
markjeric
TNMAA VIP Member
TNMAA VIP Member
Posts : 4227
Points : 120190
Coins : 1725
Join date : 2012-04-15
Warning Level : 1st Warning
Member's Awards : Story of Mang Roldan  LPwZS8o
Story of Mang Roldan  HGUQngJ

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Sun Sep 02, 2012 8:37 pm
Fvck Discrimination! I Salute Mang Roldan i hope we can meet someday!

Credits goes to Joemil Reyes this story is based from his personal experience! i salute Mang Roldan and Sir Joemil! =)

Dii Vine
Dii Vine
Promoter
Promoter
Posts : 912
Points : 115369
Coins : 18540
Join date : 2012-05-05
Warning Level : No Warning
Member's Awards : Story of Mang Roldan  URK4wDE

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Sun Sep 02, 2012 8:42 pm
Tapos yung iba tinawag siyang -Taong greasy- T_T
JNL22
JNL22
TNMAA FinesT
TNMAA FinesT
Posts : 3285
Points : 103209
Coins : 15929
Join date : 2012-08-04
Warning Level : You are BANNED!
Member's Awards : Story of Mang Roldan  LPwZS8o

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Sun Sep 02, 2012 8:52 pm
Dii Vine wrote:Tapos yung iba tinawag siyang -Taong greasy- T_T

un ung mga taong basta nalang makapanghusga!!

sheyy--yan ung mga nakakainis na creature under the sun XD
Rawr
Rawr
TNMAA VIP Member
TNMAA VIP Member
Posts : 2710
Points : 103968
Coins : 3035
Join date : 2012-08-01
Warning Level : No Warning
Member's Awards : Story of Mang Roldan  PGFw8zK

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Mon Sep 03, 2012 12:53 am
I salute mang roldan .
napaiyak ako habang binabasa to . X)
Malaking problem talaga ng society ngayon ang
discrimination . tsk.tsk Sana wala na lang ganung bagay X/
pare-pareho lang naman tayong tao na nilikha ni God ,
sana isipin ng mga taong mahilig mag.discriminate na sa tuwing
nagdi.discriminate sila dini.discriminate nila ang likha ng Diyos !
xpade21
xpade21
Dango Lover
Dango Lover
Posts : 733
Points : 113066
Join date : 2012-07-26
Warning Level : No Warning

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Mon Sep 03, 2012 4:05 pm
Aus toh ah muntik din aq mapaluha
Saludo aq sa ginawang tulong ni Joemil Reyes gayon din kay mang ROLDAN JIMENEZ PINEDA kc share nya din yung binigay n blessing sa kanya
RIYUMA GETSUGA
RIYUMA GETSUGA
Pokemon Trainer
Pokemon Trainer
Posts : 2034
Points : 102833
Coins : 26051
Join date : 2012-04-17
Warning Level : No Warning

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Mon Sep 03, 2012 4:08 pm
nabasa ko to sa fb dati ehh
and yun
saludo ako! ^^
markjeric
markjeric
TNMAA VIP Member
TNMAA VIP Member
Posts : 4227
Points : 120190
Coins : 1725
Join date : 2012-04-15
Warning Level : 1st Warning
Member's Awards : Story of Mang Roldan  LPwZS8o
Story of Mang Roldan  HGUQngJ

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Mon Sep 03, 2012 8:41 pm
Saludo talaga! inaamin ko minsan lang ako tumulong sa mga katulad ni Mang Roldan. pero kung ganun naman kay Mang Roldan ang paguugali ng mga ibang nakakababa sa ating komunidad. hindi ako magasasawang tulungan ang mga ganitong klaseng tao! "Ayoko kasi silang tawaging Pulubi para na kasing discrimination para sakin yung term na Pulubi."

Much Love and Respect lang ang kailangan para umunlad ang pinas!
yondaime_minato
yondaime_minato
TNMAA FinesT
TNMAA FinesT
Posts : 2036
Points : 102747
Coins : 358
Join date : 2012-09-20
Warning Level : No Warning

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Mon Sep 24, 2012 8:09 am
nakakatuwa kasi meron pa din mga taong kagaya nya he may lose everything but not his honor :-)
megane~oneesama
megane~oneesama
Forum Moderator
Forum Moderator
Posts : 3812
Points : 99513
Coins : 14262
Join date : 2012-12-24
Warning Level : No Warning
Member's Awards : Story of Mang Roldan  URK4wDE
Story of Mang Roldan  MIXC3qQ
Story of Mang Roldan  PGFw8zK

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Tue Dec 25, 2012 2:15 pm
may follow up dito last sunday sa Kapuso mo Jessica Soho..nakita ulit nila si Mang Roldan..gusto tlga cia ampunin nung guy kaso ayaw niya bumalik ulit siya sa kalsada dahil gusto din niya makatulong sa mga katulad niya kahit man lang sa anong paraan meron siya..his a great guy..no wonder many people got inspired...a person who doesn't have money but is willing to help..God Bless Mang Roldan..
kitewashere
kitewashere
Promoter
Promoter
Posts : 894
Points : 102244
Coins : 9410
Join date : 2012-12-24
Warning Level : No Warning
Member's Awards : Story of Mang Roldan  Yg0oxTZ

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Wed Dec 26, 2012 5:23 pm
jhovyanne dhatu wrote:may follow up dito last sunday sa Kapuso mo Jessica Soho..nakita ulit nila si Mang Roldan..gusto tlga cia ampunin nung guy kaso ayaw niya bumalik ulit siya sa kalsada dahil gusto din niya makatulong sa mga katulad niya kahit man lang sa anong paraan meron siya..his a great guy..no wonder many people got inspired...a person who doesn't have money but is willing to help..God Bless Mang Roldan..

Pero sinayang lang niya yung binigay sa kanyang fish ball cart para kahit paano may hanap-buhay siya kahit na nasa kalye pa siya. Wew. :fd
SnowFlakes.
SnowFlakes.
Dango Lover
Dango Lover
Posts : 875
Points : 124416
Coins : 2276
Join date : 2013-01-05
Warning Level : No Warning
Member's Awards : Story of Mang Roldan  MIXC3qQ
Story of Mang Roldan  PGFw8zK

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Tue Jan 08, 2013 12:15 pm
Napalabas to sa Jessica Sojo diba
Sponsored content

Story of Mang Roldan  Empty Re: Story of Mang Roldan

Back to top
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum